Share

Chapter 85

NANG SUMAPIT ANG GABI ay gumawa ng bonfire ang mga kalalakihan. Kagaya ng mga nakagawian nila dati, si Erie ay nag-gigitara at sinasabayan ni Jade ng pagkanta. Napaka-ganda talaga ng boses ng dalawang ito. 

Nakatutok lamang sa dalawa ang kanyang pansin ngunit kahit anong pakiusap niya sa sarili na huwag pansinin si Summer at Bastie ay sadyang nakikita pa rin niya mula sa kanyang peripheral vision na may pagkakataon na binu-bulungan ni Summer ang binata at bubunghalit naman ng tawa ito. Wala na yatang ginawa ang pagkakataon sa araw na ito kung hindi durugin ang kanyang puso! 

Tila ba kakalagay lang niya ng band aid kanina at sariwa pa ang sugat ngunit heto na naman siya nasusugatan at nasasaktan. Siguro isa sa mga araw na ito ay kailangan niya ng lakas ng loob upang kausapin si Bastie. Tungkol sa nakaraan. Dahil kung hindi pa siya kikilos ay baka tuluy

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status