Share

Chapter 91

Narito na naman ako sa pagiging alipin.

Huminga ‘ko nang malalim bago marahang bumuga. Alam ko na marami akong makikitang pagbabago, pero wala na ‘yon sa ‘kin, ang mahalaga sa ‘kin ay ang Young Master.

Bukod doon, nagkakaroon ako lalo nang kagustuhang may magawa para sa mga alipin. Ibang-iba ‘to dahil medyo mapagmaltrato ang mga narito, kompara doon sa lugar ng mga Royal Blood, pero sabi rin naman ng ibang naninilbihan noon sa mga Bezarius, isa na ang mga ito sa matatawag na pinakamaganda’t mabuting pamilya ng bampira dahil hindi sila pinapapatay ng mga ito kung nagkamali. Mayroon din silang pagkain at mga kagamitan na kailangan.

Ang pangkaraniwan siguro sa mga bampira ay iyong pagiging mainit, iyon ang palagi kong naririnig. Nahihirapan ang mga itong kontrolin ang libido at pag-iinit ng buong katawan. Mahilig ang mga ito sa tao dahil daw ang tao ay madaling i-pleasure, kompara sa mga kapwa bampira ng mga ito lalo pa at pagka-

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status