Share

MISSING

Pakiramdam ko bigla na lamang akong humalo sa hangin bago ko pa maramdaman ang matigas na sementong dapat ay kababagsakan ko. Ramdam ko na may sumalo sa akin. Mabilis kong iminulat ang mata at nasalubong ang mukha ni Mathilde na nakatunghay sa akin. Buhat-buhat niya ako habang nakatayo di kalayuan sa mga tila mga aninong naglalaban. Hindi ko siya nakita sa malapit pero nagawa niya akong iligtas. Kung sabagay ay hindi ko nga sila makita sa sobrang bilis. Hindi na ako nakaimik sa kanya at tumingin nalang din sa mga mata nito. Nababaghan ako sa kung ano ang iniisip niya at mataman siyang nakatingin sa akin.

Nang daluhan kami ni Alaric ay saka lamang niya ako ibinaba. Hindi pa man din ako nakakapagpasalamat sa kaniya ay bigla na siyang nawala. Marahil ay nabasa na niya ang isip ko pero gusto ko pa ding sabihin iyon.

“Are you alright?” 

Noon nabaling ang tingin ko kay Alaric.  Wala na ang madilim na awra nito at abo na ulit ang mga mata. Nakapinta rin sa mukha niya ang pag-aalala. Ano kayang nangyari sa kaniya? Gusto ko sanang itanong pero isinantabi ko nalamang iyon ng mapansin ko ang unti-unting pagdami ng mga rogue na nakapalibot sa amin. Na para bang kami ang talagang target ng mga iyon. Kung sabagay, ako ang Dovana kaya’t natural na ako ang target ng mga ito. Naramdaman marahil iyon ni Alaric kaya’t agad itong humarap sa kalaban at iniharang ang katawan sa harap ko. Lalong namayani ang takot ko ng magsimulang lumapit ang mga iyon sa amin. Sabay pa kaming napaatras ni Alaric ng magtangka na namang lumapit ang mga ito.

Marami ng rogue ang mga walang buhay na nakahandusay sa lapag ganun din ang mga katulong ng mga Cayman. Ngunit marami man ang nabawas sa mga rogue ay tila nadodoble naman ang nadadagdag sa mga ito. Para bang habang pinapatay sila ay lalo silang dumarami. Isa-isang nagsisulputan sa harap namin ang natitirang katulong ng mga Cayman na parang inihaharang nila ang sarili para protektahan kami. Pati ang miyembro ng pamilya Cayman ay isa-isa na ring nagsisilapit sa amin. Nakapaligid silang lahat na tila ba handa nila akong protektahan kahit anong mangyari.

“Protect the Dovana at all cost,” narinig kong sigaw ni Cassius.

I was breathless for a moment. He just stated what I was actually thinking. Narinig din ba niya ang iniisip ko? 

Akmang susugod na ang mga ito sa mga kalaban ng isa-isa iyong naglalaho. Na para bang nagiging mga usok itong tinatangay ng hangin. 

“Anong nangyayari?” Si Lucinda iyon na maang na nakatingin sa isang walang buhay na rogue na unti-unti naring nagiging usok. 

“Bigla nalang silang nawala,” ani Mathilde.

Naglaho ang mga ito ng bigla nalang. Nakapagtataka. Isa pa ay ganoon ba talaga maglaho ang isang buhay na rogue. Sa pagkakaalam ko ay nagiging mga abo silang humahalo sa hangin kapag namamatay pero bakit pati ang mga buhay ay naglaho rin tulad noon. Malakas ang kutob kong hindi ako ang pakay ng mga ito. 

Nasa ganoon akong pag-iisip ng mapatingin ako kay Mathilde. Nakatingin din ito sa akin. Agad kong naalala na nakakabasa nga pala ito ng isip. Marahil ay nabasa na niya ang mga naisip ko kaya’t hinayaan ko nalang. Pinigilan ko nalang mag-isip ng kung ano pa at baka kung ano pa ang malaman niya. 

“Yue.”

Agad ko namang ibinaling kay Alaric ang tingin. Naroon pa rin ang pag-aalala sa mukha niya. Marahil ay naalala na niya ang ginawa niya kanina. Hindi ko akalaing kikilos siya ng ganoon. Para siyang serial killer na hayok na hayok pumatay. At ang mga matang iyon. Iyon ang mga matang nakita ko sa kaniya ng una akong dumating dito. Nakakatakot. Nakakakilabot. 

“I’m sorry for not saving you,” nagsisising sabi nito.

Napatitig ako dito. Sa nakikita kong itsura niya ngayon ay parang walang nangyari kanina. Kung humihingi siya ng tawad marahil ay naaalala niya ang mga nangyari. Kung ganoon ay nasa katinuan siya kanina ng ginawa niya iyon. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin si Alaric pero pinili ko nalang na sagutin siya ng ngiti. 

“It’s okay. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay maililigtas mo ko. Pero salamat pa rin.”

Tila naman hindi naibsan ng isinagot ko dito ang kung nararamdaman niya dahil maging ng lumayo ako dito ay hindi na nag-iba ang ekspresyon niya. Marahil ay talagang pinagsisisihan nga niya iyon. Baka nabigla nga lang siya. Napabuntong-hininga ako. Siguro ay palilipasin ko muna ang araw na ito. Pakiramdam ko ay naubos ang lakas ko dahil sa nangyari. Ramdam ko din ang pananakit ng braso ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan nang magawa kong ilibot ang tingin sa paligid. Agad akong nanlumo sa nakita. Noon kasi mas nakita ang malaking pinsalang iniwan ng mga rogue na iyon sa bahay. Wala yatang makikitang buo roon. Maging ang hagdan, kung hindi naputol ay nangalahati naman. Mukhang nangangailang ng malaking renovation ang lugar dahil sa natamo. 

Halos lumuwa ang mata ko sa naabutang ayos ng kwarto ko. Binuksan ko agad ang ilaw dahil baka dinadaya lang ako ng mga mata ko pero nagkamali ako. Lalo lamang noong niliwanagan ang kaguluhang naganap sa kwarto ko. Anong nangyari? Nagmistula iyong binagyo dahil sa sobrang kalat. Nagkalat sa lapag ang mga libro, alahas, laptop at halos lahat ng laman ng cabinet ko. Maging ang mga comforter at unan ay nasa lapag na rin. Pati ang mga lampshare ay mga nagsihulog na sa lapag at mga nangabasag. Nakabukas din lahat ng mga drawers. Sira rin maging ang pinto ng mga cabinet at naalis sa lalagyan ang mga drawers. 

Kung ganoon ay ito ang talagang dahilan ng panggugulo nila sa mansyon.Ibig sabihin ay hindi ako ang kailangan nila kundi ang bagay na nakatago sa rito sa kwarto. Ano naman kaya ang bagay na iyon? Pilit kong hinahalughog ang isip sa kung anong importanteng bagay na narito ang maaaring pag interesan ng mga rogue para magawa pa nilang sumugod dito. Mukhang sobrang importante noon para kailanganin nilang pumatay makuha lamang iyon. Sumagi sa isip ko ang mga Cayman. Siguro ay mas mainam na rin na ipaalam ko sa mga ito ang nangyari. Pero siguro kahit kay Alaric nalang muna. Sa kabila ng nangyari ay nasa kay Alaric pa rin ang tiwala ko kahit papaano. 

“Alaric,” malumanay kong sabi.

Alam kong hindi ko kailangang sumigaw marinig lamang niya ako. Isa pa ay ako ring makatawag ng pansin. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay gusto ko munang malaman ang sagot bago pa man iyon makarating sa pamilya Cayman. Baka kasi ilihim rin nila sa akin ang totoo kung sakaling sila ang unang makaalam.

Hindi naman ako nagdalawang salita dahil sumulpot agad ito sa likod ko. Hindi pa rin naman ako tuluyang nakakapasok. Nakita ko pa ang panandaliang gulat na rumehistro sa mukha nya bago iyon nawala. Mukhang kahit hindi ko itanong ay may ideya na siya sa nangyaring pag-atake ng mga rogue. 

“Sa tingin mo, ano ang kailangan nila?” untag ko dito saka ko ibinalik sa silid ang tingin. 

“Sinubukan mo na bang tignan kung may nawawala ba sa gamit mo?” 

Umiling lamang ako saka tuluyan ng pumasok sa loob. Isa-isa kong dinampot ang mga nagkalat sa sahig ngunit ng makita ko ang mga underwear ko ay mabilis ko iyong dinampot bago pa man din makita ni Alaric. Agad na nagpuyos ang kalooban ko sa mga rogue na iyon. Pati ba naman mga underwear ay wala silang patawad. Bigla kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Mabilis ko iyong sininop at inilagay sa isang drawer saka bumalik sa pagpupulot ng mga gamit.

Maging ang mga papeles kong nakatago sa ilalim ng kama ay nakita rin nila. Iyon na ang una kong sininop. Baka kasi makita ni Alaric iyon, mahirap na. Naroon din kasi ang mga kuha ng ilang dokumentong hindi ko mailabas sa study room. Tutal ay may printer din lamang doon kung kaya’t ipinrint ko nalang. Ang ilan naman ay mga importanteng notes na doon ko rin nakuha. Hindi pwedeng malaman ni Alaric na palihim akong kumukuha ng impormasyon sa pamilya niya. Mabuti nalamang at saglit itong lumabas para i-check ang ilang kwarto kung hinalughog din ba ng mga rogue. 

Nang ma-i-safe ko ang mga iyon ay mabilis kong sininop ang iba pang nagkalat doon. Malakas ang kutob kong dito lang sila naghalughog at hindi na pinaki-alaman ang ibang kwarto. Dahil kung tutuusin ay wala silang makukuha sa mga Cayman kundi mga mamahaling gamit. At lalong wala sa mga itsura ng mga rogues ang sumugod nang pagkarami-rami para lang magnakaw. I can’t imagine rogues being like one. 

Halos matatapos na ako ng bumalik si Alaric. Sadyang binilisan ko ang pag-aayos para hindi na niya makita pa ang ilan kagamitang maaaring magbigay sa kaniya ng dahilan para pagdudahan ako.

“Maayos ang ibang kwarto,” imporma nito. “Mukhang may itinatago kang mahalaga para sa kanila para lang sumugod pa sila dito.”

“Ano naman kaya iyon?” Maski ako man ay nagtataka sa kung anong bagay iyon. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maisip.

Huli kong dinampot ang litrato ng pamilya ko. Nabasag ang salamin ng frame noon dahil sa taas ng pinagbagsakan. Wala talagang patawad ang mga rogue na iyon. Ilang sandali ko pa iyong pinagmasdan. Bigla kong naalala ang panahong kinuha iyon. It’s just a normal day and a simple family bonding at naisipan ni Papa na magpa-picture kami formally. I still remember how jolly Papa was back then.

Hinipas ko pa iyon bago tuluyang ibaba. That’s when it hits me. Kusang kumilos ang kamay para salatin ang leeg. Agad akong kinabahan ng walang makapa doon. Marahil ay napansin ni Alaric ang pagiging balisa ko kaya naging alerto ito. 

“What is it? Anong nangyari?” alalang tanong nito. 

Hinalughod ko agad ang jewelry box ko pero hindi iyon nakita. Agad kong hinalukay ang isip kung saan ko maaaring inilagay iyon pero hindi ko maalala. Ang tanging naaalala ko lang ay nang ibaba ko iyon sa bedside table ko bago ako naligo noong araw na umalis kami ni Alaric. Nanlaki ang mga mata ko sa realisasyon saka napatingin kay Alaric.

“Nawawala ang kwintas ko.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status