Yumuko si Gail. “Salamat sa papuri niyo, Mr. Puso.”Tinapik ni Fabio ang balikat ni Gail at tiningnan niya si Buchanon. Doon lang bumalik si Buchanon sa katotohanan at sinabi, “Ms. Leroy, napakagaling mo nga na killer.” Hindi lang niya pinugutan si Mateo pero dinala pa niya ang ulo nito. Hindi iyon magagawa ng isang ordinaryong tao.Inalis ni Fabio ang kamay niya at umupo sa couch. “Kumusta naman ang mole? May nalaman ka ba na kahit ano?”Nagulat si Buchanon sa ulo, kaya ngayon lang siya bumalik sa katotohanan. Nang marinig niya ang tanong ni Fabio, may mga malamig na tulo ng pawis ang tumutulo sa noo niya habang iniisip niya ang sinabi ni Donald sa kaniya.Tiningnan niya si Gail at pinilit niyang ngumiti. “Tiningnan ko na ang lahat sa Parkin Chamber of Commerce. Wala namang mali sa kanila, pero…” “Pero ano?” Nilapit ni Fabio ang cup of tea sa labi niya.Sinabi ni Buchanon sa kaniya ang tungkol sa labanan ni Manuel at Sunny sa harap ng ospital. Tinaas niya ang ulo niya at nagp
Takot na takot ang mga tao sa The Serpents nang marinig nila ang tungkol sa pagkamatay ni Mateo. Kahit na nasa teritoryo sila ni Fabio, hindi nila alam kung nasaan si Joaqin, at wala ng mamumuno sa kanila ngayon.Hindi magtatagal, may ipinahatid si Fabio na kukuha sa iba habang ang iba naman ay nagtatago. Wala na masyadong tao ang natira sa The Serpents, at malapit na silang magkawatak-watak.Samantala, sa ospital…Nagtipon lahat ng tauhan ni Mateo sa ward ni Joaqin. Nang marinig ni Joaqin ang pagkamatay ni Mateo, napuno siya ng lungkot at galit sa sarili niya sa pagiging mahina niya.Pumasok sila Cameron at mga tauhan niya sa harap ng ward, lahat ny tao doon ay tumingin kay Cameron.Huminto siya sa harap ng kama ni Joaqin at sinabi, “Sabi ng Dad ko bibigyan ka niya ng paliwanag tungkol sa pagkamatay ni Joaqin.”Walang sinabi na kahit ano si Joaqin pero nagalit ang mga tao sa paligid niya. “Paliwanag? Anong klaseng paliwanag? Sabi ni Mr. Southern Sr. tutulungan niya kami, pero an
Umiling si Mahina dahil wala rin siyang nalalaman.Lumabas ang dalawa sa hospital at nakarating sa harap ng sasakyan. Binuksan ni Cameron ang pinto at pumasok sa sasakyan nang makita niya ang ibang tao sa rear seat at nagulat. “Bakit ka nandito?”Sumandal si Waylon sa bintana ng sasakyan habang nakapatong ang noo sa kaniyang kamay at tumingin kay Cameron. “Nasa casino si Donald at ini-imbestigahan ang pagkatao ng babae na naglabas ng identity ni Andrei.”Isinara ni Cameron ang pinto ng sasakyan, inangat ang kilay niya at tumingin sa kaniya. “Nag-aalala ka ba sa akin?”Nag-iwas siya ng tingin at walang sinabi.Tumingin si Mahina sa rearview mirror habang nagmamaneho palayo sa lugar.‘Bagay talaga ang young master at ang pinakamatandang anak ng Goldmann.’Bigla niyang naisip kung bakit may kumakalat na usap-usapan tungkol sa kanila. Kahit sinong makakita sa kanilang dalawa ay ganoon din ang iisipin.Napansin ni Cameron ang diretso niyang tingin at tinapik ang likod ng upuan. “Tum
Tumalikod si Donald, naglakad sa likod ng desk, umupo sa upuan ng director at tinapik ang daliri niya sa mesa. “Ano ang tungkol kay Neal Beck? Hindi ba't nagpadala tayo ng tao para manmanan siya?”“Tungkol doon…” Yumuko si Chunky. “Hindi pa bumabalik ang tao na yon at hindi ko na siya makausap.”Lahat ng bagay na nasa mesa ay biglang bumagsak sa sahig—Hindi nagsalita si Chunky. Hindi rin siya naglakas-loob na huminga.Mukhang madilim at naiinis ang ekspresyon niya. “Walang kwenta! Mukhang nahuli siya.”“Kung nahuli man siya, walang magdududa sa'yo.”“Oh, talaga?” Tumingin si Donald sa kaniya. “Nahuli na si Manuel at alam na ng Southern clan na may koneksyon kami dahil sa account book at hindi na rin magtatagal bago nila ako pagdudahan.”Walang masabi si Chunky.Minasahe ni Donald ang buto ng kaniyang ilong at sumandal sa upuan. “May kinalaman siguro ang babae na yon sa Southern Clan.”May naisip si Chunky. “Tiningnan ko ang mga bagay-bagay at nagtanong sa casino. Magaling mak
‘At saka, sa tingin mo ba matatanggap noua ang ganoong balita?’Humalukipkip si Cameron at walang sinagot.Mahinahon na sinabi ni Sunny, “Sinasabihan ka lang ng Tito Damia mo na makipagkita sa babae na ‘yon, kaya makipagkita ka na. At saka, baka hindi ka magustuhan ng babae kaya isipin mo na lang na kailangan mong magpanggap.”Tumalikod siya, naglakad papunta sa pinto, huminto, humarap, at ngumisi. “Sige, pupunta ako, pero kung magustuhan niya ako, ikaw ang magpapakasal sa kaniya dahil ayos lang naman sa akin magkaroon ng stepmother sa edad ko.”“Labas!”Nang binato ang libro sa kaniya, agad lumabas si Cameron sa pinto at tumama lang ang libro sa pinto.Minasahe ni Sunny noo niya na sumasakit.‘Bakit cute at mahinhin ang mga babaeng anak ng iba, habang ang sa'kin ay parang taga kanto? Ang alam lang niya ay inisin ako.’…Habang palapit ang gabi, umilaw ang dilaw na street lamps. Maganda ang mga ilaw sa clubhouse, gumagawa ng ilusyon na usok, na agad na pupukaw sa nawawalang ka
“Nice, kakaibang pangalan.” Tumango si Buchanon at nagsalin pa ng alak. “Dahil sinasabi mong malakas ka uminom, samahan mo akong uminom. Basta malibang ako at maging masaya, malaki ang makukuha mong tip pagkatapos ng araw.”May kakaibang lamig ang makikita mula sa ilalim ng mata ni Yanis. “Karangalan ko na pagsilbihan ka ngayong gabi.”Sa kwarto, uminom nang maraming baso ng alak si Buchanon, at namumula na ang pisngi niya. Galit siya buong gabi at mabilis na umiinom kaya malapit na siyang malasing.Hindi nagbago ang ekspresyon ni Yanis. Sinulyapan niya si Buchanon at nakitang malapit na siyang malasing kaya binaba niya ang kaniyang baso. “Sir, may bumabagabag ba sa isip mo? Iniisip ko lang kung pwede mo akong tagapakinig ngayong gabi?”Tiniis ni Buchanon ang galit niya nang matagal at maraming ininom sa nakalipas na oras. Sa oras na ‘yon, wala siyang kasama para ilabas ang emosyon niya at para siyang naagrabyado. “Maliit na problema lang. Bwisit na lalaki ‘yon! Inilaan ko ang ilan
Umupo si Nollace sa harap ng laptop at nagsimulang buksan ang folder gamit ang hacking tool. Pagkatapos ng kalahating oras, nalaman na niya ang password ng folder. Tiningnan niya ang mga dokumento na nasa loob ng folder at bahagyang naningkit ang mata nang may nakita siya.Pagkatapos ng ilang sandali, kinuha niya ang USB flash drive, sinara ang laptop, tumayo at umalis ng kwarto.Nagmaneho si Jake sa parking lot ng hotel at naghintay. Hinubad ni Nollace ang wig niya at pumasok sa sasakyan.Tumingin si Jake sa rearview mirror.‘Diyos ko! Ang ayos pa rin ng itsura ng lalaking ‘to kahit na nakasuot siya nang pambabae. Sa tingin ko siya lang ang tanging tao sa mundo na makakagawa nito.’“Hindi mo naman binunyag ang sarili mo, hindi ba?”Inalis ni Nollace ang makeup sa mukha niya. “Lasing na lasing siya na kahit maalala niya ang nangyari ngayong gabi, hindi niya maaalala kung sino ang babae.”Nagmaneho palayo si Jake sa hotel. “Inilagay ni Fabio ang ibang management rights ng Parkin
Lumayo si Daisie. “Hindi mo ako pwedeng yakapin kung hindi ka magpapaliwanag.”Naguguluhan si Nollace dahil hindi niya alam paano magpapaliwanag.May kumatok sa pinto at maririnig ang boses ni Jake sa kabilang banda ng pinto. “Mr. Beck, naiwan sa sasakyan ang bag mo na may damit.”Nilagay ni Nollace ang kamay niya sa kaniyang noo at naglakad sa pinto para kunin ang bag mula kay Jake. “Salamat.”Pagkatapos magsara ng pinto, kinuha ni Daisie ang bag niya at aalis na sana nang harangan ni Nollace ang pinto. Bumulong siya, “Please tumabi ka. Aalis na ako.”Nagulat si Nollace. “Galit ka talaga?”“Pinuntahan kita pero ganito ang trato mo sa akin. Nagbago ka na, bwisit.” Tinulak niya palayo si Nollace at hinawakan ang pinto pero inabot ni Nollace ang bag sa kaniya. “Gusto mong tingnan?”Lumingon siya. “Ano ‘yan?”Kinuha niya ang bag at binuksan yon. Damit, yon ng babae, wig, perfume at makeup…Kinuha ni Daisie ang bote ng perfume at inamoy. Iyon ang naamoy niya kay Nollace.Naintind