Share

Shot

Pumiglas siya sa hawak nito sa kanya nang hindi pa rin ito kumilos para bumaba sa kabayo niya.

Mahina itong napamura nang muntikan na siyang mahulog nang lumuwag ang hawak nito.

"Mavis, stop moving baka mahulog ka."

"I said get down!"

"I'll take you home—"

Hindi nito natapos ang sasabihin ng itulak niya ito. Muling lumuwag ang hawak nito sa kanya. Bumaba siya ng kabayo niya nang makawala sa hawak nito. Bumaba ang tingin nito sa kanya. She glared him.

"Sa'yo na ang kabayo na yan tutal ayaw mo namang bumaba diyan," sabi niya at tinalikuran na ito.

"Mavis!" tawag nito sa kanya. Narinig niya ang pagtalon nito mula sa kabayo niya at mabilis na paghabol sa kanya.

Hinablot nito ang braso niya para pigilan siya. Marahas na binalingan niya ito at walang pasubaling sinapak ito sa mukha na ikinabitaw nito sa kanya. Sapo ang pangang napatingin ito sa kanya.

Kanina niya pa gustong gawin iyon. Hindi, mali... una pa lang ay gusto na niyang gawin iyon rito matapos niyang malaman ang katotohanan. Hi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status