THIRD PERSON'S POV
"Tama nga sila. This competition is a no joke."
Matapos ang isang linggo, ngayon na magaganap ang pinakahinihintay na araw ng lahat. Ang finals ng Wielders of Charms. Kahapon nagsimula ang paghahanda ng lahat ng representatives para sa finals na ito kung saan kakalabanin nila ang defending champion ngayong taon na si Ahrina.
Noong quarters, natalo ni Ahrina ang isang fire mage na may fire breath bilang kanyang abilidad galing Malifent, warlock na may teleportation abilities na mula sa Townland, at light mage na may kakayahang basahin ang isip o telepathy na mula sa Bourgland, dahilan para umusad siya sa semis. Dito sa semis tinalo niya ang isang nature mage na may supersonic speed na mula sa Svien, lightning mage na may supernatural durability na mula sa Avenditia, ice mage na may power replication ability na mula sa Enchantrie, witch na may fear induce
AHRINA TANTIANA REGALIA'S POV Pagkamulat ko nang mga mata ko, isang hindi familiar na itsura ng kisame ang nakita ko. Dala ng pagkabigla, mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga at tinignan ang paligid. "Sh*t, nasaan ako?" Bumukas naman yung pinto and isang babaeng naka-plain black dress na umaabot hanggang ankle niya. Nagbow ito sa akin pagkasara niya ng pinto. "Sa wakas ika'y nagising na, Your Majesty. Ikinagagalak naming lahat na ika'y naririto ngayon sa kaharian ng Dreich. Bilang isang pagbati, nais kayong imbitahan ni Pinunong Hades sa almusal ngayon." Sh*ta, ano na naman itong mga paandar ni Headmaster? Kung masaya silang nandito ako, ako hindi. Paanong hindi ako magtataka sa paligid kung mabilis ang tibok ng puso ko na para bang may mali sa lugar na ito? Tinanguan ko na lang yung babae. "Sige." At pagkatayo ko, doon ko napansin ang
Pagkadating doon sa iisang hall kung saan ako kumain kanina, pinagbuksan lang nila ako ng pinto at mag-isa na ulit akong pumasok. Unlike earlier, there were people sitting down around a table, nearly a hundred, and they were all looking at me. As Headmaster stood up, everyone rose and bowed to me. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makapwesto na ako sa tabi ni Headmaster na nakaupo sa isang side facing the door. I also bowed at them at naupo na. "Hindi mo na kailangan pang magbigay-galang, anak ko." I faced Headmaster. "Pero iyon ang gusto ko." Napangiti naman siya pati na ang ibang kasama namin sa mesa. "Kung gayon, wala na akong magagawa kung 'di ang hayaan ka." Gusto ko nang bumalik sa Academy, hahayaan mo ba ako? Syempre hindi. "Tunay ngang katangi-tangi ang inyong anak, mahal na pinunong Hades." We both faced a woman spoke.
As early as I can, I woke up, gathering all the courage and strength I have. Kasi sa araw na ito, sigurado akong may magaganap maliban pa sa pag-announce sa akin bilang ang kauna-unahang babaeng tagapagmana ng trono ng Dreich. Wearing black silk long-sleeve floor-length dress and the same long coat I wore yesterday, I made my way to the dining hall of the Dark Castle along with my maids. One maid knocked on the door. "Narito na ang Your Majesty." Then they opened the door. I saw the same faces yesterday, though there are some na hindi ko nakita. I thanked the maids and walked going inside. Everyone stood up and bowed, paying respect. Headmaster welcomed me and guided me to my seat on his right. "Magandang umaga po sa inyong lahat," I greeted to them and bowed before sitting down. Headmaster spoke afterwards, "Nais kong makilala niyo ang aking nag-iisang anak at ang kau
A party happened after the so-called coronation dito parin sa Dark Fortress. A festive atmosphere greeted me as we went downstairs. One of the guards, I supposed, saw me and stood firmly. "Magbigay galang sa Prinsesa Ahrina," he announced, making everyone turn to me and bowed. Nanatili lang akong nakangiti at nagsalita. "Sige na, magpatuloy na kayo sa pagsasaya." Medyo robot din pala mga tao dito, ano? Gumagalaw lang sila ayon sa inutos. May mga pakiramdam pa ba sila? Nakakasakal din 'yung ganyan. "Ama!" sigaw ko nang makita si Headmaster Hades na naka-itim rin at may napakahabang cloak, mas mahaba pa kaysa sa akin at suot niya din yung korona niya. Humarap sila sa akin. "Anak ko, masaya ako at dumalo ka. Ang akala ko'y hindi ka mahilig sa mga ganitong kasiyahan." "Hindi ako mahilig sa ganitong selebrasyon, Ama, pero tingin ko, kailangan ko
THIRD PERSON'S POV Isang maligayang araw ang sumalubong kay Ahrina. Matagumpay niyang naikonekta ang bahagi ng kanyang isipan sa batang nagbigay sa kanya ng kwintas na bulaklak kahapon na si Damaris. Gumamit siya nang isang evil spell na nalaman niya mula kay Sorceress Halina noong nagpunta sila sa kaniyang bahay. Muling pumasok ang kanyang mga tagasilbi sa kanyang kwarto upang paliguan at bihisan siya. Sa pang-apat araw niya dito sa Dreich, unti-unti na siyang nasasanay sa ganitong trato sa kanya ng lahat. 'Liban sa siya ang anak ni Headmaster Hades at ang kauna-unahang babaeng tagapagmana sa trono ng Dreich, siya ang nag-iisang Mystic Princess na gagamitin sa Enchanted War upang masakop ni Headmaster Hades ang buong Demetria. Matapos isuot ang kanyang korona, lumabas na sila ng kanyang kwarto at nagpunta sa silid-kainan ng Dark Fortress. Gaya ng dati, mag-isa siyang pumasok sa l
Bumukas ang pinto ng kulungan at pumasok si Headmaster kasama ang lahat ng kasapi ng Societas de Malae Tenebrae. Wala nang lakas, balot na ng mga sugat, putlang-putla, at halos bumaha na ang dugo ni Ahrina kung saan siya nakakadena. "Ilang hampas ang ginawa niyo sa kanya?" tanong ni Headmaster Hades sa mga nakabantay kay Ahrina. "Isanglibo at isangdaan, mahal na pinuno." "Isanglibo at isangdaang hampas ng tali . . . Hindi ko inaakalang ganon pala kadami ang ginawa sa akin." "Mabuti. Tanggalin ang mga kadena niya." Pagkatanggal ng mga kadena kay Ahrina, kaagad na bumagsak ang katawan niya sa malamig na sahig na hinang-hina na at tila isang lantang gulay. May humila sa kanya patayo. "Dalhin siya sa Extraction Room." Extraction Room. Dito isasagawa ang pagkuha ng evil darkness gem na nasa loob ng katawan ni Ahrina na patuloy na nam
LIA EDWARDS' POV Lahat kami ay desperadong naghihintay sa paglabas ni Halina mula sa loob ng kwarto ni Ahrina dito sa ospital ng Academy. Nanatili lang akong nakatayo sa tabi ni Freesia na tahimik lamang ngunit patuloy ang kanyang mga luha sa pagtulo. Ang nakita namin kanina, masasabi kong isang bangungot. Nakalabas man si Ahrina mula sa madilim at nakakamatay na bayan ng Dreich, maliit na lang ang tsansa niya na mabuhay dahil sa dami, lalim, at tindi ng kanyang mga sugat. Mas malala pa ang estado niya ngayon kaysa noong sa Wielders of Charms. Hindi ko alam pero nalulungkot parin ako kahit alam ko nang mangyayari ang ganitong sitwasyon kay Ahrina at sa aming lahat. Alam kong aabot kami sa ganitong punto: yung hihintayin siyang magising dahil siya na lang ang natitirang pag-asa naming lahat. At oo, sinisisi ko ang sarili ko dahil sa kapabayaan ko. Nanga
Inabot ako nang dilim sa pagpapagaling kay Ahrina. Nawala na rin ang kanyang mga sugat at tanging mga marka ang naiwan. Mawawala rin ang mga iyon paglipas ng oras. Nagtagal ako sa pagpapagaling sa kanya dahil kailangan kong dahan-dahanin ang proseso. Maliban sa nag-iisa lamang ako, napakadami niyang sugat at mas lalong dadami at lalala ang kanyang sitwasyon kung ipipilit kong pabilisin ang paggaling niya. Nagpunta ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kaliwang kamay. "Ahrina, malapit nang matapos ang lahat nang mga paghihirap na ito. Wag kang mag-alala, gagabayan kita. Kaya pakiusap, gumising ka na sa lalong madaling panahon." Pagkalabas ko ng silid, naroroon parin silang lahat at tahimik na lumingon sa akin. "Maayos na ang lagay ni Ahrina. Marka ng kanyang mga sugat ang naiwan pero mawawala din ang mga iyon. Natutulog parin siya nang mahimbing." "Magsabi ka nga ng totoo, Lia." Tumayo mula sa