Share

Kabanata 27

REBECCA

“Anong meron?” tanong ko nang makita ko sina Anji at Margarita na kausap si Cohen pero tila gulat na gulat ang dalawang babae.

“Kasal kana talaga?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Margarita. "Akala ko ba joke-joke lang iyong sinabi ni Dwayne na sabi mo imposibleng makasal kayo kasi wala ka namang natatandaang nagpakasal ka sa kanya?"

“Oo, sakal na ako,” balewalang sagot ko.

Bigla itong tumili at inalog-alog ang balikat ko.

“Kasal kana hindi mo man lang sinabi sa akin? Who? Pinakasalan mo ba ang bagong may-ari ng building na ito para hindi na tayo paalisin? Rebecca naman, pumatol ka sa matanda dahil lang doon? Pinag-aagawan ka ng dalawang gwapo tapos sa matanda ka lang pala babagsak,” walang prenong saad nito. Tila alalang-alala ito habang nakatingin sa akin at hawak pa rin ang mga balikat ko. "Dapat talaga nagkatotoo na lang na kasal na kayo ni Dwayne. At least siya gwapo."

Ano ba ang drama nito? Kung ano ano ang pinagsasabi niya. Mas nababaliw ako sa pinagsasabi niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status