Share

Chapter 4

" Okay class pass your paper " rinig kung sabi ng Prof namin.

Tinitigan ko lang ang mga numerong blanko sa test paper ko. Nakaka frustrate kasi kahit anong gawin kung pukpok at sabunot sa ulo ko wala talaga ako maisasagot.

Kaya busangot ang mukha ko nang ipasa ang papel sa harap. Tulala at lutang akong bumalik sa upuan ko panigurado maliit lang score ko nito.

Nabalik lang ako sa aking wisyo ng tinapik- tapik ang mukha ko.

" O? Ba't ganyan mukha mo? Para kang natatae na naiiyak?" birong tanong ni Lucy.

Mabuti pa siya walang problema sa magiging score niya sa test. Matalino si Lucy kaya kahit mag bar pa 'yan at ipagsabay ang review ay may maisasagot talaga siya.

Pero ako pag distracted ako, kahit stock knowledge ko hindi ko maaasahan. Feel me?

Umiling lamang ako sa kaniya. Nasira na araw ko dahil lang sa exam.

" Tara bili tayo ng snack libre kita " kailangan ko 'to. Pagkain talaga ang magpapasaya sa akin. And I loved Lucy for being thoughtful na food lang talaga katapat sa akin.

Palabas na kami ng room ng nakita ko si Anton kasama ang mga kaklase niya. At kung bakit atat na atat ako na makalapit sa kanila ay...

" Oh my God! " singhap ni Lucy

" O bakit bigla kang nanapak Shane? "

naguguluhang tanong ni Anton sa akin.

Rinig ko ang pagtawa ng kasama niyang mga lalaki dahil sa ginawa ko, kasama na roon si Troy A.K.A TJ Montero.

" Aah?" singit ni Lucy na para bang may naintindihan. Siniko niya si Anton na hawak pa rin ang mukhang sinapak ko.

" Kasi Anton galing pa kami nag exam. It doesn't went well sa kay Shane kaya nagpapalabas lang siya ng frustration niya sa'yo " pagpapaliwanag ni Lucy sa kanya.

" O e bakit? Ano ba nangyari nakapag review ka naman kahapon kasi hindi ka sumama sa amin ?" tanong ni Anton.

'Bakit mo mukha mo! Kung hindi ko lang nabasa comment mo hindi sana aabot sa ganito' pero hindi ko sasabihin sa kanya 'yun kasi nandito si Troy.

" Ano ba! Huwag mo nang patulan" bulong ni Lucy kay Anton pero dinig ko naman.

Tumango lang si Anton bilang pag sang-ayon. Pero hindi talaga ata matatahimik kaluluwa ko kung hindi ko malabas ang nasa utak ko.

" Anton can we talk?" diretsahang tanong ko na siyang nagpa gulat sa kanilang lahat. Napa face palm lang si Lucy at tinanguan si Anton. Kita ko sa gilid ng aking mata si Troy na pinag cross ang braso at tumuwid sa pagkakatayo.

" Ah Shane ano ba ang dapat nating pag-usapan?" tensyonadong tanong niya.

Nakarinig ako na may tumikhim, at si Troy iyon. I just roll my eyes and tap Anton's shoulder.

" Nevermind " tsaka na unang maglakad papuntang canteen.

Bago ko pa sila nalagpasan ay nahagip ng aking mata si Troy na natatawang umiling. Ng naka ilang hakbang na ako ay nakarinig ako ng pagsipol. At ng nilingon ko ay ang gagong Troy pala with his playful smile.

Pagkatapos ng klase ay sinulat ko ang mga gagawin ko for this week sa To Do notebook ko. I want everything to be organize at nasanay rin ako to have plan and time management.

" Shane sama ka sa amin. Milk tea time sa Sebu Cha " excited na sabi ni Lucy sabay kindat pa sa akin.

Nagligpit agad ako ng gamit ko. I really love milk tea because it's like my mood booster. And knowing that it's Sebu Cha's milk tea my favorite. Pupunta talaga ako.

I remove my hair net at hinayaang nakalugay ang buhok ko habang tinatahak ang hallway. Lucy is busy texting that I have to pull her when she's about to bumped other student.

I saw Bryle my classmate di kalayuan sa amin papalapit sa amin. He's a half-american and half-Filipino at kita ito sa kanyang gwapong mukha.

We're not that very close kaya nagtaka ako kung bakit lalapit siya sa amin with a smile plaster on his face. Huminto ako sa paglalakad gayundin si Lucy. At ng nagkaharap na kami ay saka siya nagkamot ng ulo na para bang nahihiya. I gave him a ' what are you doing look'.

" Ah Miss Aragon yayayain sana kita mag Starbucks kung okay lang sayo?" nahihiyang tanong niya sa akin.

Starbucks? Sounds good pero hindi ko ipagpapalit sa milk tea. Siguro kung sa ibang araw 'to ay papayag ako kahit na hindi kami close. Gusto ko rin kasi ang kape sa Starbucks. But then I love milk tea more

" Sorry Bryle, papunta kasi kami ngayon sa Sebu Cha for milk tea " nanghihinayang kung sagot sa kaniya.

" Can I join you then?" diretsahang tanong niya.

Binalingan ko si Lucy asking for her approval kasi siya rin naman ang nag anyaya sa akin. At tumango naman siya kaya walang problema. Ibinalik ko ang tingin kay Bryle at kita ko ang ngiti sa kanyang labi.

" Sure. You can join us " nilahad niya ang kamay sa harapan ko kaya tinanggap ko naman. Pansin ko kung paano pumula ang mukha at tenga niya.

But he was grinning at me and I wonder why.

" Ah Shane kukunin ko sana bag mo at ako na ang magdadala. Hindi ko alam na you misinterpret me extending my hand to you" ngising sabi niya sa akin.

Dahil sa hiya ay agad kung binawi ang kamay ko at tensyonadong ibinigay ang bag sa kaniya without thinking properly. Nakakahiya ang ginawa ko.

" Let's go " at na una nang maglakad sa kanila. In my peripheral vision kita ko si Lucy na may nanunuksong ngiti. Umirap na lang ako sa kawalan.

Ng nakapasok na kami sa Sebu Cha ay agad naagaw ang atensiyon ko sa dalawang lalaki na ngingiti ngiting nag-uusap. It's Anton and Troy.

At kung hindi ko pa nakita si Lucy na papunta sa table nila ay aakalain ko talagang the two of them are dating. Binalingan ako ni Troy at kita ko ang madilim at seryoso niyang tingin na nakadirekta sa akin.

" Hindi pa ba tayo lalapit sa kanila?" tanong ni Bryle na nasa gilid ko na pala.

Hindi ko na siya sinagot at naglakad na lang ako papunta kina Lucy. At kung bakit hindi ako mapakali when going to where their table is. It's because of Troy's intent stare directed at me.

Anton and Lucy is sitting next to each other. Bryle is sitting next to me at magkaharap kami ni Troy. Ang kaninang maliwanag na mukha ni Troy ay napalitan ng kanyang seryoso at madilim na mukha.

Anton and Lucy is busy interacting with each other kaya I feel awkward having this two men's attention at me.

" Let's order na " sabi ko habang nakatuon ang atensyon sa menu kahit na alam ko naman na ang usual order ko.

" Ako na bahala sa order namin ni Anton " ani Lucy at tumayo na para pumunta sa counter.

" What's your order Shane? Ako na mag order para sayo " ani Bryle

I'm not used to it when someone is taking my order. But I should give it a try now that there's someone willing to do it for me.

" Hmm. I'll have Dark Chocolate milktea, French fries barbeque flavor and a corndog na rin Bryle "

Nakarinig ako ng mahinang pag ubo mula kay Troy kaya nag angat ako ng tingin. Nagtama ang aming paningin ngunit agad akong nag iwas because I'm not comfortable with the way he looks at me.

" Can you also take my order bro? It's my first time here kasi kaya naninibago ako at tinatamad na rin " ani Troy

Kung tinatamad pala siya e bakit pa siya nagpunta dito! What a lame excuse.

" Walang problema. So what's your order?" tanong ni Bryle

" I'll have Shane's order too" agarang sagot ni Troy.

Nag angat ako ng tingin at tinaasan ko siya ng kilay. Kung bakit ba kasi same with my order pa e ang dami namang pagpipilian. Well. Whatever!

Tinaasan niya rin ako ng kilay niya at tsaka siya nagkuha ng pera sa kanyang wallet. Right! I forgot to give my bayad pala kay Bryle.

Kinuha ko wallet ko and before I could even get a bill ay...

" I'll pay for your order. I'll pay for Shane's order bro " si Troy sabay abot ng 1000 peso bill kay Bryle.

Gusto ko sanang umangal but then ayaw kung humaba pa ang usapan. Besides I don't think I can change Troy's decision.

Umalis na si Bryle and ngayon ko lang na realize na kaming dalawa na lang pala ni Troy.

For years ngayon ko lang din na realize how romantic this place is for a couple dating. With a dim light, a relaxing music, a perfect choice of furnitures for a perfect place like this and of course the Sebu Cha's theme. At kung bakit ngayon ko lang na realize 'to now that I'm with Troy. Hindi ko alam!

Umayos ako ng upo ng nakitang itinukod ni Troy ang kanyang dalawang siko sa mesa. He's attention is with his hand which is busy slowly tapping the table.

I'm not comfortable with the silence between the two of us. And hell I don't want us to talk either.

" Are you two dating? I mean are you and that guy dating? " seryosong tanong niya sa akin.

What's with his random question? Sa dami ng maaari niyang itanong sa akin bakit ito pa?!

" No "

Kita ko sa mukha niya na hindi siya kuntento sa sagot ko and it's' like he's asking me to explain it more for him.

" He's my classmate and I think we're just friends?" hindi sigurado kung sabi sa kanya.

Well, it's true hindi ako sigurado if friends ba kami ni Bryle kasi ngayon lang din nagkasama.

Troy's licking his lips while nodding. I don't know if he'll believe me kasi based on his reaction there's still doubt in it.

" He's attracted to you and I don't like it. I don't like the way he looks at you"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi na. Not with the fact that Bryle is attracted to me but with his ' I don't look like it ' thing. I saw how his Adam's apple move dahil sa paglunok niya.

I can't utter a word at hindi ko rin naman alam ang isasagot sa kaniya. So I just nod my head.

" Bakit hindi mo pa ina- accept friend request ko? And I also follow you on your I* so you should also check it "

Bakit ba walang filter kung magsalita ang lalaking 'to. Hindi niya ba alam na naghuhuremintado na ang puso ko sa simpleng mga tanong niya.

Tinaasan niya ako ng kilay, he's waiting for my answer. Kaya sa nanliliit na mata ay tinitigan ko siya ng maigi.

I know this move so much Troy.

" Are you flirting with me Troy? " nanghahamong tanong ko sa kanya.Kita ko ang pag igting ng kanyang panga.

" No I'm not flirting with you Ms. Aragon if that's what you're thinking. But I'll be courting you if you allow me to "

Damnit! He know how to hit me exactly to well!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status