Share

Chapter 9

Tulala at tahimik ako sa biyahe at si Troy naman ay lingon ng lingon sa akin ng hindi umiimik,  kaya mas lalo kung naalala ang nangyari kanina. 

I can't believe it! I just kissed him! And it's because of misinterpreting his action. Kaya,I should be more mindful by now. 

Kung hindi ko pa narinig ang pagsira niya ng pinto ay hindi ko pa namamalayan na nakarating na pala kami at nandito na sa harap ng bahay. 

Nakita kung lumiko siya at papunta sa banda ko, kaya agad kung kinalas ang seat belt ko. I don't want to make the same mistake again! 

He open the door for me, kaya agad akong lumabas. We are so close to each other, that I have to take a step sideways para mas may distansya kami sa isa't-isa.

" Thank you", sabay naming sambit, dahilan para matawa kami.

He licked his lips and and look me in the eyes. Hindi ko binitawan ang titig ko sa kanya. I'm waiting for what he will gonna say.

" Thank you for your time, Shane. I hope you enjoy our date today"

I nodded at him.

" Salamat din. Honestly, I enjoyed our date and I got to know more information about you, so I think it's all good", ngingiti ngiti kong sabi sa kanya. 

" And, thank you nga pala sa paghatid sa akin. Gusto sana kitang imbitahin pumasok pero baka nandito si papa, hindi pa naman alam nun na nakipagdate ako." nahihiyang sabi ko sa kanya.

Right, I forgot to text Papa earlier. Tumango-tango si Troy, showing that he understands.

" Okay lang. So, pasok ka na para maka alis na ako " sabay lahad niya sa gate ng bahay ng namin.

" Ah.. o sige una na ako" sabi ko at medyo lito kung ano ang gagawin.

Wait! Ano ba ang ginagawa ng mga couple after their date? shake hands or  goodbye kiss!? 

Nevermind, hindi naman kami couple ni Troy. I just waved my hand at him before turning my back.

Bago pa ako pumasok ng tuluyan sa gate ay nakita ko siyang nakapamulsa at nakasandal sa sasakyan niya.

Ngumiti akong muli sa kanya at ngiting tumango naman siya sa akin. Ng nakapasok na ako sa bahay ay nakita ko agad si mama sa sala na busy sa paglilista sa papel. Lumapit ako sa kanya at nag mano. 

" Magandang gabi, ma" 

Nagtataka niya akong tinignan, kaya nagtataka ko rin siyang tinignan at tinaasan ko siya ng kilay.

" Oh, asan na ang manliligaw mo? Bakit hindi mo pinapasok sa bahay?", seryosong tanong niya sa akin.

Pinaglakihan ko ng mata si mama kaya natawa lang siya sa akin. Tiniklop niya ang papel na nililista niya at inipit sa notebook. At tsaka siya tumayo.

" Sana pinatuloy mo at nang makilatis ko", pabiro niyang sabi.

Natatawa naman akong umiling sa biro niya. 

" Sa susunod na,mama, at baka'y maisipan mo pa akong ipakasal pag nakita mo siya.", Biro ko rin kay mama at sabay kaming natawang dalawa. 

Ngunit tumigil ako sa pagtawa ng may naalala.

" Ma, trabaho ulit si papa?" nagdududang tanong ko na siyang nagpatigil sa pagtawa ni mama.

" Ah, umuwi ang papa mo kaninang tanghalian at umalis din agad kasi duty niya ulit. Nag leave daw si pareng Nestor dahil kaka- panganak lang ng misis niya.", Paliwanag ni mama.

As much as I want to tell my mother, kung ano ang nakita ko kanina sa mall, ay hindi ko ginawa. I don't want my mother to worry, at isa pa hindi dapat ako manghusga base lang sa nakita ko kanina. 

I need to ask papa first, tama, iyon ang gagawin ko pag may time and opportunity na ako to talk with him.

Maaga akong pumasok ngayon dahil gusto ko kausapin si Bryle, tungkol sa hindi niya pagpansin sa akin, sa amin ni Lucy  this past weeks.

Nakita ko si Lucy na busy sa paggawa ng assignment namin,kaya hindi ko na lang siya nilapitan.

Nilapitan ko si Bryle na ngayon ay nagsusulat ng kung ano sa scratch paper.

" Hello Bryle! Gusto sana kitang makausap kung okay lang sayo" nakangiti kung sabi sa kanya.

Ngunit agad ring napawi ang aking ngiti ng hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. 

" Not now Shane, busy ako", malamig niyang sagot sa akin at nakakapanibago iyon.

Napatingin ako sa ginagawa niya, at nakita kong nagsusulat lang siya ng kahit ano sa papel niya.

Hindi ko dapat siya pinipilit,baka mamaya ko na lang siya kakausapin pag lunch time.

Bumalik na ako sa upuan ako at naghintay na dumating Ang Prof namin.

" Okay class, for your project this first semester,which is yung chicken dish. So, instead of individual by pair na yun para hindi masyadong magastos.", Sabi ng prof namin na siyang nagpatuwa at nagpa-ingay sa aming lahat. 

" Tahimik muna hindi pa ako tapos sa sasabihin ko", suway ni Prof Joyo sa amin.

" So, dahil by pair ito you will choose your own partner. Sinong gustong maglista ng pair of names para dito? tanong niya sa amin.

" Si Shane na Sir, siya naman talaga ang pabida at pasikat pag ganitong mga activity e ", agarang sagot ni Bea. One of my mean classmate, and she is bisexual kaya parang siga sa section namin.

Ramdam ko sa tono ng pananalita niya ang pagka irita at panghuhusga para sa akin. Nakarinig ako ng tawa at mga bulong- bulungan mula sa mga kaklase ko. 

Bakit ngayon ko lang nalaman 'to na ganito pala ang tingin nila sa akin. Na sa tingin nila ay pabida ako sa klase namin. 

Nakaramdam ako ng hiya para sa sarili ko. I never expect this! Kailanman ay wala akong ibang ginawa kundi ang sumunod lang sa mga instructions at utos ng Prof namin. 

Hindi ko alam pabida na pala ako sa tingin nila! 

" Hoy Bea! Bakit ka na iinggit kay Shane e di hamak na mas matalino naman talaga siya sayo a. Gamitin mo nga yang utak mo girl at baka ay kinalawang na! Gusto mo open ko pa 'yan at ng malaman natin kung may laman pa ba yan!", Galit na sabat ni Lucy. Marami namang natawa na mga ka klase ko dahil sa sinabi niya.

Ako naman ay nanatili lang nakayuko, at nanlulumo dahil sa nangyayari. 

" Enough! Akala niyo kung sinong mga kindergarten na nag-aaway para sa isang laruan. College na kayo, kaya you should act as one! Para kayong mga bata madaling mainggit sa kapwa bata! ", galit na sermon ni Sir Joyo.

" At ikaw naman Ms. Bea Makalawang utak, huwag kang putak ng putak dahil lang sa may bibig ka! I am very, very disappointed of you. Maliit na nga score mo sa lahat, ikaw pang may gana mamilosopo!", bulyaw ni Sir sabay hampas ng libro sa mesa namin.

Ramdam ko ang tensyon sa loob ng classroom namin. Kita ko ang pagyuko isa-isa sa ulo ng mga kaklase. 

" Stand up! Say sorry to Miss Aragon", dagdag na sabi ni Sir.

Kita kung tumayo si Bea, nilingon niya ako at kita ko sa mukha niya ang takot at pagkairita. 

" Sorry, Shane.", mahinang sambit niya, tinanguan ko lang siya bilang sagot. But I don't think her sorry is enough sa ginawa niyang pagpapahiya sa akin in front of my classmates. But I should know better.

Her smirk didn't escape my eyes kaya naman ay inirapan ko na lang din siya. Bahala siya sa buhay niya, mamatay siya sa inggit.

" Miss Aragon, you are assign to list the names of the partner and pass it to me, tomorrow at my office", baling ni Sir sa akin.

" Yes sir." 

Kinuha ni Sir ang mga gamit niya sa mesa.

" Class dismissed!" 

Ng nakalabas na si Sir ay agad na nabalot ng bulungan ang room namin. 

The hell I care about them! 

Nilapitan agad ako ni Lucy and she tap my shoulders. Tiningnan ko siya at kita ko ang masamang tingin niya sa palabas na Bea.

" Bakit hindi mo pinatulan? Kapal ng mukha sabihing pabida ka e ikaw naman talaga bida.", Salubong sa akin ni Lucy.

" Hindi na, alam ko naman na to the rescue ka agad sa akin e ", nakangiti kung sabi sa kanya.  

Oo nga pala si Bryle, dapat sabay kaming mag lunch ngayon.

" Tara na sa canteen Lucy, na una na pala si Bryle doon", tumayo agad ako at kinuha ang wallet ko sa bag.

Nag text si Troy sa akin na hindi siya makakapunta para bigyan ako ng lunch kasi pinatawag daw siya ng Prof niya.

" Ayun! Nasa gitna si Bryle, halika na Shane puntahan na natin" tsaka niya ako hinila sa kung nasaan nakaupo si Bryle.

Nahirapan pa ako dahil sa pagkaing dala ko at sa mga estudyanteng nadadanan namin.  

He's now eating seriously, but stop when he noticed our presence. Tiningnan niya kami ni Lucy at bumalik ulit sa pagkain.

" Hoy Bryle! Nakakatampo ka na, hindi mo na kami sinasama ni Shane" ani Lucy sabay upo.

Umupo na rin ako at nagsimula ng buksan ang binili kung pagkain. Dinami ko talaga ang binili kung chicken curry para mabigyan si Bryle kasi paborito niya eto. 

Ng akmang lagyan ko ng chicken curry ang tray niya ay agad niyang winaksi ang kamay ko dahilan para matapun ito sa damit at mukha ko.

" Oh my God!", gulat na singhap ni Lucy.

Nakapikit pa ang dalawang mata ko dahil nakaramdam ako ng lagkit dito. 

Agad kong pinunasan mata ko gamit ang aking palad. At ng natapos ay tiningnan ko si Bryle na masama ang tingin sa akin.

" What's your problem Bryle!?" Hindi ko mapigilang pagtaasan siya ng boses.

He clenched his jaw as if controlling his feeling.

" Just stop, Shane! You don't have to do anything." sigaw niya bago umalis. 

Naguguluhan ako sa kanya, he's not the Bryle I used to know. He's so confusing!

Tumayo ako at sinundan siya, mabilis ang paglakad niya kaya halos tinakbo ko ang distansya naming dalawa.

Naawakan ko ang braso niya ngunit binawi niya ito ng malakas mula sa pagkakahawak ko dahilan para matumba ako sa isang mesa na may mga spaghetti.

What the Fuck! 

Dinig ko ang singhap ng mga estudyante sa loob ng canteen dahil sa eksenang kanilang nasaksihan.

Tumayo ako at pinagpag ang spaghetti sa damit ko. Agad akong nilapitan ni Lucy at tinulungan sa pag alis ng spaghetti sa uniform ko. 

I probably look like a shit right now.

Masama kung tiningnan si Bryle, kita ko ang pagsisisi sa mukha niya. 

" I-i'm sorry Shane. I didn't mean to hurt you", akma siyang lalapit sa akin. 

Ngunit bago pa man siya nakalapit sa akin ay may humila na sa kanya sa gilid at malakas siyang sinuntok. 

It's Troy!

I saw how his face darken because of the anger. It's as if anytime he's ready to kill someone because of the anger evident on his face. 

" Oh my God! Stop them! ", rinig kung sigaw ng mga studyante.

" Shit! Shane do something, just fucking do something! Galit na galit si Troy!!! ", nagpapanic na saad ni Lucy. 

What should I do! He's like a beast ready to kill. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status