Share

MAGJI

Habol-habol ko ang hininga at nanlalaki ang mga mata nang bigla ko nalang maramdaman ang mga paa kong nakatapak na sa lupa. Nakahinga ako ng maluwag habang pinakikiramdaman ang sarili. Bahagya akong nakaramdam ng pagkahilo. Pakiramdam ko ay hinigop ako ng isang wormhole saka biglang iniluwa kung saan. Was that magic? Pero, wala akong magic. 

Agad akong napatingin sa katabi ko. Hanggang ngayon ay hawak pa rin niya ako sa isang braso. Maalaiwas na ang mukha niya ngayon kumpara kanina. Kakaiba rin ang ngiti nya habang pinagmamasdan ang paligid. Ngayon ko lang ulit nakitang ganito kasaya si Mama.

"Welcome to Magji, Yue," sabi ni Mama.

Nang balingan ko ng tingin ang tinitignan nito ay hindi ko mapigilang humanga sa lugar. Napakaaliwalas noon tignan na pakiramdam ko ay safe ako sa lugar na ito. Na walang bampirang makakahabol sa akin dito at walang makakapanakit sa akin hangga’t nandito ako. Kasalukuyan kaming nakatayo sa tuktok ng isang burol kung saan tanaw ang isang maliit na bayan sa di kalayuan.

Napakagandang pagmasdan noon mula dito dahil kitang-kita rito kung paano paligiran ng makukulay na parang at berdeng-berdeng kagubatan ang bayang iyon. Sa hindi kalayuan naman ay may makikitang talon na kumikinang sa sikat ng araw. Hindi ko mapigilang mapanganga habang pinagmamasdan ko iyon. Panandalian kong nakakalimutan ang lahat ng pinagdadaanan ko dahil dito.

Ngunit mabilis ding bumalik iyon ng maalala ko ang naging engkwentro sa mansyon. 

“Ma,” untag ko dito pero mabilis niya akong nahila pababa ng burol at papunta sa kabayanan.

“Halika na, Yue,” masayang wika nito habang hila-hila ako at ang isa niyang bagahe. 

Ayoko sanang putulin ang kaligayahan niya ngunit kapag pinagtagal ko pa iyon ay malamang sa makalimutan nalang iyon.

“Ma,” pigil ko sa kamay nitong nasa braso ko. “Kailan mo balak ipaliwanag sa akin ang nangyari?”

Agad naman siyang lumingon sa akin. “Mamaya lang, Yue. Sa ngayon, kung maaari lang ay pumunta muna tayo sa bahay ng tiya Arsellis mo ng makapagpahinga dahil naubos ang lakas ko sa paggamit ng kapangyarihan ko.”

Napanganga ako sa sinabi niya. “I-ikaw? May powers?” gulat na tanong ko. 

“Sa tingin mo, anak, paano tayo makakarating dito kung wala?”

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kay Mama. Kung maiinis ba dahil sa rebelasyon niya o matutuwa dahil may kapangyarihan pala siya. Kaya lang ay tila napakahirap paniwalaan. Kung sabagay ay ano pa ba ang mahirap paniwalaan doon. Kung ang mga bampira nga na akala ko ay sa libro ko lang nababasa ay totoo palang nabubuhay, ito pa kayang mga taong marunong gumamit ng mahika.

“Bakit naman hindi mo sinabi agad?” nagmamaktol na sabi ko dito saka nagpatiuna na sa paglalakad.

Hindi ko mapigilang humanga sa paligid ng makarating na kami sa mismong bayan. Kung maganda pala ito sa malayo ay di hamak na mas maganda ito sa malapitan. Bawat kabahayan ay napapalibutan ng mabubulaklaking halaman na ngayon ko lang nakita. Mayroon pang mga nagsisiliparang tila mga alitaptap na kahit umaga ay nagsisipag-ilawan. Samu’t sari rin ang makukulay na paru-parong panay ang liparan sa paligid. Napakagaganda rin ng mga bahay dito na parang kinuha ang inspirasyon sa mga libro at doon iyon inihalintulad.

Lumiko si Mama sa isang may kagarbohang bahay dahil sa malaki iyon kumpara sa mga bahay na nandoon. Sumunod lamang ako rito. Nanatili akong naglilibot sa paligid habang walang tigil naman sa pagkatok sa pinto ang ina ko.

Hindi ko talaga maiwasang mamangha sa mga bulaklak na nakikilta ko roon. Ngayon lamang kasi ako nakakita ng ganitong uri at tila nagbubuga ang mga ito ng kakaiba at mumunting liwanag. Nang matuwa ako sa isang kulay lavender na bulaklak ay hindi ko na napigilang hawakan iyon. Ngunit bago pa madikit doon ang daliri ko ay biglang may kamay na humawak noon.

Gulat na napalingon ako sa may-ari noon.

“Huwag mong hawakan,” anito. “Hindi lahat ng magaganda ay nagdudulot ng mabuti.”

Napanganga ako hindi lang sa tinuran niya kundi sa gandang taglay nito. Napakaganda nito kahit na natatakluban ng kulay puting cloak ang ulo at katawan. Kulay mais at kulot ang buhok nito. Bilugan naman ang kulay asul na dyamante ang mata, matangos ang maliit na ilong at mapula ang labi. Ngunit tila may kakaiba sa kaniya na hindi ko malaman kung ano. Magkagayonman ay hindi ko maitatangging mukha siyang diwata. 

“Ada? Sino nandyan?” 

Napalingon kami sa isang babaeng lumabas mula sa likuran. Maganda rin ito at tila kaedad ng ina ko. Agad din iyong sinilip ni Mama ng marinig niya ang boses ng nagsalita.

“Arsellis,” tawag niya dito.

Halata naman ang gulat ng tinawag na Arsellis at nagpalipat-lipat sa amin ni Mama ang tingin. Kung ganoon ay ito ang tiyahin ko.

“Hindi ko alam na ganoon na pala kagulo ang mundo sa labas.” ani ng tiyahin ko habang inilalapag ang tasa ng tsaa sa harapan namin ni mama.

Agad niya kaming pinapasok sa loob ng bahay niya ng makita kami kanina. Hindi daw niya akalaing darating kami ng wala sa oras. Ibig sabihin ay alam niyang dadating kami. 

Hindi naman natigil ang kwentuhan nila ni Mama simula ng mapasok kami dito. Ako naman ay pinagmamasdan ko lang ang tiyahin kong maggagawa sa loob ng bahay. Paminsan-minsan aya gumagamit ito ng magic na hindi ko naman mapigilang hangaan. 

Si Arsellis ang nag-iisang kapatid ni Mama na buong akala namin ay nasa ibang bansa dahil ayon na rin sa huli. Kanina ko pa iniisip ang dahilan kung bakit iyon inilihim ni Mama kahit ng malaman ko na ang tungkol sa Dovana. 

Pero ang mas gumugulo sa akin ay ang sinabi ni Lucinda. Ayon dito ay sinira ni Mama ang pamilya ni Lucinda. Pero paanong mangyayari iyon kung naroon sila at sama-sama? Gusto ko pa sanang hintaying matapos sila Mama ng kwentuhan ngunit hindi ko na mapigilan ang sarili kong alamin kung totoo bang nanira ng pamilya ang ina ko. At lalong gusto kong malaman kung niloko ba niya si Papa. Kung totoo iyon, ngayon palang ay hindi ko na nasisiguro ang magiging reaksyon ko. 

“Ma, kailan mo ipapaliwanag sa akin ang nangyari sa mansyon?” hindi ko napigilang itanong. 

Natigil naman sa pag-uusap ang dalawa at napatingin sa akin. 

“Bakit, Tessmarie, nagpunta ka na naman sa mansyon ng mga Cayman?”

Kung ganoon ay totoo ngang may hindi pagkakaintindihan si Lucinda at si Mama. Tumango lang si Mama bilang sagot sa tiya ko.

“Nagkita ulit kami ni Lucinda,” sagot niya pa.

“Ano namang ginagawa mo doon?” nakapamaywang na tanong ng tiyahin ko na tila normal lang na pag-usapan nila iyon.

“I brought her there,” sabad ko.

Nagtataka namang nagpalipat-lipat sa amin ni Mama ang tingin ni tiya Arsellis. “Hindi pa niya alam?”

Agad naman akong nainis sa tono ng salita ni tiya. Na para bang pinag-iisipan pa nila kung dapat ko ba iyong malaman o hindi. 

“Ano ba ang dapat kong malaman?” naiinis na tanong ko sa kanila.

Humugot ng malalim na hininga si tiya bago magsalita. “Dating nobyo ng mama mo si Cassius Cayman.”

Nahigit ko ang hininga at agad na napatingin kay Mama. “Totoo ba iyon, Ma?”

“Aba! Ang batang ito, walang tiwala sa akin.”

Natawa naman si mama sa sinabi ng tiya ko. Maya-maya pa ay hinarap na ako nito.

“Una kong nakilala si Cassius Cayman, ilang taon na ang nakakaraan,” pagsisimula ni mama habang hinahalo ang tsaa nito. “Bago niya nakilala si Lucinda. We were too young back then. That’s also the time when we, mages, were prohibited to fall for their kind. Nakilala ko si Cassius ng minsang maligaw ako sa isang malaking parang. Gandang-ganda ako noon sa lugar na iyon dahil namumukadkad ang mga bulaklak sa kalagitnaan ng gabi. Dahil doon ay hindi ko napansin na may nagmamatyag na pala sa akin sa dilim ng mga oras na iyon. Mariing ipinagbabawal sa bawat lahi ang lumabas sa teritoryo ng mga panahong iyon kung kaya agad akong dinakip ni Cassius. Mainam nalang at well-trained ako kung kaya’t hindi niya ako nahuli. Doon nagsimula ang asaran namin. Palagi ko siyang inaasar noon dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya ako mahuli-huli. Hanggang sa ang asaran ay nauwi sa pag-iibigan. Sad to say but your father, Yue, is not my first love. But he will always be my last,” aniya saka tumingin ng diretcho sa akin. Hindi naman ako makapagsalita ng may maalala akong lugar sa lugar na binanggit ni Mama. Agad na kumabog ang dibdib ko sa ala-alang iyon. “To make the story short, we fell in love despite the fact that we are different. The ship sails smoothly until Lucinda comes into the picture. She did everything to get what she wants and Cassius is one of those. Knowing the rules, she even tried to blackmail me, telling me that vampires will kill me for crossing the line but I didn’t budge. But being the hardheaded, I stick to what my heart feels. But then, she manipulated Cassius' mind just like that and he forgot about me. It was Lucinda’s gift. And Cassius is one of her unfortunate victims.”

“I was so devastated that time. Mahal na mahal ko si Cassius. Too much that I remained single even if he already had a family. Hanggang sa dumating nalang ang isang araw na bigla kong nakita si Cassius dito. Vampires were prohibited in this place. But he dared coming here to see me. He tried to win me back even though he’s aware that he has a family. He even asked me to elope with him. But I refuse him. Kahit na nakakaakit ang ideyang aalis kami at magsasama, hindi makakayanan ng konsensya ko ang sumira ng pamilya. And that’s when Lucinda got mad at me and blamed me for her deeds. Cassius came back to her asking for separation. And then I don’t know what happened to their family afterwards.”

Nakatulala lang ako kay Mama hanggang sa matapos ang kwento niya. Hindi ko akalaing may ganoon palang nangyari sa pagitan niya at ng mga Cayman. Ito pala ang dahilan kung bakit noong nakaburol si Papa ay hindi ko nakita si Lucinda. At ang kakaibang tingin ni Cassius kay Mama sa tuwing nakikita niya ito. Agad kong naalala si Kieran ngunit mabilis ko iyong pinalis. 

“Sad to say, Yue. Your father isn’tt my first love, but he will always be my last.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status