Share

C45

Kylie's POV

Kinuha ko yung bagong labang damit na suot ko kahapon. Yung pang muslim clothes na galing pa sa matandang si Norudint, sana ligtas siya. Mabuti nga at nagkataong may laundry service ang hotel, despite its poor status.

Kinuha ko rin yung sabon at shampoo ni Thurstin. Maliligo ako, kating-kati na ako dahil sa alikabok. Tutal tulog naman ang bata at nasa ibaba si Thurstin. Pagkakataon ko na.

Pumasok ako sa C.R. As expected, mahina talaga ang tulo ng tubig sa shower. Wala rin namang bathtub kaya wala akong choice kundi yun ang gamitin.

Naghubad ako ng damit at tumapat sa tubig na every ten seconds bago muli tumulo. Baka limang oras bago ako matapos maligo nito haaaays.

Habang nakatapat ako sa tubig ay hindi ko maiwasang hindi isipin ang nangyari sa akin nitong nagdaang mga araw. Ni sa masamang panaginip ay hindi ko naisip na mangyayari sa akin ito.

Yung pagbagsak ng eroplano. Habulin ng mga bandido. Paglalakad sa desyerto. Habulin ulit ng mga bandido. Magkasakit at kung ano pa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status