Umupo si Nollace sa harap ng laptop at nagsimulang buksan ang folder gamit ang hacking tool. Pagkatapos ng kalahating oras, nalaman na niya ang password ng folder. Tiningnan niya ang mga dokumento na nasa loob ng folder at bahagyang naningkit ang mata nang may nakita siya.Pagkatapos ng ilang sandali, kinuha niya ang USB flash drive, sinara ang laptop, tumayo at umalis ng kwarto.Nagmaneho si Jake sa parking lot ng hotel at naghintay. Hinubad ni Nollace ang wig niya at pumasok sa sasakyan.Tumingin si Jake sa rearview mirror.‘Diyos ko! Ang ayos pa rin ng itsura ng lalaking ‘to kahit na nakasuot siya nang pambabae. Sa tingin ko siya lang ang tanging tao sa mundo na makakagawa nito.’“Hindi mo naman binunyag ang sarili mo, hindi ba?”Inalis ni Nollace ang makeup sa mukha niya. “Lasing na lasing siya na kahit maalala niya ang nangyari ngayong gabi, hindi niya maaalala kung sino ang babae.”Nagmaneho palayo si Jake sa hotel. “Inilagay ni Fabio ang ibang management rights ng Parkin
Lumayo si Daisie. “Hindi mo ako pwedeng yakapin kung hindi ka magpapaliwanag.”Naguguluhan si Nollace dahil hindi niya alam paano magpapaliwanag.May kumatok sa pinto at maririnig ang boses ni Jake sa kabilang banda ng pinto. “Mr. Beck, naiwan sa sasakyan ang bag mo na may damit.”Nilagay ni Nollace ang kamay niya sa kaniyang noo at naglakad sa pinto para kunin ang bag mula kay Jake. “Salamat.”Pagkatapos magsara ng pinto, kinuha ni Daisie ang bag niya at aalis na sana nang harangan ni Nollace ang pinto. Bumulong siya, “Please tumabi ka. Aalis na ako.”Nagulat si Nollace. “Galit ka talaga?”“Pinuntahan kita pero ganito ang trato mo sa akin. Nagbago ka na, bwisit.” Tinulak niya palayo si Nollace at hinawakan ang pinto pero inabot ni Nollace ang bag sa kaniya. “Gusto mong tingnan?”Lumingon siya. “Ano ‘yan?”Kinuha niya ang bag at binuksan yon. Damit, yon ng babae, wig, perfume at makeup…Kinuha ni Daisie ang bote ng perfume at inamoy. Iyon ang naamoy niya kay Nollace.Naintind
Ngumiti si Sunny. “Kakaibang isipin na nasa blind date ang dalawang babae.”Tumingin si Waylon sa tsaa sa tasa niya at ngumiti. “Anong mangyayari kapag nagustuhan siya ng babae?”Kinaway ni Sunny ang kamay niya. “Huwag kang mag-alala. Baka hindi mangyari ‘yon dahil sa suot niya.”Pinaikot ni Waylon ang daliri niya sa tasa at hindi nagsalita.Naghintay sandali doon si Cameron hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok ang babae. Hindi siya ang pinaka maganda pero mukha siyang mayaman.Ngumiti ang babae. “Ikaw ba si Mr. Southern?”Pinagkrus ni Cameron ang mga daliri niya at pinatong ang baba niya doon. “Ako nga. Ikaw ba si Minzy na pinapakilala sa akin ng Tito Damian ko?”Umupo si Minzy at nilagay ang bag niya sa gilid. “Narinig ko ang tungkol sa'yo pero iba ang nasa isip ko.”Ngumiti si Cameron. “Marami nang nagsabi sa akin niyan.” Inayos niya ang buhok niya at sumandal sa upuan. “Baka dahil sa hot ako.”Mukhang hindi komportable si Minzy pero nakangiti pa rin. “Palabiro ka.”Na
Humarap si Cameron at namumula ang pisngi niya. Gulat niya ‘yong hinawakan. “Sinampal mo ako?”Namumula sa galit ang mata ni Minzy. “Hinawakan mo ako kaya bakit hindi kita pwedeng sampalin?” Humarap siya kay Sunny. “Ganito mo ba pinalaki ang anak mo? Paanong ang kilalang pamilya ng Southern ay nanghahawak ng babae!?”Hinaplos niya ang sintido ni Sunny at tumingin kay Cameron. ‘S*raulong ito!”Hindi niya tinulungan si Cameron. “Pasensya na. Kasalanan ko at hindi ko siya napalaki nang maayos.”“Malas lang ako. Kalimutan na natin na nangyari ito.” Tinanggap ni Minzy ang paghingi niya ng tawad at umalis sa kwarto.Sa corridor, nakasalubong niya si Waylon, na nilagpasan siya at gulat na tumingin.‘May ganiyang lalaki sa East Island? Gwapo at elegante?’ Maniniwala siya kung si Cameron ‘yon dahil ganoon ipaliwanag si Cameron sa kaniya. Nagsisi siya na nakipagkita pa siya kay Cameron dahil hindi naman totoo ang lahat ng usap-usapan.Pero sino ang lalaking ito?Sa kwarto…Hawak ni Cam
Hindi mapigilan ni Waylon na ngumisi pagkatapos ay kinuha ang tsaa at sumisimsim.Hawak ni Cameron ang ice pack sa balat niya. “Dahil sa blind date na ‘yon. Sana hindi na pumayag si Dad sa iba pang ganon.”“Iniisip lang ni Mr. Walde ang future mo.” Naaawa ang butler dahil hindi alam ni Damian na babae si Cameron.Masama ang tingin niya kay Waylon na kaswal na sumisimsim ng tsaa at biglang may naalala. “Bakit hindi ko naisip na papuntahin si Mr. Goldmann para sa akin? Totoong lalaki ka.”Walang ibig sabihin sa kaniya ang blind date dahil babae siya pero lalaki si Waylon.Tumingin si Waylon. “Wala akong karapatan na kunin ang lugar mo.”Umupo si Cameron sa tabi niya. “Hindi naman. Binibigyan kita ng kapangyarihan para gawin ‘yon.“Nasa edad ka na para magpakasal at may mga kandidato ako para sa'yo. Dahil pumunta ka dito, mas mabuti na magdala ka ng sister-in-law para sa kapatid mo. Hindi ba't ayos ‘yon?”Mukhang hindi komportable ang butler dahil si Cameron ang pinipilit na pumun
Natigil si Daisie at bumulong, “Kasalanan mo ‘yon lahat.”Inilagay ni Nollace ang ulo niya sa kaniyang kamay at ngumiti. “Sige, sisihin mo ako.”Pumasok si Jake at hindi nagulat nang makita na nandoon si Daisie dahil alam niya na doon siya natulog. “Mr. Beck.”Tumango si Nollace at naglakad sa pinto kasama si Jake na tumingin sa kwarto at sinabing, “Nagpadala si Fabio ng tao para dalhin si Buchanon sa kaniya. Sa tingin ko katapusan na niya.”Kalmadong nagtanong si Nollace, “Sino ang papalit sa Parkin kapag natanggal siya?”Pinag-isipan ni Jake ang tungkol doon. “Si Gail ang may mataas na pagkakataon.”Ngumiti si Nollace. “Mabuti kung ganoon.”…Nakaluhod si Buchanon sa marble tiles habang nanginginig dahil puno siya ng takot. Hindi niya alam na ang file sa computer niya ay nasa kamay ni Fabio.Nakatalikod si Fabio sa kaniya habang nakatayo sa harap ng malaking bintana at nasa likod ang kamay. Nakatingin siya sa bintana. “Buchanon, hinayaan kitang hawakan ang Parkin pero ganito
Kinabukasan, sa Yuzu Villa…Nakaupo si Minzy sa private room. Kinakabahan siya at mabilis ang tibok ng puso niya nang tumingin siya kay Waylon. Lalo na't, ang lalaking nasa tabi niya ang pinakamagaling na lalaking nakita niya. Gwapo siya at mukhang matapang pero may bakas ng pagiging maingat sa gitna ng kaniyang kilay.Mahigpit niyang hinawakan ang tasa at tinanong, “Mr. Goldmann, galing ka ba sa East Islands?”Habang hawak ang tsaa, sumagot si Waylon, “Nope.”Yumuko si Minzy at ngumiti. “Saan ka nagmula?”Tinaas ni Waylon ang tingin niya at sumagot, “Galing ako sa Bassburgh.”Ngumiti si Minzy, “Well, galing naman ako sa Kong Ports. Magkalapit lang iyon, ‘di ba?”Nang may biglang pumasok sa isip niya, tinanong niya ulit, “Kaibigan ka ba ni Mr. Southern?”Walang ekspresyon na tumingin si Waylon sa labas ng bintana at sumagot siya. “Well, pwede mo rin naman sabihin na magkaibigan kami.”Hindi inaasahan ni Minzy na kilala ni Waylon si Cameron, at para sa kaniya ay parang malapi
Yumuko si Waylon at lumapit kay Cameron.Lumaki ang mata ni Cameron, nalaglag sa sahig ang pamaypay sa kamay niya. Napatayo si Minzy at napatakip sa kaniyang bibig dahil sa gulat at hindi siya makapaniwala. Hindi niya matanggap ang nakita niyang pangyayari kaya tumakbo siya habang namumula ang mata.Naninigas si Cameron, wala siyang lakas ng loob para gumalaw. Sobrang lapit ng mukha ni Waylon sa kaniya ngayon. Dumikit ang labi ni Waylon sa daliri na nilagay niya sa ibabaw ng labi ni Cameron. Kahit na hindi sila naghahalikan, mula sa angle na nakikita ni Minzy ay mukha silang naghahalikan.Tinulak siya palayo ni Cameron at dinuro siya. “Ikaw!”Walang salita ang lumabas sa bibig niya, lumabas siya sa private room.Tiningnan ni Waylon ang daliri niya at napaisip.…Kakaiba ang paligid sa loob ng sasakyan. Nakapatong sa palad ni Cameron ang pisngi niya at nakatingin sa labas ng bintana. Kahit na sinubukan na niya ang lahat ng kaniyang makakaya para makalimutan ang nangyari, hind