Share

Chapter 86

KANINA PA NAKAHIGA si Ice sa loob ng kanyang tent. Matapos ang ilan pang kanta nila Erie at Jade ay nagpaalam na siya na magpahinga na muna. Bigla kasing bumigat ang kanyang pakiramdam. Lutang din naman ang kanyang isipan kaya hindi na rin siya makasabay pa sa mga biruan ng mga ito. Kaya imbes na pilitin ang sarili at kaysa mabansagan na KJ, mas minabuti na niya na magpahinga na muna sa kanyang tent. 

Siguro ay ramdam din iyon ng kanyang mga kaibigan kaya hinayaan na lamang din siya ng mga ito. Hindi na siya tinanong pa ng mga ito na lihim niya na ipinagpa-salamat. Siguro may isang oras din niyang naririnig ang mga ito na nagka-kasiyahan sa labas ng tent bago niya narinig na tuluyan ng nagsi-paalam na matulog ang mga ito. 

“Dyosa, I know you are still awake. Goodnight!” Narinig niyang wika pa ni Dean mula sa labas ng kanyang tent. 

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status