Share

Chapter 1

Blythe POV

You must trust him, blythe. 

Trust him.

Pinigilan ko ang mga luha ko hanggang sa malampasan ako nito. 

Lumabas akong nanghihina at nag tungo sa library para makita si chelsea. 

Inayos ko muna ang sarili ko bago ko ito hinarap

"o nanjan kana pala" nakangiting bungad nito. 

" kamusta ang pag aaral mo? " nakangiting saad ko at umupo sa harap nito. 

" eto ok lang naman, nga pala malapit na ang Senior Ball natin ah, may susuutin kana ba? " nakangiting saad nito. 

"yep, meron na at excited na ako sa araw na iyon" nakangiting saad ko dito. 

" buti naman, sige mag aral na tayo. " 

Papalipas ang mga araw ay papalapit na ang araw ng senior ball namin. 

"Love, sa susunod na araw na ang Senior Ball natin kaya excited na ako sa araw na iyon. " saad ko kay dark habang nakaupo kami dito sa hardin. 

Ito na rin kasi ang last year namin as college kaya gusto kong ispend ang bawat oras kasama si dark. 

Nakahiga ito sa lap ko ngayon kaya malaya ko itong natititigan. 

" love may tanong ako, kapag ba nakita ng babae ang boyfriend niyang nagloko tingin mo mapapatawad niya kaya ito? " out of nowhere na tanong nito na nagbigay ng kakaibang kaba sa dibdkb ko. 

" depende sa laki ng kasalanan niya pero umaasa akong hindi ikaw iyan love huh? " kinakabahang saad ko. 

Bahagya itong tumango na ikinangiti ko. 

Pinikit nito ang mga mata niya at yumakap sa tiyan ko, hilig nitong amuyin ang damit ko nakakatulog daw siya sa amoy ko. 

Paano ko ba idedescribe si dark?  

He's sweet and caring. Dati siyang playboy but he promise me na ako nalang mula ngayon. 

Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan niya sakin basta isang araw napalapit nalang kami sa isa't isa. 

Hindi ko rin pinagsisihan na may nangyari samin nung once na nalasing siya pero hindi na naulit iyon dahil naiilang na rin ako. 

Pinagmasdan ko ang mukha nito, kung titingnan pure filipino ang mukha nito dahil hindi siya masyadong maputi gaya ng ibang lalaki pero gwapo siya.

Mula sa matangos nitong ilong, makapal na kilay, mahahabang pilik mata at mapupulang mga labi. 

Nagpapasalamat akong nakilala ko siya dahil sa mga oras na ito, kontento na akong titigan siya ng malapitan.

Sana hindi dumating ang panahon na lokohin mo ako dark dahil kapag dumating ang oras na iyon baka hindi ko makayanan ang sakit na idudulot mo sakin. 

" gusto mo ba sunduin kita sa bahay niyo? " nakangiting saad nito sakin

Umiling lang ako bilang sagot. 

" nanjan naman ang driver namin kaya wag na" nakangiting sagot ko dito. 

Nandito kami ngayon sa secret garden ng school, wala kasi masyadong pumupunta rito kaya tinawag nila itong secret garden. 

"love, always remember that I will always love you no matter what" saad ni dark na ikina ngiti ko. 

" I love you too" nakangiting sagot ko dito. 

Lumipas pa ang ilang oras ay nanatili kami sa ganong posisyon hanggang sa nakatulog na ng tuluyan si dark sa lap ko. 

Nakangiti kong hinahaplos ang buhok nito.

Kanina pa ang uwian pero nagpaiwan kami dito para makapag usap. 

"love, five pm na. Umuwi na tayo" saad ko habang hinahaplos ang buhok nito. 

Minulat nito ang mga mata niya at tiningnan ako sa mga mata ko. 

Tanging ngiti ang isinukli nito at tuluyang umupo. 

" hindi kaba nangalay love? " nag-aalalang tanong nito sakin. 

Umiling ako bilang sagot.

Tumayo ako pero dahil sa sobrang pangangalay natumba ako sa mga bisig nito

" akala ko ba hindi ka nangalay? Napaka sinungaling mo talaga" saad nito at kinurot ang pisngi ko. 

" kaya ko naman eh" nakangusong saad ko dito. 

"sakay na" saad nito at umupo sa harap ko. 

"ok lang ako love, alam kong pagod kana" saad ko dito

"sumakay kana, kapag hindi kapa sumakay diyan baka abutin tayo ng hating gabi dito" saad nito kaya sumakay nalang ako sa likod nito. 

"sige bahala ka. " saad ko at sumampa sa likod nito. 

"thank you love, thank you for loving me . I trust you at nagtitiwala rin akong hindi mo iyon sisirain" nakangiting saad ko dito at mas lalong ko pa itong niyakap. 

Buhat buhat ako nito hanggang sa makarating kami sa kotse. 

" gusto mo ba munang mag dinner or ihatid na kita sa bahay niyo? " tanong ko dito. 

" hindi pa naman ako gutom love, magpahinga ka na lang at iuwi mo nalang ako" saad ko dito ng biglang tumunog ang tiyan ko na ikinatawa nito. 

"hindi pala gutom huh? Kain na muna tayo" natatawang saad nito sakin

Napalabi nalang ako sa sinabi nito, wrong timing talaga itong tiyan ko -,-

Quote: trusting too much will hurt you so much. Loving is also sacrificin

will the person you love is more worthy for the things you're going lose ?  

Think, you may not know that choosing him is also losing yourself 💕

Iyana's POV

Napalabi nalang ako sa sinabi nito, wrong timing talaga itong tiyan ko -,-

Pagkarating namin sa restaurant ay umorder ito ng pagkaraming pagkain

" ang dami naman niyan love" gulat na saad ko

" ikaw uubos niyan, diba sabi ko sayo wag kang magpapagutom" saad nito na tila nanenermon. 

"ang dami nito, hindi ko mauubos to love baka maging balyena ako sa pinapakain mo sakin" nakanguso kong saad na ikinatawa nito. 

"wag kang mag alala love, kahit butete pa yan tatanggapin kita" natatawang saad nito kaya hinampas ko ito. 

" tingnan mo ngayon palang pinagtatawanan mo na ako" inis na saad ko. 

"joke lang love, siyempre ayokong tumaba ka masyado kasi masama rin sa health yon at kapag tumaba kana sasamahan kita magdiet" nakangiting saad nito at sinubuan ako. 

"ang sweet naman ng boyfriend ko" nakangiting saad ko at sinubuan din ito

Pagkatapos namin kumain ay inuwi na ako ni dark. 

" ingat love" saad ko at h*****k sa pisngi nito.

Dark is the man dreamed by many women but he promise me that the person he will loved will only be me. 

Kinabukasan*

" Blythe come here!" sigaw ni chelsea sakin. 

" why? " tanong ko dito. 

" yung boyfriend mo pinagpipiyestahan ng kababaihan sa field! " saad nito at hinatak ako kung saan. 

May photoshoot ngayon si dark kaya baka iyon na naman ang pinuputok ng butsi nitong babaitang to. 

Pagkarating namin sa field ay nabungaran namin si dark suot and isang black suit habang nagtitilian ang mga babaeng makakita rito.

Ang gwapo talaga ng boyfriend ko kahit saan anggulo tingnan

" tingnan mo ang mga panget na inggitera na iyan oh! " saad ni chelsea at nagtatatadyak habang nakanguso. 

Napatawa nalang ako

" ano kaba hayaan mo sila, sasakit lang ulo mo kapag nakipagsagutan ka pa sa mga yan" natatawang saad ko at sinulyapan si dark na nakatingin sa gawi ko. 

Nginitian ko ito at kindat naman ang ibinalik nito na siyang naging dahilan ng ingay sa paligid. 

Bumalik na ako sa klase at hinatak si chelsea dahil baka malate na kami sa susunod na class namin 

"blythe ano ba, pinagpipiyestahan na kaya ang boyfriend mo hindi kaba susugod don? " saad nito skain habang hinahatak ko ito papunta sa susunod naming klase

" hayaan mo sila hanggang tingin lang naman sila at tsaka mas patay tayo kapag hindi tayo naka abot sa exam ngayon, ibibitin talaga tayo ni sir ng patiwarik" saad ko dito kaya tila natauhan ito

"oo nga pala, tara na bilisan na natin" nagmamadaling saad nito at ako naman ang dali daling hinatak kaya napahawak nalang ako sa noo sa tinuran nito. 

Pagkarating namin ay bigla naman kaming sinalubong ni kairo, ang study buddy and friend ko. Nerd ito kaya naman komportable akong kasama ito dahil parehas kami ng mga gusto. 

" hi kairo! " nakangiting saad ko at sinalubong din ito

"hello blythe" pormal na saad nito. 

Kahit nerd ito, hindi parin maitatago na gwapo ito

"asan na si sir? Napaaga ba kami? " tanong ni chelsea dito

"hindi, hindi raw siya makakarating dahil may biglaang emergency meeting ang lahat ng teacher " saad nito kaya napangiti nalang ako. 

"so, tara kain tayo" saad ko at lumambitin sa kamay nito.

Napailing nalang ito at pinitik ang noo ko

"aray naman! " nakangusong saad ko at tiningnan ng masama si kairo. 

"iwasan mo kakalambitin sakin baka isipin ng boyfriend mo kabit mo ako" saad nito sakin pero hindi ko parin inalis ang kamay ko sa braso nito.

" ayoko nga, kain tayo nina Chelsea sa labas kairo please" saad ko dito at nagpacute dito.

" nawala nga si iyana lumala ka naman" saad nito at pinitik na naman ang noo ko kaya napanguso nalang ako

"nakakahiligan mo ng pagdiskitahan ang noo ko ahh" tampong saad ko dito

"dapat lang sayo yan" saad nito at lumabas na kami.

Si chelsea naman ay hinatak ko rin

"hulaan niyo kung ano kakainin natin? " nakangiting tanong ko sa kanila

" street food" walang ganang sagot ng mga ito kaya napa ngiti nalang ako

"tama! " nakangiting sagot ko sa kanila

Pumunta kami sa pinakamalapit na street

Dinala na namin ang mga gamit namin dahil last subject na naman kasi namin yun. 

" hmm, mag mall kaya tayo after natin kumain? " suggest ko sa mga ito. 

"bawal! " sabay nilang sagot kaya napanguso nalang din ako. 

" at bakit naman? " tanong ko sa mga ito

" baka kasi mawala na naman sa paningin namin at matagpuan sa arcade kasama ang mga bata" saad ni Chelsea kaya napatawa lang ng bahagya si kairo

" ano naman masama, masaya kaya yon, eh kasi naman ayaw niyo ako samahan kaya yung mga bata na yung niyaya ko" nakangusong sagot ko sa mga ito

"dali na kasi! " pagpupumilit ko sa kanila

"no way! " sabay na sagot ng dalawa. 

Napanguso nalang ako sa inasta ng mga ito -,-

Qoute: love is unpredictable, and sometimes it can blind you

Blythe's POV

"Blythe, pinapauwi na ko ni mommy. Kita kita nalang tayo bukas, bye!!! " sigaw ni chelsea at nagmadaling umalis

"bored na ko" nakanguso kong saad at tumingin kay kairo. 

Napailing lang ito at piningot ang ilong ko.

"aray naman! " sigaw ko dito

" let's go, we'll go to the arcade " saad nito at nagpatiuna sakin kaya nakangiti kong sinundan ito

Pagkalipas ng ilang minuto ay nandito na kami sa arcade at naglalaro ng kung ano ano. 

"wahh!! Patayin mo dali!!! Bilisan mo kairo may promo sila baka makuha natin yung tumbler ! Dalii!! " masayang sigaw ko kay kairo na naglalaro sa harap ko. 

" you're too noisy, dinaig mo pa ang mga bata" saad nito na ikinanguso ko, napapalibutan kasi kami ng mga bata ngayon at ako ang may pinakamalakas na boses na sumisigaw dito

" kase naman eh! " nakangusong saad ko dito 

Maya maya ay natalo rin ito na ikinadismaya ko, sayang kasi ang tumbler, ibibigay ko pa naman sa kanya yun kasi lagi nalang tumbler ko ang iniinuman niya kaya madaling maubos ang laman. 

" pano ba yan, tumbler mo parin ang gagamitin ko" nakangising saad nito. 

" masaya ka pang hindi mo nakuha yun? Sayang talaga" dismayang saad ko

"don't worry Princess Blythe , hindi mo man nakuha iyon, may isang bagay ka naman na nakuha na mas importante don" nakangiting saad nito ay kinurot ang pisngi ko

"ano naman yon? " tanong ko dito

"hindi mo na kailangan malaman, pero hanggat nasasayo iyon hindi ako mawawala sa tabi mo" nakangiting saad nito at kinindatan ako. 

Tsk, ano kaya yun? 

" tara na, let's go home" nakangiting saad nito

" okey! Wait, si dark pa pala. He's waiting for me in the school garden. Mauna kana kairo babalikan ko lang siya" nakangiting saad ko at nagpaalam dito

Nagmadali akong umalis papunta sa garden, pagkarating ko ay nadatnan ko si dark na nakahiga sa favorite spot namin at natutulog. 

Nilapitan ko ito at umupo sa harap niya. 

Pinagmasdan ko ito ng maigi, mukha itong puyat at halatang walang tulog. 

Ano kaya ang ginagawa ng lalaking to. 

Bahagya kong tinaas ang ulo nito at inalis ang bag na pinagpapatungan ng ulo niya, pinahiga ko ito sa lap ko at bahagyang sunuklay ang buhok niya. 

Maya maya ay humarap ito sa tyan ko at niyakap ako na ikinangiti ko.

"i missed you" puno ng emosyon na saad nito. 

Hindi ko alam kung gising ba ito o nananaginip pero hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa sinambit nito. 

"araw araw tayo nagkikita pero namimiss mo parin ako" pabulong na saad ko, hindi parin maalis nag ngiti sa labi ko. 

Ilang minuto kaming nanatiling ganon ng bigla nitong imulat ang mga mata niya

"kanina kapa ba jan love? " tanong nito sabay kinusot ang mga mata niya na parang bata

" medyo, mukhang wala ka atang tulog ahh. May problema ba? " tanong ko rito

"wala naman love, medyo busy lang din kasi alam mo na graduating student tayo kaya lagi nang busy" saad nito sakin

Sa hindi ko malamang dahilan, bigla akong kinabahan sa paraan ng pag iwas nito ng tingin sakin.  

Para bang may mali. 

" tutal napag usapan narin naman natin ang graduation, anong balak mo after ng graduation love? " nakangiting tanong ko dito

" maliban sa pakasalan ka wala na akong ibang balak pa. Love please marry me" puno ng sinseridad na saad nito

Hindi ko maiwasang mapaiyak sa sinambit nito. 

"sobrang nabigla naman ako sa proposal mo" humihikbing saad ko. 

Sobrang saya ko, sobrang saya ko sa kadahilanang handa niya akong pakasalan. 

" wag ka munang umiyak, hindi mo pa nga ako nasasagot eh. Kinakabahan tuloy ako ngayon" nakangusong saad nito na ikinatawa ko. 

" I will marry you Dark Inozarde" nakangiting sagot ko dito. 

Nakangiti nito akong tiningnan at hinalikan ang noo ko.

Quote: you can always hold unto memories but not the person who gave you those memories

Blythe's POV

Nakangiti nito akong tiningnan at hinalikan ang noo ko.

" salamat love, thank you so much for loving me" nakangiting saad nito at hinalikan ulit ang noo ko

"ang sweet talaga ng boyfriend ko" nakangiting tugon ko dito. 

Pagkalipas ng ilang minuto ay nagpasya na itong ihatid ako sa bahay

" sige love, umuwi kana. Take care ok? " nakangiting saad ko at hinalikan ito sa pisngi

Kinabukasan

" asan na boyfriend mo? " tanong sakin ni chelsea. 

" may aasikasuhin daw siya kaya hindi siya makakapasok" sagot ko dito

Hindi parin mawala ang ngiti sa labi ko habang inaalala ang pagpopropose nito sakin.

" baka naman kung SINO ang inaasikaso niyan" saad nito sabay diin sa salitang "sino"

"alam mo ang bitter mo, kung may ibang babae si dark edi sana hindi nagpropose sakin yun" nakangiting saad ko dito na ikinalaki ng mata nito

" seryoso?! " saad nito sabay tili. 

Tingnan niyo parang kanina lang naghihinala ang babaitang ito tapos ngayon kinikilig.

" wag kang masyadong maingay" saad ko dito at sinubo dito ang isang buong tinapay nang hindi na makapag ingay

"tara sabihin natin kay kairo" excited na saad nito at hinatak ako palabas ng canteen. 

Habang papunta kami sa room ay nakasalubong namin sina kelly atang mga kaibigan nito. 

"oh hi blythe, kamusta na kayo ni dark? Balita ko may ibang pinagkakaabalahan na ang BOYFRIEND mo" saad nito sakin 

" anong ibig mong sabihin? " tanong ko dito. 

Wala akong nararamdamang kaba dahil alam kong hindi ako lolokohin ni dark. 

He's loyal to me at mas napatunayan niya iyon nung nagpropose siya sakin kagabi kaya walang dahilan para paniwalaan ko ang lahat ng kasinungalingan ni kelly. 

" remember when I say he's not serious about you? Malapit mo nang makita iyon blythe at kapag nalaman mo na , na niloloko ka lang niya isa ako sa mga taong tatawa sa kalagayan mo. Wag mong isipin na papatulan ka ni dark dahil wala ka pa sa talampakan ng paa ko" saad nito at tinalikuran ako

"at wag mo rin isipin na papatulan ka ni dark dahil kahit sinong lalaki alam kung gaano kabaho ang pagkatao mo" mataray na sagot ni chelsea dito

" ikaw! " saad nito kay Chelsea pero inirapan lang niya ito at hinatak ako palayo kina kelly

"bakit ba hinahayaan mong ganunin ka niya? Ang kapal ng ng mukha nanggigigil ako!" inis na saad ni chelsea

Kaya napatawa nalang ako

" hindi ko pinatulan dahil alam kong hindi naman totoo. May tiwala ako kay dark at magtitiwala ako hanggat hindi niya ko binibigyan ng dahilang iwan ko siya" nakangiting saad ko kay chelsea

"sana lang totoo siya sayo blythe dahil kahit kailan mo lang akong naging kaibigan , ang gusto ko lang maging masaya ka kaya iwasan mo magpakamartir dahil baka isang araw yan din ang dahilan ng sakit na pwede mong danasin" puno ng emosyong saad ni Chelsea. 

Damang dama ko ang sincerity sa mga salitang binitiwan nito , naalala ko tuloy si iyana. Bigla ko tuloy namiss ang best friend ko.

"thanks chelsea, don't worry kahit anong mangyari o dumating man ang panahon na maghiwalay kami, i promise na magiging ok ako" nakangiting saad ko dito para bigyan ito ng assurance na magiging ok lang din ang lahat.

"Nga pala blythe, magpapaalam na ako" saad ni chelsea na ikinabigla ko

" bakit san ka pupunta? " tanong ko dito

"tomorrow is my flight to italy, dun na muna ako pag aaralin ni mommy dahil nandun ang business namin na gusto nilang pamahalaan ko" malungkot na saad nito. 

Niyakap ko ito para mapagaan ang nararamdaman niya. 

"mamimiss kita blythe, kayo ni kairo" humihikbing saad nito

" kami rin , balitaan mo ako pag babalik ka na para naman masalubong kita ulit. Mag iingat ka dun ok? Gusto mo bang ihatid ka namin ni kairo sa airport? " tanong ko pero umiling ito. 

"ayoko, baka hindi na talaga ako makaalis" humihikbing saad nito. 

Pagkarating namin sa room ay sinalubong kami ni lkairo, sinabi na rin ni chelsea ang pag alis nito. 

" mag iingat ka dun, kapag may umaway sayo bumalik ka nalang dito para may kakampi ka na ulit ok? " saad ni kairo at hinawakan ang buhok nito, para na kasing bunso ang turing nito kay chelsea kaya minsan nagtatampo ako kasi ako naman talaga yung bunso sa aming tatlo. 

Buong araw ay puro kwentuhan ang ginawa namin para masulit ni chelsea ang oras niya dito.  

Kinabukasan

Nagpasya akong puntahan si dark sa condo niya para ayain mag mall. 

Bukas na kasi ang Ball na dadaluhan namin kaya gusto kong sabay kami mamili ng damit niya

"hi kuya guard nanjan po ba si dark? " tanong ko sa security guard dito sa condo unit nila. 

Palagi na rin kasi ako pumupunta dito kaya kilala ako nito .

" oo nanjan at may bisitang magandang babae" biro nito kaya tumawa nalang ako

Ganito kasi palagi bungad ni kuya guard sakin pag pumupunta ako dito 

"hayaan niyo kuya kung may magandang babae jan sa condo niya sigurado akong mga kaibigan niya yon" natatawang sagot ko at naglakad na papasok

Pagkarating ko sa may pinto ng condo nito ay hindi na ako nag abalang kumatok pa.

Napatawa nalang ako ng nadatnan kong wala pa akong naririnig na ingay.

Mukhang tulog pa ang damulag kong boyfriend ah. 

Nagtaka akong tila ang linis ng kusina nito, usually kasi sa umaga napaka dumi ng mini table nito sa kusina dahil hindi niya nililinisan after kumain ng dinner sa gabi kaya minsan pinagsasabihan ko iyon. 

Umakyat ako sa kwarto at dahan dahang itong binuksan para hindi ito magising

Pero isang surpresa pala ang naghihintay sakin sa loob ng kwartong to.

Blythe's POV

Pero isang surpresa pala ang naghihintay sakin sa loob ng kwartong to. 

Isang surpresang alam kong ikakasira ng relasyon naming dalawa. 

Nadatnan kong nakahiga si dark kasama ng taong alam kong pagtatawanan ako sa sitwasyon kong ito. 

Bumungad sakin ang h***d na katawan ni dark kasama si kelly na h***d din na nakayakap sa kanya at tila puyat na puyat pa.

Ito ba ang pinagpupuyatan mo dark? 

Kusa nalang pumatak ang mga luha sa mata ko, akala ko ba ako nalang?  

Nagkamali ba akong pagkatiwalaan ka dark?  

And with all women out, ang pinili mo pa talagang ikama ay ang babaeng halos tapakan akong parang basahan? 

Tinalikuran ko ang mga ito at nanghihinang lumabas sa condo unit ni dark. 

How could you dark? 

Bakit ako pa ang naisipan mong paglaruan dark? 

Pagkalabas ko ng condo unit ay tinawagan ko si kairo, my best friend 

" hello blythe? " panimula nito. 

Wala akong ginawa kundi humikbi.

Si kairo nalang ang maaasahan ko sa oras na ito, siya nalang talaga. 

Hindi ko alam kung sino ang pagkakatiwalaan ko. 

" why are you crying Blythe Samana?? " may diing saad nito

"tell me where are you? Susunduin kita" saad ni kairo sakin

"n-nandito ako sa condo ni dark, please kairo come here" umiiyak na saad ko dito

" ok I'll be there at ten minutes antayin mo ako sa Gate" saad nito at binaba na ang cellphone niya. 

Iyak lang ako ng iyak, ang sakit na ng dibdib ko pero hindi parin tumitigil ang mata ko sa pag iyak.

Pagkalipas ng ilang minuto ay huminto sa harap ko ang sasakyan ni kairo at lumabas ito nang may pag aalala sa mga mata niya.

" let's go, umalis na tayo dito" saad nito at inalalayan ako papasok sa sasakyan niya. 

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makarating kami sa may tabing dagat, hindi ko alam kung saan ito dahil nakatulog na ko sa kakaiyak. 

Lumabas ako at napaupo nalang sa buhanginan, umupo si kairo sa harap ko at tiningnan ako sa mga mata ko. 

" what happened? " tanong nito

" am i not enough for someone kairo? Bakit ganito ang mga tao sakin? Why is everyone keep hurting me? Ano ba ginawa kong mali! " umiiyak na saad ko 

" you're enough ok? Hindi lang sila deserving sa kung ano ang binibigay mo sa kanila. shh, stop crying " saad nito at niyakap ako

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa tila wala na akong lakas umiyak pa, mugto na ang mga mata at pagod na rin ako sa kakaiyak at kakasigaw habang yakap yakap ako ni kairo. 

Pagkalipas ng halos tatlong oras kaiiyak ay tinuyo ko na ang mga luha ko. 

" tara kairo, lets choose my gown. Ball na kasi bukas eh, gusto ko maganda ako" pilit na ngiting saas ko. 

Last na to, I promise this will be the last time na iiyak ako para sayo dark

Tinulungan akong tumayo ni kairo at humarap ito sakin. 

"After the ball, tama na ok? " saad nito sakin at hinalikan ako sa noo. 

Niyakap ko ito at bahagyang tumango. 

"I promise " saad ko dito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status