Napagdesisyunan kong lumabas na ng kwarto ng sumunod na araw. Hindi dahil sa palagay na ako kundi nais kong subukan ang sinabi ng lalaki kagabi. I-background check ko daw ang mga Cayman. Bakit kaya? May nagawa ba silang hindi maganda dati? Para tuloy nagatungan ang pagdududa ko sa kanila.
Katulad kahapon ay tahimik pa rin sa buong kabahayan. Malamang sa nagsipasok pa rin sa kanya-kanyang trabaho ang iba. Dahil na rin sa wala akong mahagilap na tao ay nagdiretcho na ako sa study room ng palasyo. Ang problema nga lang ay hindi ko alam kung saang lupalop iyon. Hindi ko na kasi matandaan kung aling pinto iyon dito dahil pare-pareho ang kulay at itsura. Mukhang sinadya iyon para lituhin ang kung sino mang hindi taga roon.
Marahil kung nandito si Alaric ay siguradong nandoon na ako ngayon. Yun nga lang ay wala siya dito. Hindi ko malaman kung nasaan siya ngayon. Maging kaninang umaga kasi ay hindi ko pa siya nakikita. Baka may emergency sa trabaho at kailangan siya. Pero kung ganoon ay sino ang matitira ditong kasama ko? Mga katulong? Agad akong napahinto sa paglalakad. Paano kung bigla nalang akong sakmalin ng mga katulong dito? Napalingon-lingon ako sa paligid saka napayakap sa sarili.
“What are you doing?”
“Ay anak ng talaba!”
My heart literally stopped beating. And speaking of the devil, here he is standing just a few meters away from me, laughing his heart out. Sumakit sana tiyan nito kakatawa. Iyan ang hirap sa kanilang mga bampira, bigla-bigla nalang sumusulpot at nawawala. Katulad ng misteryosong lalaking iyon kagabi. Bigla nalang nawala pagkatapos sabihing i-background check ko ang mga Cayman. Dali-dali kong isinara ang pinto ng beranda ng makaalis ito sa takot na baka bumalik.
“Bakit kasi bigla-bigla kang sumusulpot?” singhal ko dito ng mahinto sa katatawa.
“I was watching you. Alam mo ba na para kang magnanakaw sa ginagawa mo?” anito na nagpipigil na naman sa pagtawa.
Napasimangot naman ako. Kanina pa pala siya hindi man lang niya sinasabi o magparamdam man lang. Bwisit na lalaking ito. Kung hindi ka lang gwapo, nunkang talakan kita ora mismo.
“Saan ka ba pupunta?” tanong nito sabay lapit sa akin. “Hindi dyan ang papuntang study room.”
Napamaang naman ako. “Paano mo nalaman?” Alam ba niya na may misteryosong lalaki ang pumasok sa kwarto ko kagabi?
Nagkibit-balikat muna ito bago sumagot. “I just assumed. Diyan ka kasi gumawi e.”
Nakahinga naman ako ng maluwag pagkasabi niya noon. It’s not the right time to tell him that. Maybe. Sa ngayon, kailangan ko muna ng tulong ni Alaric habang nangongolekta ako ng impormasyon tungkol sa kanila.
“Naliligaw yata ako,” nahihiyang pag-amin ko. Well, nakakaligaw naman kasi talaga. Sino bang hindi gayong ga-palasyo nga ang laki nito.
“Then, let me take you there.”
Bago pa ako nakapagsalita ay bigla nalang niya akong hinaklit sa bewang saka kami tuluyang humalo sa hangin. Biglang umikot ang buong paligid. Heto na naman ang pamilyar na motion sickness na naramdaman ko noon sa sasakyan ni Lenora. Sa sobrang bilis ay hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami.
“Hey, you alright?” nag-aalalang tanong nito habang dahan-dahan akong ibinababa. Muntik pa akong mapaupo sa carpeted floor ng study room ng manlambot ang tuhod. Para kasing umiikot pa rin ang buong paligid at ayaw huminto. Nakaramdam ako ng pagbaliktad ng sikmura na naramdaman din marahil ni Alaric kaya dali-dali niya akong dinala sa cr. Hindi ko naman na siya pinapasok sa loob dahil nakakahiya kung makikita niya pa ako sa ganitong sitwasyon.
Maya-maya pa ay narinig kong kumatok si Alaric. “I’ll just go get some water and meds,” pagkasabi noon ay wala na akong naramdamang presensya niya sa labas.
Agad akong naglinis saka madaling lumabas upang maghalungkat ng kahit anong dokumento o papeles na magpapatotoo sa sinasabi ng misteryosong lalaki na iyon. Madali akong pumunta sa likod ng mahogany na lamesa saka pinagbubuksan ang mga drawers doon. Swerte ko at hindi naka-lock ang mga iyon. Isang itim na envelope ang nakakuha ng atensyon ko. Agad ko iyong kinuha saka isa-isang pinagbubuklat ang laman. Puro mga statements of assets ang naroon at sa pagtataka ko ay iba’t ibang tao ang nakapangalan doon. Parte ba iyon ng trabaho nila sa kompanya?
Itatago ko na sana ang mga papeles ng may mapansin akong envolope na kakaiba ang desenyo. Naka-ipit ito sa pagitan ng mga dokumento. Agad ko iyong kinuha at binuklat ang laman ngunit agad ko din iyong nabitawan. Bumungad sa akin ang litrato ng pamilya namin noong nakaraang pasko. Huling pasko ni papa kung tutuusin. Ang mas ikinagulat ko ay ang marka ng ekis na kulay pula sa mukha ni papa. Nanginginig ang kamay kong binuklat ang papeles na naka-pin doon. Una kong nabuklat ang naka-compile na impormasyon tungkol kay papa. May nakamarka na rin ng ekis na pula roon. Sunod naman ay kay mama, sa akin at ang huli ay kay Kirius na may bilog na pula ang litrato. Ano ang ibig sabihin nito? May nalalaman ang misteryosong lalaki na iyon sa pamilyang ito.
Nagulantang ako ng may marinig na alingasngas. Dali-dali kong ibinalik ang mga dokumento sa envelope. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang eleganteng letra na nakamarka sa pinakasulok ng envelope. Kung tama ang pagkakatingin ko ay letrang A iyon. Maingat ko iyong isinalansan upang walang makapansin na nabuklat iyon.
Akmang tatayo na ako sa kinauupuan nang biglang sumulpot si Damien sa may pinto at mariing nakatitig sa akin. Kitang-kita ko ang pagtataka at paghihinalang nakarehistro sa mga mata niya.
“What’re you doing here?” tanong nito. Halata sa boses ang pagkadisgustong makita ako dito. Bakit? Dahil restricted ako dito?
“She’s with me,” sagot ni Alaric na biglang sumulpot sa likod nito. May dala rin itong baso at gamot. Agad itong lumapit sa tabi ko saka inabot sa akin ang baso ng tubig.
“You looked pale?”
Natigilan ako pagkadinig doon at hindi agad nakasagot. Blangko ang utak ko sa mga bagay na natuklasan ko kung kaya’t wala akong mahagilap na sagot. Nakahinga lang ako ng maluwag ng si Alaric ang sumagot para sa akin.
“She got motion sickness, that’s why.”
Mukha namang kinagat iyon ni Damien. Umiling pa ito bago sumagot. “Next time, sabihan mo siya bago mo siya bigla nalang haklitin at dalhin kung saan.”
Bago pa man makaisip si Damien ng panibagong itatanong ay inunahan ko na ang mga itong magsalita. “Alaric, gusto ko ng bumalik sa kwarto ko.” Pilit kong pinatamlay ang tinig upang hindi na ito magtanong pa. Agad naman itong tumango saka ako inalalayan para tumayo. Kumakabog ang dibdib ko habang papalapit kami sa kinatatayuan ni Damien. Dama ko parin ang nang-uusig niyang mga tingin sa akin hanggang sa makalagpas kami sa kanya.
Inalalayan ako ni Alaric hanggang sa makarating kami sa tapat ng kwarto ko. Nang akmang tutulungan pa niya ako papasok ay pinigilan ko na siya at sinabihang kaya ko na. Ayaw pa niyang pumayag noong una ngunit nagpumilit ako. Sinabi ko na lamang na masama ang pakiramdam ko at balikan na lamang ako kinabukasan. Sa huli ay pumayag din naman ito.
Sa totoo lang ay hindi pakiramdam ko ang masama, kundi ang loob ko. Ayoko munang makita ang kahit na sino sa kanila dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mausig ko sila sa kung ano ang ibig sabihin ng mga nakita ko. Hindi pa ito ang panahon para maisiwalat ko iyon. Kailangan ko pa ng mas maraming impormasyon. Kailangan kong makausap ang lalaki na iyon. Marami akong kailangang itanong sa kanya at nasisiguro ko na marami siyang alam.
Malamig na bagay na humahaplos sa aking pisngi ang nagpagising sa akin. Pupungas-pungas pa ako ng hagilapin ko ang malamig na bagay na iyon. Tuluyan akong napadilat at napabangon ng pulang mga mata ang bumungad sa akin. Agad ang pagkalat ng takot sa dibdib ko sa pag-aakalang isa na naman iyong rogue ngunit agad ding napanatag ng makitang ang misteryosong lalaki iyon na nakaupo sa kama ko habang nakatunghay sa akin. Hinaplos ba niya ang pisngi ko o panaginip lang iyon? Kanina pa kaya siya doon? Binantayan niya ba ako habang natutulog? Kumabog ang dibdib ko sa isipin. Baka nakanganga pa ako habang natutulog? O kaya ay tumutulo pa ang laway. Tinubuan ako ng hiya ng ma-imagine ang hitsura ko.
Atubili akong bumangon saka nag-ayos ng sarili. Bakit bigla yata akong na-conscious sa hitsura ko? Isa lang naman itong estranghero. Hindi ito si Alaric para mag-ayos ka pa ng sarili. Kastigo ko sa sarili. Hindi ito ang panahon para diyan. May mas importante ka pang dapat malaman. Agad akong napaharap sa lalaki ngunit tila nakulong sa aking bibig ang sasabihin ng masalubong ko ang mataman nitong pagtitig sa akin. Rumagasa ang init sa aking pisngi dahilan para ibaling kong muli sa iba ang tingin. Lalong lumagabog sa hindi ko malamang dahilan ang puso ko. Bakit?
“Ano ang kailangan ng mga Cayman sa pamilya ko?” ani ko upang mai-divert ang isip sa bagay na importanteng unahin.
“Tingin mo?” balik-tanong nito saka kapagdaka ay tumayo.
Napakunot ang noo ko sa sinabi nito at napaisip. “Dahil sa Dovana?” naguguluhang tanong ko. “Pero akala ko ba kailangan nilang protektahan ang Dovana dahil iyon ang utos ng mga Alteste?”
Nagulat ako ng bigla itong sumulpot sa harapan ko saka nag-squat doon. Hindi naman ako nagpatinag at nanatili pa rin pagkakaupo habang nakikipagtagisan dito ng tingin. "What you see is just a small fragment of what you shouldn't know."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"You're digging your own grave, woman."
Nang tumayo na ito at humakbang paalis ay hinablot ko ang laylayan ng damit nito kaya napatigil ito. Am I digging my own grave? Kung ganoon ay wala na akong pakialam. Hindi ko maaaring hayaan na lang na may masaktan na naman sa pamilya ko. Kailangang matapos na sa akin ang sumpa ng Dovana na iyon. At gagawin ko ang lahat kahit ikamatay ko pa.
Tumayo ako saka mahigpit na hinawakan ang damit nya.
"Tulungan mo ako," puno ng determinasyong sabi ko sa kanya. "Kailangan mo akong tulungang tapusin ang sumpa ng Dovana. Wala ng kailangan pang sumunod sa akin. Sa akin na ito magtatapos."
"What made you think that I'll help you?" anito habang mataman akong tinitignan.Muling kumabog ang dibdib ko sa gawi ng pagtitig nito sa akin. Parang inaarok niya ang kaibuturan ng kaluluwa ka. Dahilan para mahigit ko ang hininga at mapatitig na lamang din sa mapupulang mga matang iyon. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na mahagilap ang takot sa kalooban ko na sa tuwina ay lagi kong nararamdaman sa tuwing makakakita ako ng pulang mata. Tila kasi panatag ang kalooban ko sa kanya.Nakapagtatakang kahapon ko pa lamang siya nakilala ngunit nakuha na niya ang loob ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Mas nagtiwala pa ako sa isang estranghero. Nakakatawa. Wala akong tiwala sa mga Cayman, pero dito sa mukhang assassin na ito na malamang na patayin ako ano mang oras ay nagtiwala ako. Kung sabagay, kung talaga ng
Humahangos akong napabalikwas ng bangon. Bangungot na naman. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Madilim pa at bukod tanging ang liwanag lamang ng buwan ang tanging nagbibigay ng liwanag sa buong kwarto. Tila ako naligo sa pawis ng mapagbalingan ko ang sarili. Ang pisngi naman ay basang-basa sa luha na agad ko ring pinunasan. Noon ko lang din napansin na wala na ang misteryosong lalaki na iyon. Nakatulog akong bigla. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nakatulog ngunit ang tangi ko lang naaalala ay noong kalong ako ng lalaking iyon sa mga bisig niya ng aksidentend mawalan ako ng balanse mula sa pagkagulat sa kanya.Nasapo ko ang ulo at ibinalik sa bangungot ang isip. Ang buong akala ko ay hindi na ako muling bibisitahin pa ng mga bangungot ngunit nagkamali ako. Pero kakaiba ang mga pangyayari ngayon. Nandoon na ang papa ko. Muling umahon ang pangungulila sa kalooban ko. Oh how
Malayo na kami ay tanaw pa rin ang tuktok ng mansyon ng mga Cayman. Nagbubunyi ngayon ang kalolooban ko dahil lulan kami ngayon ng rolls royce ni Alaric pauwi sa bahay namin. Ilang beses ko pa siyang sinabihan na huwag ito ang gamiting kotse pero wala ring nangyari. Kaninang pagkagising ko pa rin kasi kinukulit si Alaric kung pwede niya akong ihatid sa bahay namin. Mukha namang nakuha ang lalaking ito sa pagmamakaawa ko kaya heto kami at nagbibiyahe. Iyon nga lang ay mananatili rin siya sa bahay bilang kapalit ng pagpayag niya. Gusto ko pa sanang umalma ngunit isinantabi ko nalamang iyon dahil nasasabik na rin akong makauwi. Hindi ko na ipinaalam sa bahay na uuwi ako dahil gusto kong surpresahin si mama at Kirius. Halos isang buwan pa lamang mula ng manirahan ako sa poder ng mga Cayman ngunit pakiramdam ko ay kay tagal na
Nanatiling nakatitig sa akin si Kieran. Ako naman ay nakatunghay rin sa kanya habang naghihintay sa maaari niyang sabihin."You finally figured that out," kaswal na sagot nito na tila matagal na iyong alam. "Hindi ikaw ang nag-iisang Dovana, Yue. Nandyan din si Kirius. Nakalimutan mo na ba na noong panahong kailangan mong sumama sa mga Cayman at hindi ka pumayag ay si Kirius ang gusto nilang isama?""Paano mo nalaman yon?" gulat kong tanong dito. Hindi pa kami magkakilala noon ni Kieran pero paano niya nalaman ang usapang iyon kung wala siya doon. Bigla akong nahiwagaan sa lalaking nasa harap ko. Kung alam niya ang mga bagay na iyon ibig sabihin ay marami siyang alam tungkol sa akin."I know everything," anito saka ako binitawan.
Hindi ako magkamayaw kung paano ko pagpapakalma ng puso ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Akala ko ay may sasabihin siya kaya siya lumapit ngunit iba pala ang plano nitong gawin. Walang sabi-sabi niya akong binuhat saka mabilis na tumalon. Agad kong ipinikit ang mga mata saka agad na nangunyapit sa leeg nito.Nang maramdaman ko ang tila pag-ugoy namin ay agad kong iminulat ang mga mata. Doon ko nakita ang dahilan ng marahan naming pag-ugoy. Narito kami sa bangkang nakadaong sa may bantilan na hindi kalayuan sa parang. Mahahalata naman sa bangka na hindi ito masyadong gamit dahil makinis pa ang pintura nito. Nakukulayan iyon ng brown maski ang sagwang naroon ay ganoon din ang kulay. Malinis din iyon at may kalaparan. Hindi katulad ng ibang mga bangka na ginagamit pangingisda, na makitid ang mahaba. Ito ay malapad at may kaliitan. Wala ring makikita doong mga kagamitan sa
Madilim pa rin ng makarating kami ni Kieran sa likod bahay. Tahimik din sa loob ng kabahayan tanda ng wala pang gising. Nasisiguro ko kasing madaling araw na. Hindi ko pa rin makalimutan kung gaano siya naging possessive kanina. At nang halikan niya akong muli pagkasabi niya na walang ibang pwedeng humalik sa akin kundi siya lang. Pagkarinig ko noon kanina ay parang gusto ko nang magtatalon sa tuwa. Pero hindi ko iyon maaaring ipakita sa kanya. Nakakahiya iyon.Dahan-dahan niya akong ibinaba pero nanatili pa rin siya sa tabi ko. Ayoko pa sanang humiwalay sa kanya pero kailangan kong pairalin ang pagiging rasyonal. Hinamig ko muna ang sarili bago humarap sa kanya. Malamlam na ngayon ang mga mata nito marahil ay ayaw pa rin niyang humiwalay. Magkagayon man ay nakikita ko pa rin doon ang kislap. Ang mga pulang matang iyon na ngayon ay iba na ang kahulugan sa akin. Hindi ko akalaing mahuhulog ako
Mabigat ang pakiramdam ko ng magising ako kinabukasan. Sobrang bigat ng katawan ko na tila ba may nakapatong na mga hollow blocks doon. Masakit din ang ulo ko na tila ba may masong pilit iyong binibiyak. Magtatanghali na pero nananatili pa rin akong nakahiga sa kama at namamaluktot dahil pakiramdam ko ay nagyeyelo sa labas kung kaya't sobrang lamig. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko na binuksan ang aircon kagabi at nakasara rin ang mga bintana kung kaya't walang pagdadaanan ng hangin. Pero bakit sobrang lamig? Nakatalukbong na ako ng kumot at lahat pero hindi pa rin maibsan ang lamig na nanunuot sa talampakan ko.Maya-maya pa ay may narinig akong kumatok sa pinto pero hindi ko iyon sinagot. Wala akong lakas na magsasagot sa mga pangungulit nila ngayon."Yue," boses iyon ni Alaric.
Lulan kami ngayon ng sasakyan ni Alaric pabalik sa mansyon. Ilang araw na din kaming na-delay bago makabalik sa manyon. Ayaw kasi ni Alaric na ibiyahe agad ako gayong kagagaling ko palang kaya't nagpalipas muna kami ng ilang araw.Hindi na rin naman namin napag-usapan ni Alaric ang nangyari nang nagdaang gabi. Noong gabing una ko siyang nakitaan ng kahinaan. Hindi na rin iyon naulit. Siguro ay ayaw nalang din niyang maalala iyon. Siya namang ayon sa akin. Pakiramdam ko kasi ng gabing iyon ay magtatapat siya ng nararamdaman niya para sa akin. Hindi ko naman maiwasang iyon ang isipin dahil iyon ang nakaguhit sa mga mata niya ng mga oras na iyon.Mainam na lamang at hindi niya iyon sinabi kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin ko. O sasabihin ko. Natatakot akong malaman na baka may nararamdaman na siya