Share

Chapter 27: His Pretty Little Souped Up Four Wheel Drive

“Aaahhhhh!”

Halos mahulog ako sa kama ko kakabalikwas. Ang malakas na tunog ng alarm clock kasi ang bungad sa umaga ko.

“Kuya!”

Iritable kong binato ng unan sina Kuya Jared at Kuya Jaden. Hawak-hawak ni Kuya Jaden ang alarm clock na itinutok niya sa tainga ko kanina para magising ako. Isa pang unan ang ibinato ko sa kanilang dalawa noong hindi pa rin sila tumitigil kakatawa.

“Saan ka nagpunta kagabi? Anong oras ka naka-uwi?” tanong ni Kuya Jared

“Sino ‘yong naghatid sa’yo? Sinabi sa akin ni Manong Paul inihatid ka raw ng isang mapormang kotse hanggang bahay,” segunda ni Kuya Jaden.

Si Manong Paul iyong guard ng village. Siya iyong nakabantay sa gate noong naka-uwi ako.

“Nagpapaligaw ka ba?”

“Oi, ipakilala mo naman. Saan mo nakilala.”

Irritable kong tinignan ang mga kuya ko na niraratrat ako ng mga tanong. Tumayo ako mula sa kama ko at dali-daling tinungo ang banyo noong makita kong 7:30 na. Hindi ko na pinansin ang mga kapatid ko.

“Juancho, marunong nang makipagbastusan itong kapatid
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status