Share

Chapter 5: Dani's Life

Dani's Point of View

Kapag ba mayaman ka wala ng problema? Kapag ba mayaman ka masaya na? Hindi naman 'di ba? Pero bakit ang mahihirap sobra-sobra ang nararanasan?

"Delia, tigil-tigilan mo muna ang pagce-cellphone diyan! Aba, e maghapon na iyan! Maghugas ka muna ng mga plato doon at nakatambak na. Itapon ko 'yang bagay na hawak mo!" bulyaw ni Mama kay Ate na tanging nanood lamang ng k-drama mula sa cellphone na hawak nito.

"Oo na! Oo na! Ang ingay niyo naman, Mama!" Inis naman nitong sagot ni Ate at padabog na naglakad.

"Sumasagot ka na, ah!"

"May bibig po ako!"

Dinig na dinig ko lang naman ang sigawan nila mama at ate mula labas hanggang dito sa kwarto ko. Kadadating ko lang galing school at ito ang naabutan ko. Kadalasan ganito ang naabutan ko, kaya medyo nasasanay na rin ako. Minsan kasi walang pasok ang ate kaya nandito siya.

"Dani, bilisan mo d'yan at magsaing ka na rin!" sigaw ni mama. Nagmadali ako at hindi na lang siya sinagot pa. 'Yon lang naman ang gawain ko sa hapon kahit na hindi ako marunong magluto sinisikap ko na 'wag masunog.

"Ano na naman 'yang pinuputak mo?" Bungad na tanong ni papa na kadadating lang galing trabaho. Simple lang naman ang trabaho ni papa at 'yon ay ang pagiging driver sa mayamang pamilya. Ginawa ko ang utos ni Mama, si ate naman parang babasagin na yata ang mga plato sa inis.

"Ate dahan-dahan baka makabasag ka pagagalitan ka na naman ni Mama," saad ko sa kan'ya.

"Nakakainis kasi, e ina ba talaga natin 'yan puro na lang pagkakamali natin 'yong nakikita niya!"

Natawa na lang ako sa sinabi niya pero totoo, mga mali na lang namin ang napapansin niya. Tinapik ko ang balikat ni ate. "Intindihin mo na lang ate saka ngayon ka pa ba magrereklamo?"

"Sabagay, tulungan mo na lang ako dito."

Tinulungan ko si ate. Ako 'yong tagapunas at nilalagay sa mga tamang lalagyan habang pinagmamasdan pa rin ang sinaing. Natatakot akong masunog o mahilaw.

Before of all, I'am Dani Lee. Half Korean half Filipino, pero dito kami sa Pilipinas lumaki. Ni hindi man lang ako nakatungtong ng bansang 'yan, pero may alam akong kaunting salita. Tatlo kaming magkakapatid ito'y sina ate Delia, kuya Delix at ako.

Hindi kami mayaman tulad ng mga Koreano at Koreana na kilala niyo. Puno ng pait, kahit na okay lang naman. Ewan ko ba kung bakit ako ganito. Dinadamdam ko masiyado ang pagiging mahirap.

"Dani, luto na ba 'yang sinaing mo?" sigaw ni mama.

"O-opo!" Hindi ako sigurado kung okay ba 'to o hindi.

"Maghain kana't kakain na tayo. Isasampay ko lang 'tong mga nilabhan ko!" sigaw niya at maya-maya ay pumasok sa kusina si ate at tinulungan akong maghanda. Saka namang pasok ni kuya Delix, kadadating lang niya galing school kasi naka-uniforme pa ito.

"Oh, Delix magbihis ka na at kakain na tayo. Ginagabi ka na sa pag-uw ah," ani ate Delia.

"Wala kang pakialam!" Inis na sabi niya at pumunta  sa ref para kumuha ng tubig. Ang sama talaga ng ugali nito!

"Tsk! Magbihis ka na nga lang at tawagin mo si Papa." Kahit naiinis si ate ay kalmado pa rin siya.

"Wala si papa may binili sa may labas,  nakasalubong ko siya kanina." Umalis na siya at sakto namang pasok ni mama. Napakabastos talaga ng kapatid kong 'yon pero mabait siya, pinagtatanggol niya ako sa school tuwing inaaway ako dati no'ng elementary pa lang kami pero ngayon? Cha!Never mind na lang. Kahit nga tulungan ako sa mga dala ko papuntang school ay hindi ako tinutulungan.

"Ba't ngayon ka lang, Delix? Madalas na 'yang gabi mong pag-uwi, ah! Baka nagsha-shabu ka na rin 'gaya ng napapanood ko." Panenermon pa ni Mama. Hindi siya sinagot ni kuya.

"Hayaan mo na lang, Ma." mahinahon kong saway. Kung tatanungin niyo kung bakit ganito ang pamilya ko-- ang buhay ko?Tinatamad ako magk'wento. The end.

'Yong mga sinasabi ni mama na nakakasakit kaya sinasagot namin siya. Tapos 'yong 'di mo naman ginawa ay sa'yo ibubuntong ang galit tapos kung ano-ano na 'yong pinagsasabi, hanggang sa bumalik na sa nakaraan. Hay!

Malaking very wrong 'yon para sa 'kin! Pero mabait naman siya. Nirerespeto pa rin namin siya, dahil siya ang ina namin. Our light house.

"Ma, alis na muna ako pupunta lang ako kina Peyn." Paalam ko habang nanonood sila ng Tv. Alam kong gabi na pero kasi hindi ako nakaattend kanina sa klase na siyang hindi alam nila Mama.

"Gabi na, ah. 'Di ba p'wedeng ipagpabukas 'yan? Magkikita pa rin naman kayo, e."

"Malapit lang naman po," dahilan ko.

"Payagan muna. Sige, 'nak alis na. Mag-iingat ka ha?" Si papa na siyang pinayagaan agad ako. Tumango na lamang ako saka lumabas ng bahay.

Mabait si Papa. Siguro do'n ako nagmana, clingy akong tao pero may limit. Mabilis din uminit ang ulo ko kapag wala sa mood. Sino ba namang tao na wala sa mood tapos hindi mainit ang ulo? Siguro ako lang.

Nakikita ako sa paaralan na masayahing tao pero pagdating dito sa bahay o ako lang mag-isa, binabalot ako ng kalungkutan. Binabalot ako ng dilim na siyang ayaw kong maramdaman.

"Peyn, nandito si Dani!" tawag ni Tita sa anak. "Iha, pasok ka nasa kwarto siya puntahan mo na lang." Pumasok ako. Mabait ang mga magulang ni Peyn, close ko nga 'yan, e kaysa sa sarili kong ina.

"Salamat po," sambit ko. Nginitian niya lang ako at umalis na sa harap ko.

"Leah! Clack! Halika na bibihisan ko na kayo!" Rinig ko pang tawag niya sa mga kapatid ni Peyn.

"Oi, anong ginagawa mo dito?" Gulat niyang sambit at umayos siya ng upo.

"Duh! Wala ako kanina sa room. Magtatanong ako sa'yo kung anong ginawa kanina." Umupo ako at tumabi sa kan'ya.

"Eh? 'Di kita napansin. Nasa'n ka nga pala kanina?" Tumayo siya at kinuha 'yong mga notebook na nakapatong sa study table niya.

"Tsk! Nagpaalam ako na pupuntang clinic pero hindi mo naman ako pinuntahan."

"Ayt, sorry. Kainis kasi ang kumag na ulagang iyon!" inis niyang saad. Kumunot naman ang noo ko sa biglang pagbabago niya ng mood.

"Bakit anong nangyari kanina?"

"Kung alam mo lang sumasakit din ang ulo ko."

Mukhang may nagyari kanina na hindi ko alam, ah.

Tsk!

"Ano ba kasing nangyari?!" kulit ko.

"'Yong bagong salta na anak kuno ng may-ari ng school."

"Oh?"

"Nakakainis siya, lagi niya na lang akong pinapahamak mabuti na lang nakakagawa ako ng mga reasons. Nagamit ko 'yong skills ko sa pagiging late!"

"Ows. Bakit naman may ginawa ka siguro 'no?" asar ko. Mukhang wala pa rin siya sa mood ngayon.

"Gag* ka ba? Wala ako sa mood para gumawa ng kung ano kanina!"

Kinuwento niya sa akin simula sa una hanggang sa last period naming klase at may by pair daw at kapartner ko si Thea the paders of my life char! Kaibigan din namin siya ni Peyn.

"Trip ka na niya, Peyn."

"Hindi magandang trip 'yon! Nakakainis! Anak ba talaga 'yon nang mag-ari ng school? Parang nakahithit, e!" Masama na 'yong mukha niya. Grabe nga siguro ang mga ginawa ng lalaking 'yon.

May lahing black belter itong si Peyn. Joke! I don't know but she's really good at punching, kicking and whatsoever! Kaya naman ay binansagan siyang punchy girl and late comer. Palagi kasing late, e.

"Easy lang," saway ko at tumawa. "'Yon nga, napapansin ko na kakaiba siyang anak kaysa sa ibang anak nang may-ari ng school---"

"Anong iba?"

"Wait lang kasi ako muna!" angal ko. Magkukwento pa ako, e! "Ano... siya kasi parang pantay lang 'yong tingin niya-- 'yong iba kasi dapat sila 'yong batas dahil sila 'yong may-ari, gano'n!"

"Easy mo mukha mo! At anong iba? Paano?Pare-parehas lang naman ang mga iyan! At saka partner ko siya sa pairing kay ma'am Prin, Dani!" Gigil niyang inilatag sa kama niya ang mga hawak niyang notebook. "Nakakap*tragis lang 'di ba? Mabait naman ako, Dani 'di ba? Hindi na ako nali-late, hindi na rin ako nanununtok o naninipa kapag may nang-iinis sa akin, 'di ba?Nagbabago na nga ako tapos ayan siya't dumating pinagtitripan ako!"

"Problema mo do'n? Saka tigilan mo nga 'yan. Nawawala beauty mo, e." Pumikit siya, siguro pinapakalma niya ang sarili niya gan'yan 'yan, e para 'di makapanakit ng tao. She need to control herself.

Way kuno ng kan'yang pagbabago. Nakikita ko naman at napapansin sa kan'ya. Nauuna na siyang dumating sa school minsan magkasabay kami at hindi na rin siya nanakit ng ka schoolmates namin maging kaklase namin.

"Okay change topic. Ang mga ginawa kanina ay 'di naman mas'yadong importante kaya tara umabsent bukas," seryoso niyang sambit. Bumalik na siya sa dati ang bilis niya magpalit ng mood, ah.

"Sira ka! Anong umabsent? 'Di na nga ako naka-attend kanina tapos a-absent pa?"

"E 'di ikaw ang---"

Naputol ang sasabihin niya at sabay kaming napatingin sa pintong bumukas.

"Peyn, Dani, magdessert muna kayo," sambit ni Tita na may dalang cake.

"Saan galing, Ma?"

"Dala ng papa mo."

Tumayo si Peyn at kinuha 'yong dala ni Tita at binigyan ako. Iniwan na ulit kami ni Tita, para makapagk'wentuhan at magreview ng dapat review-hin dahil panigurado may mga nakaabang na namang test itong si ma'am Bella.

"Tita, Tito, uuwi na po ako." Paalam ko sa mga magulang ni Peyn na nanonood ng Tv.

"Gabi na, ah. Dito ka na matulog," sabi ni Tito na nililipat ang Tv sa ibang channel.

"Naku! Hindi na po. Salamat na lang."

"Dito ka na nga lang matulog, Dani! Ngayon ka pa mahihiya, ha." 'Langya talaga 'tong si Peyn. 'Pag ako mapagalitan ng mga magulang ko patay ka sa akin!

"Kung iniisip mo ang mga magulang mo. Ipagpapaalam kita, akin na ang cellphone mo."

"Po?" gulat kong tanong pero iniabot ko na lang 'yung cellphone ko at dinial niya ang number ni Papa. Mabilis lang naman 'yon makita dahil nasa una 'yon ng contacts.

Maya-maya ay ibinalik na sa'kin ni Tito ang cellphone ko.

"Okay na, magsitulog na kayo. May pasok pa bukas."

"'Di kami papasok bukas. Nilalagnat kami," sabi ni Peyn at tumalikod na. "Hindi ba, Dani?" pahabol niyang tanong na hindi lumilingon sa gawi namin. Yeah, masakit ang ulo ko pero hindi naman ganoon kalala.

"Ipapa-ospital na ba namin kayo? Tsk!" sarkastikong sigaw sa kan'ya ni Tito. "Itigil mo 'yan Peyn, ha. Idadamay mo pa si Dani diyan sa binabalak mo!" Palibhasa itong si Peyn no'ng elementary palaging nagkacutting classes. Hay!

"Gusto niya din naman!" tumatawang sagot ni Peyn, sumunod ako kay Peyn at hinampas ang likod nito. Napatingkayad naman siya dahil ang lakas ng tunog ng likod nito sa pagkakahampas ko.

"T*ng ina, Dani! Masakit!"

"Sorry, siraulo ka, e!"

"Tss."

Kinabukasan ay maaga akong nagising at umuwi. Masama pa ang tingin sa akin ni mama noong dumating ako sa bahay hanggang sa nagpaalam ako.

Pagkadating ko sa school habang naglalakad ay nakasalubong ko si Leeslie

"Oi, Dani may meeting tayo mamaya sa Inazuma Department pumunta ka, ha." Saad niya. Ano naman kaya ang pagmimeetingan mamaya?

"Okay, what time?"

"Lunch."

"Salamat."

Tumango lang siya at tumakbo na pabalik sa kabilang building. Nagpatuloy naman ako sa paglalakad papunta sa room namin. Nadatnan ko si Peyn na busangot na naman ang itsura. What's her problem again?

"Oi, maaga kang tatanda niyan. Ayusin mo nga 'yang itsura mo," sabi ko sa kaniya kasi 'yung noo niya kunot na tapos 'yung kilay parang magsasama na yata sa sobrang salubong.

"E, nakakainis kasi ang aga-aga niya mantrip, baliw ba siya?! 'Di yata 'yon nakakain ng almusal!" Dabog niya sa mga gamit niyang-- 'di ko alam kung inaayos niya ba o ginugulo lang?

Binadtrip na naman siguro 'to ni Throng na 'yon. Nasaan nga ba 'yon? Ba't wala dito sa room?

"Chillax lang. 'Wag kang mabadtrip lalo ka nga no'ng babadtripin. Ang kyut mo kayang badtripin," tumatawang asar ko. Totoo naman kasi kaya nga minsan inaasar ko din siya, e.

"Ay ewan! Kung gusto niya ng trip, e di sige. 'Di ko siya uurungan!" humalakhak pa siya. Ayon lang! Multipolar na yata 'tong si Peyn.

"Para kang mambabarang umayos ka!"

"What the fudge, Dani! Ako? Mukhang ano? Umalis ka sa harap ko baka mabarang talaga kita!"

"Tumigil ka! Para kang 'di babae, e!

"Mga hangal! Sige, magmurahan na lang kayo diyan at 'yong mga b****a do'n nagmumurahan na din. Mga gagang 'to, tara na maglinis." singit ni Thea. Ang kj naman nito!

Napagalitan tuloy kami ni class Pres dahil sa mga mura namin. Mabuti na nga lang at wala pa ang adviser namin.

Hindi kasi private ang school na 'to kaya kami mismo ang naglilinis pero maayos naman 'yong mga studyante dito parang private lang kasi maayos 'yong pagtuturo nila sa mga students. Pero may mga stupidyante pa rin na ayaw umayos at gusto lagi ay gulo kaya napapapunta sa guidance. Katulad ni Peyn dahil sa mainitin niyang ulo kaya nakakapanakit at pagiging late comer niya. Palaging nasa guidance.

Tumatawa kaming naglakad sa assigned place kung saan kami maglilinis. Bumalik na siya sa pagiging masayahin si Peyn, nitong nakaraang araw parang bukal na sa loob niya ang ngumiti, tapos ayos na din ang pakikitungo ng pamilya niya sa kan'ya. How I wish that's mine, too.

"Oi, malapit na 'yong intrams natin saan kayo sasali?" basag ni Thea sa katahimikan habang nagwawalis sa kanal, ang tatamad kasi ng mga lalaki tamang tagatapon lang ng b****a. Tsk!

Saan nga ba ako sasali? Siguro sa volleyball na lang o p'wede ding 'wag nang sumali wala namang mawawala sa 'kin, e. Siguro madami na namang tao dito. Tulad last year ang dami. Nakakaalibarbar sila sa dami. Ayoko kasing madaming tao pero hindi maiiwasan kasi may mga labanan na magaganap. Eskwelahan naman kasi ito, Dani!

"Hindi na lang siguro ako sasali, manonood na lang ako o basta may magawa sa araw na 'yon," sabi ko sa kanila at nagwawalis pa rin. "Saka remember kasali ako sa Inazuma Department." paalala ko sa kanila.

"Tamang nood na lang din siguro ako. Bakit ikaw may sasalihan?" tanong ni Peyn kay Thea.

Siraulo talaga 'to!

"Wala din. At saka nakahithit ba kayo ng katol? Alam niyo namang bawal sa'kin ang mga gan'yang games."

May sakit si Thea kaya bawal sa kan'ya ang mapagod o anuman.

Mahina kasi ang puso niya at habang nag-uusap ay may biglang nambulabog sa amin.

"Peyn!!"

"Oh--- P*ta!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status