“Ipinatatawag ka na sa laboratoryo, Young Master.”
Iyon ang narinig ko mula sa labas ng pintuan.
Nang maramdaman kong wala na siya roon ay pumikit ako at naglabas ng magic circle na pula mula roon ay pumasok ako sa isang dimensiyong madilim ang lugar. Naroon naghihintay sa ‘kin ang tatlong nakasuot ng balabal hanggang ulo nila’y natatabunan.
“Young Master!”
Narinig ko si Kaya, naroon siya sa likuran ng isa at maliit na nasa hawla ng ibon. Nakita ko ang pagkatakot sa kanya. Naroon din sa loob no’n ang sugatang kasamang ipinahahanap niya.
“Young Master, aalis na ba kami?” tanong ng nasa gitna sa kanila.
“Oo, umalis na kayo. Alagaan ninyo si Anastacia, hindi ninyo ‘ko kailangan na balikan dito. Kusa akong babalik mukhang may nalalaman si ama na rin.”
“Masusunod, Young Master!” mabilis na sagot nila.
“Young Master, tumakas ka na!
Sinabi ng Young Master na hindi ko dapat sabihin kahit kanino ang tungkol sa nalalaman ko lalo kay Anastacia. Madalas kaming mag-usap sa pamamagitan nang pagtawag niya sa ‘kin na kunwari’y pang-aliw na babae.Pero isang gabing wala siya, nakita ko ang kanyang ama kausap ang babaeng madalas kasama ng Young Master, bukod sa babaeng nagngangalang Kristelle mayroon pa itong isang kasama. Isa ‘ko sa tatlong servant na nagsisilbi sa kanila.“Kung gano’n, ang babaeng iyon marahil ang dahilan bakit mayroong alaala si King, maaaring dahil sa matinding nararamdaman niya rito noon,” iyon ang narinig ko sa ama-amahan ni Master King.“Tama, sa kasamaang palad walang amoy ang babaeng iyon dahilan para mahirap siyang hanapin. Hindi ko rin siya mapasundan dahil alam kong malalaman ni King kaagad oras na may sumusunod sa kanya. Kaya sinabi ko na lamang sa inyo,” nakangiting sabi ni Kristelle. “Alam kong mas makapagdadala kayo
Dahil sa pagtutulungan at pagdating kaagad ng mga kailangan sa kabilang isla, nadala na rin ang mga kagamitan sa pagpapagawa ng klinika. Napakalaking bagay rin ang mas advance na bangkang ipinadala ni King dito, ang bilang no’n ay lima at nagamit kaagad sa paglalagay ng mga mabibigat na kagamitan.Masaya ang paligid, sa ilang araw na lumipas naging maganda naman ang takbo ng buhay rito, madalas napag-uusapan ang magiging kagandahan ng lugar dahil sa mga makabagong kagamitan at mas magandang klinika’t laboratoryo para sa kanila. Maging ang mga gamot ay nagamit na rin kaagad, lalo na ‘yong mga sakit ng matatanda katulad ng rayuma at ilan pang maintenance, lahat ‘yon ay ipinamimigay ng libre.May ilang mga gamot na wala pa at kailangan pa sa ibang bayan kunin pero sabi ni King, mayroon na itong darating na magiging tagalista’t tagabili. Hindi ko alam kung sino ‘yon pero hinihintay ko pa rin.Nagiging maayos na ang buhay ko sa lug
Lumilipas ang araw, ‘di ko naman nawala sa isip ko si King. Iyon lang palagi ko pa ring iniisip kung kumusta na siya tuwing hihiga ako at bago matulog. Pero ini-assure naman ako ni Kaya na maayos lamang siya.Itong si Kaya madalas alagaan si Calix, hindi ko rin naisip na magkakaroon sila ng ganoong pagkakaunawaan. Ayon sa kanya ay biglaan, walang kompirmasyon, kaya maaaring nakalimutan na rin ni Calix.Base sa pinsala ni Calix sa panlabas hindi iyon ganoon kalala pero nagpapahinga siya nang matagal na normal naman sa mga bampira. Pero ayon sa doctor hindi niya malalaman kung ano ang mayroon sa katawan nito dahil kulang kami sa kagamitan at lugar para pag-aralan ‘yon. Pero matalino ang doctor na ‘yon, maging ang dalawang kasama niya, kahit ang bata ay marunong kumuha ng halamang gamot. Napakalaking tulong nila at marami rin akong natututunan.Ipinikit ko ang mga mata ko at natulog katabi si Kaya, mas maganda ring may katabi kahit paano nakakausa
Alam kong masyado akong nagiging mapilit, kahit sa pagtutok sa pasyente, sa mga herbal medicine, maging sa pag-oopera’y hindi ako umaalis. Pinag-aralan ko ang mga dapat iabot, mga common na ginagawa ng mga nars, at maging ang pag-aaral gamit ang mga aklat na pinabili ko no’ng pumunta ang mga tagabantay ko sa ibang bayan.Lahat ito ay pinag-aaralan kong mabuti, kung hindi ko maunawaan ay tutungo ako sa doctor at sa mga nars niyang kasama para naman malaman ko kung ano ang tinutukoy doon.“Narito ka pala.”Mula sa pagbabasa ay nag-angat ako nang mukha. Nangiti ako nang makita ko si Drake. May daladala siyang mga iba’t ibang halaman.“Saan mo nakuha ‘yan?” tanong ko.“Sa kakahuyan, sabi ni Dok Matias ipakita ko sa kanya ‘yong mga kakaibang tumutubo roon na sinasabi ko kaya nagdala ‘ko nang tig-iisa, iyong iba, hindi ko alam kung magkakapareho lamang at may kaunti lan
“Hindi pa ba lalabas si King?”naiiritang tanong ni Grim sa doctor. Umiinit na naman ang kanyang ulo. Nasa harapan niya kasi ang isa sa tauhan sa loob ng laboratoryo.“Nagpapahinga siya—““Anong nagpapahinga? Matagal na siya ro’n, mag-iisang buwan na!”Nagulat naman ang babae, wala rin kasi siyang alam sa mga pangyayari. Tanging ang pribadong bahagi lamang ng laboratoryo at mga miyembro noon ang nakaaakyat, maging ang mismong lider nilang ama ng mga ito.“Grim, gumagawa ka na naman nang ingay dito,” sabi ni Jillian, ang babaeng nurse, sa mga gamot ito nakatoka kaya wala itong alam sa itaas. Pero baka kahit paano may nababalitaan ‘to.Dinala siya ni Jillian, ang pinakamagandang nurse sa lugar sa cafeteria. Pumuwesto sila malayo sa ibang tao.“Ano na naman ang problema, Grim?” tanong nito nang dumating ang kanilang kape.“Isang buwan na halos si King sa l
BLACK MARKETKasama ni Anastacia si Rima at Marlion, naiwanan naman sa isla si Delta. Silang tatlo at si Drake ay magkasamang pumunta ng Black Market. Iba pa raw ‘to sa tinatawag na Freed Market.“Mas malaki ang tiyansa na mayroon sa lugar na ‘to ng halaman na ‘yon, dito mga sinauna na ang nagtitinda. Bago umusbong ang Freed Market, ito ang bagsakan ng mga kakaibang bagay,” sabi ni Marlion.“Tama, mas malapit rin ito. Mas mapanganib din ang Freed Market, kung hindi natin makikita rito saka na lamang tayo lumipat,” sabi ni Rima.Sumangayon naman si Anastacia, baka nga mayroon doon. Pansin niya ring mas maraming halamang-gamot at potion na ibinebenta roon.“Hindi ako napapadalas dito kaya hindi ko alam,” sabi ni Drake.Umikot-ikot sila ipinagtanong ang halaman na sinasabi ni Drake.“Mukhang iyong alam kong pangalan niya ay hindi totoo,” sabi ni Drake.
CHAPTER“Napapagod ka na ba?” tanong ni Rima kay Anastacia.Umiling naman si Anastacia. “Hindi, pero kumain na muna tayo.”Sumangayon naman ang lahat. Sa isang kakaunti pa lamang ang mga tao sila pumunta.“Mukhang maraming nalalaman ‘yong nakausap natin kaninang doctor,” sabi ni Drake nang kumakain na sila.“Sa tingin ko rin, sayang nga at may lumapit na sa kanya at ipinatawag siya. Marami pa sana ‘kong gustong itanong sa kanya,” sabi ni Anastacia.“Sa tingin ko ay hindi dapat natin basta-basta ipinakikita ang pagkakagusto sa gano’ng halaman dahil maaaring magdulot ‘yon nang panganib. Lalo ngayong mukhang marami pala ang naghahanap ng halaman na ‘yon,” sabi ni Rima. Hindi niya lang masabi nang tahasan dahil may iba silang kasama, pero sa tingin niya’y dapat malaman ni Anastacia na bahagi ng laboratoryo ng Ashes and B
Freed MarketPaikot-ikot sila Anastacia, halos marami ngang nakakaalam ng halaman at ang pagiging bihira no’n. Ang itinuturo madalas ng mga nakakaalam ay subastahan.“Mabuti pa dumalo na tayo sa subastahan. May Black card ka naman kaya makokonsidera ka ro’n para makasali. Sabihin mo na lamang na mga servant mo kami,” sabi ni Drake.Sumangayon naman si Rima.“Sa tingin ko ay mas mabuti pa ‘yon kesa sa Zone 66,” sangayon din ni Marlion.Tumungo nga sila sa mismong subastahan at katulad ng mga sinabi ng mga ito, matapos i-check ang black card at makuha ang unique code no’n ay iniabot na ‘yon kay Anastacia ng babae na kasama niya sa loob ng silid. Kasama niya si Drake lamang do’n.“Miss, ang black card code mo ay kasama sa Class A, magandang kalidad at malaki ang seguridad,” nakangiting sabi nito. “Siguro ay isa kang prinsesa sa mayamang bansa.”Nangiti la