Share

STRIVE TO SURVIVE

Nakatulala lamang ako sa kawalan habang hinihintay ang pagdating ni Mathilde. Kanina pa ako nakahiga at nagpapanggap na tulog upang hindi maghinala ang mga bantay sa binabalak naming mangyari. 

Mula pa rin kanina ng umalis sila Elyxald ay hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung ma-e-excite ba ako o matatakot sa paglipas ng oras. Habang iniisip ko kung ano ang maaaring mangyari mamaya ay lalong hindi ako mapalagay. 

Ilang sandali pa ang lumipas nang makarinig ako ng mahihinang kaluskos. Agad akong nagbangon at napalingon sa bukana at nakita doon ang pigura ni Mathilde. Tulad ng nakagawian ay hindi pa rin makikitaan ng kahit anong ekspresyon ang mukha nito. Diretcho lamang itong nakatingin habang naglalakad papalapit sa kulungan. 

Una itong huminto sa mga bantay at kinausap ang mga

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status