Share

BREATHTAKING

Nanatiling nakatitig sa akin si Kieran. Ako naman ay nakatunghay rin sa kanya habang naghihintay sa maaari niyang sabihin.

"You finally figured that out," kaswal na sagot nito na tila matagal na iyong alam. "Hindi ikaw ang nag-iisang Dovana, Yue. Nandyan din si Kirius. Nakalimutan mo na ba na noong panahong kailangan mong sumama sa mga Cayman at hindi ka pumayag ay si Kirius ang gusto nilang isama?"

"Paano mo nalaman yon?" gulat kong tanong dito. Hindi pa kami magkakilala noon ni Kieran pero paano niya nalaman ang usapang iyon kung wala siya doon. Bigla akong nahiwagaan sa lalaking nasa harap ko. Kung alam niya ang mga bagay na iyon ibig sabihin ay marami siyang alam tungkol sa akin.

"I know everything," anito saka ako binitawan. 

Kinuha ko ang pagkakataong iyon para gumawa ng distansya sa pagitan namin. Biglang humupa ang kung anong nararamdaman ko sa kanya at napalitan iyon ng pagdududa. Marami pa akong hindi alam kay Kieran. At gusto kong malaman ang mga iyon.

"I even know that your father didn't die in a car crash."

"Kung ganon ay saan namatay ang papa ko?" Para akong nakakita ng liwanag sa katauhan ni Kieran dahil sa sinabi niya. Marahil ay alam niya kung ano ang totoong dahilan ng pagkamatay ni Papa. 

"Bakit hindi mo subukang alamin sa mga Cayman?" sarkastikong sagot niya na sinamahan pa ng ngisi. 

Alamin sa mga Cayman? "Pero ang sabi nila ay pinatay si Papa ng mga rogue vampires?" puno ng pagtatakang sabi ko habang inaalala ang mga pangyayari noong kinompronta ko sila sa study room. 

"There were skeletons in their closet, Yueno. Lots of them," misteryosong sabi nito.

Napaisip akong bigla. He was puzzling me. Mukhang marami itong nalalaman sa mga Cayman pero paano ko siya mapipilit na sabihin sa akin. O kung kailangan ko pa siyang pilitin para lang magsalita siya. Kieran isn't the kiss and tell type. He never wanted it to be that easy. All this time, he was never straight to the point. He's always into hide and seek. He'd rather give me clues to find it myself than tell me everything right away. He wants me to do the hard work. To see it for myself. I wonder why he wants it the hard way. What is there to find? Whether it is a treasure or a bomb, I don't know. 

One thing is for sure. I have to dig deeper. Malakas ang kutob kong may itinatago sila sa study room. Lalo kung kilos ni Damien ang pagbabasehan ko. Kailangan kong makita iyon agad. 

Nasa ganoon akong pag-iisip nang maramdaman ko ang malamig na kamay ni Kieran sa pisngi ko. Marahan iyong humaplos sa pisngi ko na parang mayroon siyang pinahid doon. Bigla naman akong na-conscious at hinawakan din iyon. Nawala agad sa isip ko kung paano ang gagawin kong aksyon dahil sa ikinilos nito. Nang matingin ako dito ay mataman na naman siyang nakatitig sa akin. Naiilang tuloy akong salubungin iyon. Ano na naman kaya ang pinaplano ng lalaking ito at kakaiba na naman ang kinikilos? Hindi ba niya nararamdaman ang malakas na pagkabog ng puso ko?

Natigilan ako sa naisip. Isa siyang bampira at natural na malakas ang pakiramdam nila. Kung ganon, kung hindi ako nagkakamali ay naririnig niya ang heartbeat ko. Ibig sabihin, all this time-- 

Napahawak ako sa pisngi at napaatras dahil sa naiisip. Nakakahiya. Parang gusto ko nalang magpakain sa lupa. Paano kung isipin niyang may nararamdaman ako para sa kanya? Napakalakas pa naman ng kalabog nito kanina ng yakapin na ako. 

“What happened?” takang tanong nito. 

Iling lang ang isinagot ko at saka tumalikod sa kanya. Ayokong makita niya ang mukha ko. Nang ihakbang ko ang mga paa para sana pumasok na sa loob ay agad naman niyang hinila ang braso ko. 

“Where are you going?” 

“Papasok na ako sa loob. Baka malaman ni Alaric na wala ako sa kwarto. Ayokong malaman nila ang existence mo,” pagdadahilan ko ngunit hindi pa rin niya ako binitawan. 

Sinubukan kong bawiin ang braso ko pero lalong humigpit ang paghawak niya. Nagwala na naman ang puso ko na siyang lalo kong ikinatakot. 

“Stay.”

Halos bulong lamang iyon ngunit sapat ang lakas noon para makarating sa aking pandinig. Nais kong pagdudahan ang narinig pero nang matingin ako sa mata nito ay naroon ang sinseridad sa sinabi niya. Wala na roon ang misteryoso at malokong kislap. Napalitan na iyon ng emosyong hindi ko mapangalanan. Hindi na ako nakasagot pa kaya tumango na lang ulit ako. Naumid na yata ang dila ko.  

“Come with me.” 

Pagkasabi noon ay agad niya akong hinila palapit sa kanya. Hindi pa man din ako nakakasagot ay kumilos na agad ito. Sa sobrang bilis ay napapikit na lamang ako at hindi na nakaalma pa. Naisin ko mang tumili ng maramdaman itong tumalon ay hindi ko magawa dahil na rin sa ayokong gumawa ng ingay. Nang iminulat ko ang mga mata ay natagpuan ko na lamang ang sariling buhat-buhat niya ng pa-bridal style. Nagulat ako nang makitang nasa tuktok kami ng isang poste. Sa lula ay atubili akong napayapos sa leeg nito at isiniksik ang ulo doon. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa sa ginawa ko. 

“Open your eyes, Yue,” bulong nito.

Humagod ang kilabot na dala noon sa kasuluk-sulukang parte ng katawan ko. Nagsipag tindigan na yata lahat ng balahibo ko sa katawan. Ramdam na ramdam ko kasi ang mga labi niyang nakadikit na sa tainga ko. 

Kuntodo iling naman ang isinagot ko sa kaniya. Ayokong lumingon dahil natatakot akong baka mga labi niya ang masalubong ko. Sa pagkakataong ito ay mas natatakot pa yata ako sa pagharap sa kaniya kaysa sa taas ng kinalulugaran namin.

“Ihuhulog kita kapag hindi mo iminulat ang mga mata mo,” banta nito. Sa takot ko na baka seryosohin nito iyon ay mahigpit akong nangunyapit sa leeg niya. Narinig ko na naman ang mahina niyang pagtawa. 

“My lady is afraid of heights,” tudyo pa nito. 

Agad na sumagi sa isip ko ang nangyari noong huli niyang sinabi iyon. Naaakit akong tignan siya. Nagbabaka-sakaling makita ko ulit ang kagandahan tulad ng mga panahong iyon. Hindi pa man din ako nakakapagdesisyon ay bumulong ulit siya.

“Open your eyes, my lady. I want to show you something.”

Sa lamyos ng boses niya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na mag-angat ng tingin. Kahit nag-aalangan ako ay nakakalamang pa rin sa akin ang kagustuhang mamasdan ang gwapo nitong mukha. 

Nang imulat ko ang mga mata ay hindi lang sa kagwapuhan ako nito namangha. Kundi pati na rin sa liwanag na taglay ng buwan. Bilog na bilog iyon at napakalaki. Animo ay abot-kamay lamang sa lapit. Ang liwanag nitong taglay ay nakakadagdag sa angkin nitong kagandahan. Napakaganda niya. Kailan ko nga ba na-appreciate ang ganda ng buwan? Ngayon nalang yata ulit. Sa dami ng nangyayari sa buhay ko ngayon ay nakakalimutan ko ng pahalagahan ang ibang bagay. 

“Beautiful,” muli ay bulong ni Kieran na siyang nakakuha ng pansin ko. Wrong timing yata ang paglingon ko dito dahil nakatingin din ito sa akin. Seryosong-seryoso ang anyo nito to the point na nakakailang na. Naroon na naman sa mga mata nito ang samu’t saring emosyon. Magsasalita na sana ako nang ibaling niyang muli ang tingin niya sa buwan. 

“Let’s go. I know a beautiful place at night,” anito makailapas ang ilang sandali. “Close your eyes.”

Mabilis ko naman itong sinunod. Nararamdaman ko ang bawat hampas ng hangin sa balat ko dahil sa sobrang bilis niya. Mukhang hindi rin nito alintana ang bigat ko. 

“We’re here,” anunsyo nito. Hindi ko man lamang namalayang nakarating na kami. Sa tantya ko ay wala pang bente minutos ng magsimula siyang maglakbay pero heto na agad kami. 

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Nais ko munang makasigurong maayos ang pinagdalhan niya sa akin at hindi kung saan lang. Baka kasi dahil niya ako sa ilog na puno ng buwaya at ipakain sa mga iyon. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang buong lugar. Hindi niya ako dinala sa ilog at lalong malayo niya akong ipakain sa mga buwaya. Dahil ang lugar na iyon ay hindi nauukol para sa buwaya.

Isang malawak na parang na natataniman ng napakaraming lavender moonflower na nagsasayaw sa malumanay na ihip ng hangin habang nakatunghay sa liwanag ng buwan. May mga alitaptap din doon na lumiligid at tila ba mga naglalaro sa ibabaw ng bawat bulaklak. Sa di kalayuan naman ay may maliit na look na kitang-kita ang malinaw na repleksyon ng kalangitan na tila nakikiayon sa sitwasyon. Mangilan-ngilan lamang ang ulap na makikita sa kalangitan kung kaya’t kitang-kita ang napakaraming bituin na tila nagpapaligsahan sa pagkislap.

Nakatulala lamang ako sa ganda noon kaya hindi ko na namalayan pa na tuluyan na akong naibaba ni Kieran. Wala sa loob na naglakad ako papunta sa gitna noon habang hindi ko maialis ang mga mata sa ganda ng paligid. 

“Napakaganda,” wala sa loob na sabi ko saka umikot paharap kay Kieran. Hayun na naman siya at mataman na naman ang tingin sa akin. Bakit ba napakahilig niya akong tignan ng ganoon? Kung ano-ano tuloy ang binubuhay niyang emosyon.

“Kieran,” untag ko sa kanya. Hindi man lang kasi ito matinag. 

“You need me, my lady?” sagot nito saka dahan-dahang naglakad papunta sa akin. 

Habang pinagmamasdan ko siyang papalapit ay hindi ko maiwasang humanga. Kasabay ng paghangang iyon ay ang pagwawala ng puso ko. Kung sabagay ay kanina pa naman iyon hindi mapakali. Nga lang ay lalong nagwawala sa paglipas ng mga oras na kasama ko siya. 

Hindi ko mapigilang mahigit ang hininga sa bawat galaw nya. Hayun na naman at tila siya prinsipeng lumabas sa isang story book. Napakaganda niyang tignan. Ang itim na itim nitong buhok ay tinatangay ng hangin na tila nakikipagsabayan sa pagsayaw ng mga bulaklak doon. Nakadagdag lalo sa ganda nito ang pagkinang ng balat nito sa liwanag ng buwan. Hindi ko akalaing ganito pala kagandang nilalang ang mga bampira. Kung hindi nga lamang sila pumapatay ng mga inosenteng tao.

Hinamig kong pilit ang sarili. Bakit ba sa tuwina ay puro ganoon ang tingin ko sa kanya? Talaga bang iba na itong nararamdaman ko? Pero paanong nangyaring--

Kahit naglalakad ito ay hindi pa rin napupugto ang pagtitig niya sa akin. Parang gusto ko na tuloy malusaw. Tila ba unti-unti nasagot ng utak ko ang katanungan iyon ng matingin akong muli sa mga mata niya. Naghuhumiyaw man ang ebidensya sa kung ano siya ay hindi ko maaaring itangging nagugustuhan ko na siya. Yata. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status