Share

OSWALD GUILERT

"Yue," narinig ko ang pagsigaw ni Ada mula sa taas. 

Well, hindi naman ganoon kataas ang binagsakan ko, sadyang masakit lang sa balakang ang naging pagbagsak ko. Idagdag pa ang pagkapahiya ng makita ng lalaking nasa harapan ang naging pagbagsak ko. 

"Yueno, ayos ka lang?" humihingal na tanong ni Ada na sumulpot sa pagitan ng mga halaman sa itaas. 

"Yueno pala ang pangalan mo," ani ng gwapong lalaki saka umupo sa harapan ko. 

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa gawi ng pagtingin niya. Nakakahiya at nakita niya ang pagbagsak ko. Pakiramdam ko tuloy ay gusto ko ng magpalamon sa lupa.

Maya-maya pa ay naroon na si Ada sa harapan namin at humahangos. 

"O-oswald, anong ginagawa mo dito?" humihingal na sabi ni Ada nang makita ang lalaki. Namumula na rin ang pisngi niya marahil ay dahil sa pagtakbo.

Oswald pala ang pangalan ng gwapong ito. Mukha siyang masayahin at palangiti. Kahit na makikitaan ng kapilyuhan sa mga mata ay hindi ko mahanap sa sarili ang inis para dito. Malakas ang kutob ko na mabait ito.

"Naglilibot lang ako sa gilid ng talon ng makita ko ang magandang binibini na ito na biglang nahulog," anito saka ibinalik muli sa akin ang tingin. "Ililigtas ko sana siya kaso ay nahuli ako ng dating."

Nginitian ako nitong muli pero mabilis kong ibinaling sa iba ang tingin ng maramdaman kong muli ang pag-iinit ng pisngi ko.

"Ayos ka lang ba, Yueno?" nag-aalalang baling sa akin ni Ada.

"O-oo, a-ayos lang ako," hindi ko mapigilang magkandautal sa pagsagot dito. Wala kasing puknat ang pagtitig ng lalaking nasa tabi ko kaya hindi ko mapigilang mailang. Pakiramdam ko kasi ay tumatagos sa kaluluwa ang mga tingin niya. 

“Kaya mo bang tumayo?” segundang tanong noong Oswald. 

Tumango nalang ako sa kanya saka sinubukang tumayo. Ngunit ng itukod ko ang kanang paa ay agad akong napadaing sa sakit at napaupong muli. Pakiramdam ko ay para bang nanuot sa buto ang sakit noon. Mabilis naman akong dinaluhan ni Oswald na lalong nakadagdag sa kahihiyan ko. Maging si Ada ay lumapit rin sa akin ng dumaing ako.

Abot-abot ang pagkailang na naramdaman ko ng maramdaman ko ang kamay ni Oswald na magaang humaplos sa pilay kong paa. Hihilahin ko na sana iyon ng pigilan niya ang binti ko saka seryosong tumingin sa akin. 

“I’ll try to mend your feet,” maawtoridad na utos nito.

Nanatili lamang siyang nakatitig sa mga mata ko nang hindi ako sumasagot. Mukhang hinihintay muna niya ang pagsang-ayon ko bago siya umaksyon. Nakita ko naman ang sinseridad sa mga mata niya kaya napatango na lamang ako. May kung ano kasi sa mga mata nito na tila ba nagsasabi sa akin na magtiwala lamang ako dito. Nanatili naman akong nakamasid sa kaniya habang hinihintay ang gagawin nito para magamot ang paa ko.

“Hold still. This might sting a bit,” dagdag utos nito. Tumango na naman ako.

Itinaas niya ang isang kamay at wala pang ilang sandali ay may lumabas na liwanag doon. Nabalot noon ang kamay niya saka dahan-dahan idinikit sa paa ko. Kumakabog naman ang dibdib ko habang inaabangan kung ano ang mararamdaman ko sa gagawin nito. Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng init nanggagaling sa kamay nito kasunod noon ay bigla akong nakaramdam ng kirot doon. Dadaing na sana ako pero pinigilan ko ang sarili ko. Nagkamali ba ako ng pagtitiwala dito? Hindi ko kasi malaman kung anong nakain ko at bigla nalang akong pumayag dito. 

Ilang sandali pa ay biglang humupa ang sakit at muli ko na naman naramdaman ang init na nanggagaling doon. Nanlaki ang mga mata ko ng pumasok sa loob ng paa ako ang liwanag na nanggaling sa mga kamay nito. Hinintay kong may maramdaman ngunit init lang ang naramdaman ko doon na tila kinakalma ang mga ugat ko para hindi noon maramdaman ang pagkirot.

“A-anong nangyari?” takang tanong ko. “O-okay na?”

Ngumiti itong muli sa akin. Mula ng magkita kami kani-kanina lang ay lagi nalang siyang nakangiti. Lalo itong gumagwapo kapag nakangiti pero hindi ko mahanap sa sarili ko ang kiligin sa kaniya. Hindi ko nga alam kung makakaramdam pa ako ng ganoon. Nang mangyari kasi ang bagay na iyon, pakiramdam ko ay namatay bigla ang puso ko. Na parang wala na akong ibang maramdaman doon kundi kahungkagan at kalungkutan. Bagay na iniiwasan kong maramdaman muli. 

“Hindi mo pa iyan mailalakad dahil hindi pa iyan tuluyang magaling. Kung pipilitin mo ay maaaring mawala ang spell na ginamit ko diyan at muli kang makakaramdam ng sakit.”

“Ha?” maang kong sabi sa kaniya. Agad na pumasok sa isip ko kung paano makakauwi. Nang mapatingin naman ako kay Ada ay nakatingin lamang ito sa akin. “Maaari mo ba akong ihanap ng kahit sanga ng kahoy para gawing tungkod?” alangang tanong ko kay Ada.

Akmang magsasalita na sana si Ada nang maunahan ito ni Oswald. “Silly. Why do you need that if I can carry you home?”

“Ha?” lalo akong napamaang dito. “Na-naku hindi na. Nandyan naman si Ada para tulungan ako, hindi ba Ada?”

Bigla akong kinabahan sa isasagot ni Ada nang magpalipat-lipat sa amin ni Oswald ang tingin niya. 

“Isn’t it great if I can help, Ada?” segundang tanong ng lalaki.

Hindi man makitaan ng emosyon si Ada pero alam kong nagdadalawang isip ito ng isasagot. Mukhang malakas kasi ang Oswald na ito kay Ada. 

“Mas maganda ang ideya niya, Yue,” maikling sagot ni Ada.

Wala na akong nagawa ng buhatin ako ng pa-piggy back ride ni Oswald kanina. Para tuloy akong bata na karga-karga nito habang naglalakad pauwi. Hindi pa ganoon katagal kong nakakasama si Oswald pero masasabi kong mukha naman siyang mabuting tao. Isa pa ay nagawa niyang kaibiganin si Ada, ibig sabihin ay may kabutihan nga siya. Looking at Ada kasi ay masasabi kong pili lang ang talagang lalapit dito para makipagkaibigan. She’s not even approachable. Hindi naman sa dyina-judge ko siya. Hindi ko lang kasi maiwasang ihalintulad siya sa akin noong nag-aaral pa ako. I was just like her. Always been judged by others just because I wasn’t that approachable too. 

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kanina pa kwento ng kwentong si Oswald. He looked so jolly. Na parang hindi ka maiinip kapag kausap mo siya dahil hindi siya nawawalan ng kwento. Isa pa ay lagi siyang nakatawa. He seemed like a ray of sunshine. I don’t know why I think that. There is something in him na parang gusto kong makasama siya. Maging kaibigan. Makabiruan. Ewan ko ba. Siguro ay dahil aminin ko man o sa hindi ay malungkot talaga ako. Na kahit anong pilit kong tago roon ay pilit din itong lumalabas kapag nag-iisa na ako. Kaya nitong nakakaraan ay lagi nalang akong dumidikit kay Mama. Noong nasa bahay pa kami ay lagi ko siyang hinahanap, mapasa-kwarto o kusina man siya. Kahit nagdidilig siya ay nandoon ako malapit sa kaniya. Kasi ayokong mapag-isa. Sa tuwing nag-iisa kasi ako ay bumabalik sa ala-ala ko lahat ng nangyari ng gabing iyon kahit na ilang buwan na ang nakalilipas. Lagi ko ring tinatanong sa sarili ko kung bakit iyon nagawa sa akin ni Kieran. 

Humugot ako ng malalim na hininga ng maramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. Hinamig ko ang sarili saka nakinig muli sa kwentuhan ng dalawang kasama ko.

“Hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala sayo, binibini,” masiglang sabi nito.

Bigla akong natawa sa sinabi niya. “Kanina ka pa nga kwento ng kwento e, ngayon mo lang naalala.”

Tumawa din naman siya ng malakas. Nagulat ako ng makita kong ngumiti si Ada. Para kasing malayo sa itsura ni Ada na bigla nalang mapapatawa ng kung sino. Mukhang hindi ako nagkamali kay Oswald. May kakaiba talaga sa charm nito na maging si Ada ay napapangiti. Siguro ay hindi naman masama kung makipagkaibigan din ako kay Oswald. Wala naman sigurong masama kung magpakasaya. Gusto ko ring tumawa ng katulad sa kaniya. Na parang walang iniintindi. Hindi ko na kasi alam kung ano pakiramdam ngayon ng maging masaya. Nakalimutan ko na yata. Kaya sana kahit panandalian lang. Habang narito ako sa Magji, maranasan ko man lang bago ako bumalik sa malungkot na mundo.

“Yue,” untag ni Ada.

“H-ha?” maang ko. Huminto na pala silang maglakad at parehas na nakatingin sa akin.

“You’re spacing out,” seryosong saad ni Oswald sa akin.

“A-ah, so-sorry,” ani ko saka alanganing ngumiti. 

“Hindi mo tuloy narinig ang pagpapakilala ko,” ungot nito.

“Edi ulitin mo,” hirit ni Ada saka nagsimula na namang maglakad. 

Ngumiti muli si Oswald sa akin. “I’m Oswald Nordin Guilert, miss, and you are?” pagpapakilala nito.

“Yueno Matisse Cruz, but just Yue,” sagot ko ng may ngiti rin sa labi. 

“It’s a pleasure to meet you, miss,” ani Oswald habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. Ang kaninang puno ng kalokohan niyang mga mata ngayon ay seryoso ng nakatitig sa akin. Na tila ba may nais iparating ang mga mata niya pero mas pinili ko iyong balewalain.

“Magtititigan nalang ba kayo dyan?” sigaw ni Ada na may ilang metro na pala ang layo sa amin. 

Agad naman iyong nilingon ni Oswald saka sumigaw pabalik. “Heto na nga!”

Natigilan ako ng bigla akong makaramdam ng kakaiba. Heto na naman iyong pakiramdam kaninang umaga na para bang may kung anong nasa malapit lang na siyang nagpapakabog ng malakas sa dibdib ko. Na para bang may matang nakamasid sa lahat ng ginagawa ko. Tila naramdaman din iyon ni Oswald dahil huminto siya sa paglalakad. Maya-maya pa ay muli siyang lumingon sa akin.

“May problema ba, Yue?” tanong nito.

Gusto ko sanang itanong sa kaniya kung naramdaman din ba niya iyon kaya siya tumigil pero hindi ko na sinubukan. Umiling na lamang ako sa kaniya. Mukha namang tinanggap niya iyon kaya’t nagsimula na rin siyang maglakad. Natagpuan ko naman si Ada na mariing nakatitig sa akin na tila ba may inaarok siya. Agad din iyong nawala ng kumurap siya kaya hindi ko nalang din tinanong.

“Anong nangyari sayo?” bungad tanong ni Mama nang mapagbuksan kami ng pinto. 

Halos tanghali na pero mukhang kababangon lamang niya mula sa higaan. Hindi pa rin siya nagpapalit ng damit pantulog. Hindi ko muna pinansin ang tanong ni Mama at pinapasok na si Oswald sa loob para maibaba ako. Ayaw kasi niya akong ibaba sa labas kaya’t ipinaupo na niya ako sa sofa. Si Ada naman ay dire-diretcho nang pumasok sa loob pagkatapos batiin si Mama.

“Thank you,” bulong ko dito. Nakamasid pa rin si Mama hanggang ngayon sa amin. Malamang sa naghihintay ng sagot.

“You’re always welcome,” bulong din nito pabalik saka muling ngumiti. Nang tumayo naman ito ay humarap agad kay Mama saka magiliw na bumati. “Good morning, Mrs. Cruz.”

Agad namang ngumiti ng matamis dito si mama. Bigla tuloy akong kinabahan sa gawi ng ngiti niya kay Oswald. “Good morning too, Mr. Guilert. Thank you for attending to my clumsy daughter.”

Awtomatikong tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Mama. Parang gusto ko ring kilabutan sa gawi ng pakikitungo niya kay Oswald. Napaismid ako sa naisip. Kung kay Oswald palang ay nagugwapuhan ka na. Paano pa kaya pag nakilala mo si--

Agad kong pinutol ang pag-iisip bago pa ito magtungo sa hindi na nito dapat patunguhan. Ibinaling ko nalang ang tingin sa dalawang nag-uusap sa harapan ko. 

“Kilala nyo po ako?” takang tanong ni Oswald. Ako man ay nagtataka ring napatingin kay Mama na hindi maallis ang ngiti sa mukha. 

“Of course. You are Enver’s son, aren’t you? You looked like twins when he was your age.”

Ngumiti na rin naman ulit si Oswald sa narinig. “I must take my leave then, Mrs. Cruz, Yue,” paalam nito saka tuluyan ng lumabas. 

“Ikamusta mo ako sa Papa at Mama mo,” pahabol pa ni Mama bago ito tuluyang makalayo. Yumuko lamang iyon bilang pagsagot.

Wala na ito pero nakatingin pa rin si Mama sa labas ng bahay. Naroon pa rin ang kakaibang ngiti sa labi niya na tila ba may naiisip siyang kalokohan na kung sasabihin niya sa akin ay hindi ko magugustuhan. 

“Such a handsome boy, isn’t he, Yue,” anito na hindi inaalis ang tingin sa labas. Hindi ko naman siya sinagot. “You’ll make a good match.”

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko sa kaniya. Pero magkagayonman ay napaisip din ako. Ngunit sa bandang huli ay napailing nalang. Hindi. Hindi nalang siguro dahil hindi ko alam kung titibok pa sa iba ang puso ko. O kung sakali man ay kung titibok pa itong muli.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status