Share

NIGHTMARE OR PREMONITION

Mabilis na nawala si Mathilde sa paningin ko. Pagkatapos ng usapan naming iyon ay hindi naman naglipas ang segundo at bumalik rin agad ang mga bantay. Kung tunay nga ang intensyon ni Mathilde na tulungan ako ay mas mainam nang hindi natuloy ang pagtakas ngayong gabi. Magiging kahina-hinala pa iyon kung umalis kami habang wala ang mga bantay. Pero hindi ko pa rin maiwasang mapaisip kung hindi ba nito naisip na maaari siyang paghinalaan kung sakali. 

Bakit nga ba hindi ko iyon naisip agad kanina? Kung ganoon nga ang maaaring mangyari ay bakit pa iyon ginawa ni Mathilde? Inaasahan na kaya niya na tatanggihan ko siya?

Kung ano man ang maging kasagutan doon ay mas maganda siguro kung isasantabi ko muna. Ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ngayon kung paano ang gagawin pagkaalis ko dito. Dapat ay makarating ako ng Magji bago pa m

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status