Share

CHAPTER 27.2: DAMETREIL SCHIZ

Inabot ako nang dilim sa pagpapagaling kay Ahrina. Nawala na rin ang kanyang mga sugat at tanging mga marka ang naiwan. Mawawala rin ang mga iyon paglipas ng oras. Nagtagal ako sa pagpapagaling sa kanya dahil kailangan kong dahan-dahanin ang proseso. Maliban sa nag-iisa lamang ako, napakadami niyang sugat at mas lalong dadami at lalala ang kanyang sitwasyon kung ipipilit kong pabilisin ang paggaling niya. 

Nagpunta ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kaliwang kamay. "Ahrina, malapit nang matapos ang lahat nang mga paghihirap na ito. Wag kang mag-alala, gagabayan kita. Kaya pakiusap, gumising ka na sa lalong madaling panahon." 

Pagkalabas ko ng silid, naroroon parin silang lahat at tahimik na lumingon sa akin. "Maayos na ang lagay ni Ahrina. Marka ng kanyang mga sugat ang naiwan pero mawawala din ang mga iyon. Natutulog parin siya nang mahimbing." 

"Magsabi ka nga ng totoo, Lia." Tumayo mula sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status