“NANDITO NA TAYO.”
Inayos ko pa ang itsura ko bago ako tuluyang bumaba at lumabas ng tricycle. Gaya rin ng sabi ni Kuya Tirso kanina ay hindi na ako nag-insist pa na magbayad.
“Thank you, Kuya,” sinsero ko na lang na saad kasabay ng isang matamis na ngiti.
Tumango siya. “Sige na, pumasok ka na.”
Nagpasalamat pa ako ng isa pang beses bago ako nagsimulang maglakad palayo.
Pero mayamaya lang din, hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko na sumigaw siya ulit. He shouted my name so loud, that even though I was already several feet away from him, I still got to turn my back.
“Mag iingat ka!”
Hindi ko alam pero nang sabihin niya ang mga katagang iyon ay nakaramdam ako ng kakaibang kilabot. I am already at my boyfriend’s house. Kaya mag iingat ako saan?
Umiling-iling na lang ako at pilit na iwinaksi sa isip ko lahat ng negatibong bagay na pumasok doon. Baka jino-joke time lang ako ni Kuya Tirso. Papadilim na rin kasi pero wala pa ring nakabukas na ilaw sa bahay nina Calvin. Maybe, Kuya Tirso thought of teasing me by means of scaring me.
Well, sorry ka. Hindi ako mabilis matakot and also, hindi ako naniniwala sa mga multo.
Napangiti pa ako.
Binilisan ko na rin ang paglalakad palapit sa kahoy na pintuan ng bahay nina Calvin. Kumatok lang ako, hindi ako nagsalita dahil balak kong i-surprise siya. I’m sure, hindi niya inaasahan na pupunta ako rito ng ganitong alanganin nang oras. Lalo pa at alam niyang may lakad din ako ngayong araw.
Pagkatapos ng ilan ko pang pagkatok ay wala pa ring sumasagot. Imposible namang walang tao rito dahil may ingay na nanggagaling sa loob.
Inilapit ko ang tenga ko sa pinto hanggang sa halos lumapat na ito roon. Lalo kong narinig ang may-kalakasang tugtog na nanggagaling sa loob nga ng bahay.
Napailing ako. Mukhang wala na naman dito ‘yung mga magulang niya, ah?
At mukha ring si Calvin pa ang mas natatakot sa sarili nilang bahay kaysa sa akin. Sa lakas ba namang music niya, eh. I’m sure, this is his way of comforting himself para maisip niyang hindi siya mag isa.
Napahagikhik ako.
Hindi ko namalayan na habang nakalapat ang mukha ko sa pintuan nila ay napahawak na pala ako sa doorknob. Aksidente ko ring napihit iyon at bumukas naman.
Dahil doon ay naisipan ko na lang na pumasok. I’m sure, wala namang magagalit. And if ever Calvin’s parents are here, I know they won’t get mad either. Kilala naman na nila ako as their son’s girlfriend.
Para panindigang “surprise” ang pagpunta ko roon ay dahan-dahan ang ginawa kong paglakad. I even tip-toed on my way to his room. Sinigurado kong hindi ako makakalikha ng kahit anong ingay---not even footsteps---kahit alam ko na hindi niya rin naman ako maririnig kung sakali dahil sa lakas ng tugtog na nagmumula sa kwarto niya.
“SURPRISE!” malakas na bulalas ko. I was even smiling so wide. Not until I saw them.
Nagtagumpay naman ang plano kong surprise. Iyon nga lang, hindi lang si Calvin ang mag isang nakatanggap ng “surprise” ko. Even my bestfriend Sharina. She benefited accidentally to my surprise. Gaya marahil ng aksidente niyang pag ibabaw sa boyfriend ko habang pareho silang hubo’t hubad ang katawan. Aksidente, dahil sure naman ako na alam niyang boyfriend ko ang lalaking iniibabawan niya ngayon.
Bigla ay hindi ako makagalaw. It seems like I suddenly got frozen in my tracks. I felt numb, but my body trembles. Naninikip ang dibdib ko at parang sasabog ang ulo ko.
“C-Cali? Anong… A-Anong ginagawa mo rito?” It was Calvin.
Bigla siyang nataranta pagkakita sa akin. Naitulak niya pa si Sharina na nasa ibabaw niya bago siya bumangon at dali-daling nagsuot ng boxers. Si Sharina naman ay prente pang humiga sa kama at nagkumot, nakangiti pa ang loka na para bang wala siyang ginawang mali.
“H-Hindi ba dapat siya ang tinatanong ko niyan?” nanghihina kong saad sabay turo sa best friend ko. “A-Anong ginagawa niya rito? Anong ginagawa niyo?”
“Look, Cali. Mali lahat---”
“Oh, c’mon, Calvin. No need nang magsinungaling ka kay Cali. ‘Di ba, ikaw na nga rin ang nagsabi na naghihintay ka na lang ng perfect timing para iwanan siya? Maybe, this is the best timing,” putol ng ahas---ni Sharina sa boyfriend ko. Or should I say, ex-boyfriend.
“Perfect timing?” usal ko. “Ibig sabihin, you’ve been doing this for a long time now?”
“Hindi---”
“Six months,” proud na pag amin ni Sharina. “Or seven months na yata? Gaano na nga katagal… babe?”
Lumipat ang tingin ko kay Calvin. Nakayuko siya.
“Six and a half,” aniya sa halos pabulong nang tinig.
Napanganga ako.
Hindi ko na siya inaasahan na sumagot. But he still did, which caused my heart to ache more.
“G-Ganoon katagal niyo na akong niloloko. How could you?” puno ng hinanakit na tanong ko.
Gusto kong umiyak. I badly wanted to. Pero nang dahil sa hindi ko maintindihang dahilan ay walang luha na lumalabas mula sa mga mata ko. Wala kahit patak.
Maybe my heart knows that these two didn’t deserve it?
“You know what, Cali, hindi ko kasalanan kung tanga ka at manhid na hindi mo nahalata ang nangyayari sa amin behind your back. It’s been what? Six months and a half pero hindi ka man lang nagduda?” nang-uuyam na wika ni Sharina. She even laughed in mockery. “Akala ko pa naman matalino ka.”
I turned my gaze on her. And with pure hatred I said, “That was because I trusted you two. Calvin and I have been together for two long years. At ikaw, best friend kita.”
“Calvin, babe, ayoko na ng maraming drama. Pwede bang paalisin mo na siya?” maarteng sabi ni Sharina kay Calvin imbis na sagutin ako. Her feet even reach for Calvin’s legs and it playfully wandered there.
Ang kapal talaga.
“Cali, sa labas na tayo mag usap---”
“No. Wala na tayong dapat pag usapan pa, Calvin. What I saw was more than enough for me to break up with you---”
“EH, ‘DI MAG-BREAK! T*** **A, SINONG TINAKOT MO?!”
Calvin’s tone immediately shifted from soft to demonic. Ang malungkot at tila nakokonsensya niyang mukha kanina ay napalitan ng nakakainis na pagngisi.
“You think, takot akong mawala ka? G***, SINO KA BA?” sabi niya pa.
“Yeah, that’s right? Sino ka ba?” gatong pa ni Sharina. “Ikaw nga ang dapat matakot kung tutuusin, eh. Kasi kayang-kaya ni Calvin na patalsikin ka sa CFS.”
Binalingan ko siya. “Oh, talaga? At bakit?”
“Kasi… siya lang naman ang palihim na biggest donor ng CFS. Hindi magfu-function ang Contessa kung wala ang tulong niya. So, basically, pwede ka niyang patalsikin doon anytime,” sagot niya. Bahagya pa siyang bumangon sa pagkakahiga niya at inabot sa gilid ang isang bag.
Napakunot noo ako.
Bahagya ko ring tinapunan ng tingin ang dala kong bag. It… kinda looks alike with that on her.
“See this? Binili ito ni Calvin para sa akin kahapon lang. Eh, ikaw? Binilhan ka ba niya ni minsan ng ganito? I doubt it. Pero ako, look at this. Designer bag ito, limited edition. Five hundred thousand pesos, straight from the States,” nagmamalaki niyang wika. Hinaplos-haplos niya pa ang bag na iyon at marahang dinampian ng halik.
Imbis na mainsulto ay napahalakhak na lang ako. Bagay na halatang ipinagtaka ng dalawa.
“Maiinggit na sana ako… pero sana, ch-in-eck mo muna ang authenticity niyan bago mo pinagyabang. Just like your… lover right there,” babala ko at nagpakawala ng isang matamis na ngiti. Well, it was a bitter-sweet smile. Inangat ko ang bag na dala ko. “This, is the real piece.”
Binato ko iyon sa kanya.
“Tingnan mo. And see the difference for yourself,” hamon ko pa.
Namutla si Sharina habang nanginginig niyang dinampot ang bag ko. Ipinag-compare nga ng bruha ang dalawang bag. Napatawa ako lalo.
“I-I’m sure, itong sa iyo ang fake. P-Paano ka naman makakabili ng… n-ng ganito kamahal na bag, ha? S-Sino ka ba?” nauutal na wika ni Sharina tsaka niya inihagis sa akin pabalik ang bag. Bumagsak iyon sa paanan ko pero hindi ako nag abala na kuhanin iyon agad. “C-Calvin, babe, sabihin mo sa kanya na peke ang sa kanya at iyong sa akin ang totoo---”
“ENOUGH, SHARINA! HUWAG MO NANG PALALAIN LALO ANG SITWASYON AND STOP YOUR CRAZY, F****** ANTICS!” biglang sigaw ni Calvin.
I was shocked, even Sharina was. Kung titingnan ito ay para na siyang ibang tao. Namumula siya, kung saan-saan umiikot ang mata, at iritable. It does looks like he’s… drugged.
Kinabahan ako bigla. Hindi dahil sa galit niya, kundi dahil sa isiping hindi siya ang Calvin na kilala ko ng mga sandaling iyon dahil nasa ilalim siya ng impluwensya ng ipinagbabawal na gamot.
Lalo pa akong nagulat nang sunggaban niya si Sharina.
“YOU…! I FOOLED CALI AND I CHOSE YOU KASI AKALA KO MAHAL MO RIN AKO. BUT TURNS OUT, I WAS WRONG. WALA KA PALANG IBANG GUSTO KUNDI ANG GATASAN AKO!” galit na galit at nanggigigil na sigaw ni Calvin.
Sinasakal na nito ngayon si Sharina habang ako ay tulala lang at hindi makapaniwala sa mga nakikita ko. Minutes before, they were making love. ‘Tapos ngayon, para nang hayop si Calvin na handang sakmalin at patayin si Sharina.
“AND YES, THAT BAG WAS FAKE. NAKUHA KO LANG IYAN FOR FIVE THOUSAND PESOS,” gigil pa ring sabi ng lalaki. “P-PERO, NAKAKAINIS! NAKAKAINIS KASI MALAKING KABAWASAN PA RIN IYON SA IBINAYAD SA AKIN NI MONICA!”
Ang kaba na nararamdaman ko at takot ay napalitan ng panlalambot. It was as if reality suddenly hit me hard. Really hard.
Ibinayad ni Monica? Is he pertaining to the same Monica I know? Ibig bang sabihin nito na siya ang dahilan kung bakit nabuking ang matagal ko nang sikreto? It was all because of him that Dad had to know everything. All because of his desire to please his other woman…
Isa-isa nang nagpatakan ang luha na kanina ay wala. And with all my anger, it seems like my everything around me is dark and blurry.
“CALVIN! BITAWAN MO SIYA! MAPAPATAY MO NA SIYA, ANO BA?!”
Napapitlag ako pagkarinig sa sigaw na iyon. It was… Kuya Tirso. Together with him was his wife and daughter.
Nataranta naman si Calvin, siguro ay hindi niya inaasahan ang presensya at biglang pagsulpot nina Kuya Tirso sa loob ng kwarto niya. Sinamantala naman iyon ng huli para mailayo si Calvin kay Sharina na ngayon ay nanginginig sa takot habang humihingal na umiiyak. Kuya Tirso pinned Calvin on the ground.
Si Pamela naman ay mabilis din akong dinaluhan.
“Okay ka lang ba? Nakwento sa akin ni Tatay ‘yung nangyari. Nakita niya rin nang dumating kanina si Calvin na may kasamang ibang babae rito kaya nag alangan pa siyang ihatid ka rito. No’ng nalaman ko, nag alala ako agad kaya ko sila inayang sumugod dito. Sorry sa pangengealam---”
Hindi ko na siya pinatapos magsalita at niyakap ko na lang siya ng mahigpit.
“No, Pamela. Thanks to you, you saved me. You saved us!”
***
AFTER A FEW MINUTES, POLICEMEN STARTED TO ARRIVE.
Dinala ng mga ito si Calvin, mapapatungan daw ng kasong attempted homicide at psychological offense to women. Maliban pa sa kaso niyang connected sa ipinagbabawal na gamot sa oras na mapatunayang nasa ilalim siya ng possession niyon nang gawin niya ang pagwawala niya kanina.
I was now sitting outside Calvin’s house. Katatapos lang ng mga pulis na kuhanan kami ni Sharina ng statement. Hindi na ako sumama sa presinto dahil ayokong mas lumaki pa ang involvement ko sa kaso kung sakali.
Nandito pa ako dahil hinihintay ko lang na bumalik sina Pamela at Kuya Tirso galing sa presinto. Isinama rin kasi sila for questionning tungkol sa akto na inabutan ng mga ito.
“C-Cali, I-I’m sorry. I-I know---”
“Save your words, Sharina. I don’t want to hear anything from you anyway.” I interrupted her coldly.
Muling nag-flashback sa isip ko ang mga tagpong naabutan ko kanina. Kung paanong n*******d silang parehas sa kama, she was on Calvin’s top, and… Gosh, Cali. Stop torturing yourself more. Ano ba?
“Cali, hindi ko naman sinasadya. Maniwala ka---”
“Hindi valid ang excuse na iyan when it comes to cheating. It was a choice, Sharina. Your choice,” pagdidiin ko. “Now, kung may natitira ka pang pagpapahalaga sa naging pagsasama natin, then let me forget about this and heal. Siguro naman maiintindihan mo if I would choose to cut you off my life. ‘Di ba?”
Hindi siya nakakibo agad. Hanggang mayamaya ay napatango na lang siya.
Tumayo na ako at naghanda sa pag alis.
I was about to walk away when suddenly, I remembered something.
“And by the way, the real secret donor of Contessa,” ani ko. Napatingin naman siya sa akin. Her face was covered in curiosity. “It was me, Calista Sanchez… Sy.”
Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya at kung paano siya napahiya.
Taas-noo na akong naglakad palayo sa kanya pagkatapos noon. I was smiling smuggly.
For the first time in my life, I used my family name to brag on someone. Pero ito na rin siguro ang huli. Ito na ang huling beses na ico-connect ko ang sarili ko sa mga Sy. After this, I will be gone. And when I come back, I will shock the world. Particularly those who trashed me for who I am now.
Drop your thoughts about CALVIN and SHARINA, mga 'miii! HAHAHAHA
“DUMATING NA ANG HINIHINTAY MONG SHIPMENT, BOSS! KUNIN KO NA BA?” Agad sinasal ng kaba ang dibdib ko matapos kong marinig ang malakas na boses na iyon ng isang lalaki. Oh, my gosh. Nasaan na ako?Inilibot ko ang paningin ko sa paligid---madilim. Sinubukan ko ring kumilos pero bigo ako. Then I realized… I was trapped! Nakabaluktot akong nakahiga ngayon sa isang matigas na sahig. Mahapdi ang mga kamay at paa ko, parehong hindi ko maigalaw dahil… nakatali ako!Nagsimula na akong mag-panic. Sinubukan kong sumigaw pero maging ang bibig ko ay nakatakip. May kung anong makapal na tela ang nakabusal ngayon sa bibig ko. Para bang alam ng kung sinumang kumuha sa akin na magdudulot ako ng ingay sa oras na magising ako.Wala na akong nagawa kundi ang mapapikit ng mariin habang umiiyak. Paano ba ako napunta rito?Pinilit kong alalahanin ang mga naunang nangyari bago ako magising at matagpuan ang sarili ko na nasa lugar nang ito.I was out with Pamela, celebrating the victory of the third fashion
6 YEARS AGO…“I CAN’T BELIEVE THIS. YOU JUST HUMILIATED ME, MS. SY. YOU HUMILIATED US.”Kusang nabura ang mga ngiti ko nang sabihin iyon ni Mr. Saavedra sa seryosong tono.Hindi pa man ako tapos sa pagpapaliwanag ng presentation na inihanda ko ay may ganoong komento na akong natanggap agad. And yes, I am already taking it as a negative comment. A sign na maaaring hindi maganda ang kahinatnan ng ginagawa kong ito.“W-What do you mean by that, S-Sir? Hindi niyo na po ba ako… papatapusin muna before you make your decision?” kinakabahang tanong ko.“No, no. Hindi na kailangan. I… Together with my constituents right here, already made our decision,” diretsang sagot nito.Nanghina ako. “I-Is that a no? Ibig po bang sabihin noon na hindi kayo mag-iinvest sa amin six months from now?”Hindi agad sumagot si Mr. Saavedra. Tiningnan niya lang ako ng mataman, tsaka siya tumingin sa dalawang kasama niya na tumango naman.“Maupo ka muna, hija,” utos niya na sinunod ko naman.Sa pagkakataong ito ay
“HOW COULD YOU DO THIS TO ME, CALISTA?! HOW DARE YOU DISOBEY ME?!”Kusang tumulo ang luha ko habang unti-unti kong nararamdaman ang sakit ng malakas na paglapat ang palad ni Daddy sa kaliwang pisngi ko. I was still in shock.“D-Dad, why?” puno ng pagtataka kong sabi at tinitigan siya sa naluluha kong mga mata. Gulung-gulo ako. I don’t know what was happening. ‘Di ba, dapat natutuwa siya dahil nakuha ko ang investor na matagal niya nang gustong mapa-oo?“EXPLAIN THIS TO ME, CALISTA. RIGHT NOW!” sigaw niya sa akin. Kasunod niyon ay naghagis siya ng ilang piraso ng may-kakapalang papel sa akin---maybe those were pictures.Tumama sa akin lahat ng papel na inihagis niya. One of those was even able to leave a thin paper cut on my cheek, same cheek where he slapped me. Aray.Yumuko ako at isa-isang pinulot ang mga larawan na nagkalat sa sahig. And when I saw those, I stood more shocked. Saan niya nakuha ang mga ito?Those pictures starred me wearing a simple plain blue shirt paired with whit
“Y-YOU’RE GOING TO DISOWN ME JUST BECAUSE… I-I FAILED TO BE YOUR PERFECT DAUGHTER? JUST BECAUSE I COULDN’T MARRY THE ONE YOU CHOSE FOR ME?”Hindi ko maiwasang makaramdam ng hinanakit dahil sa mga nasabi ni Daddy. Naiyak na lang din ako dahil sa bigat ng mga sinabi niya.“You don’t understand, Calista. You should’ve just told me the truth instead of telling lies after lies. Nasubukan ko pa sanang intindihin ka---”“No, Dad. You’ll try, yes. Pero hanggang doon lang. You never really got to understand me. Dahil para sa iyo, lahat ng gustuhin ko ay makakasira sa akin. While you, I have to do everything you want because that is what’s right.”Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob na sabihin iyon sa mismong harapan ni Daddy. I could see how he transitioned from being furious to being shocked. Even Monica’s face showed disbelief. Hindi ko naman sila masisisi dahil sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako naglakas ng loob na sagutin at kontrahin si Daddy. I was always “Miss Well-Be