Throng's Point of View
Dalawang araw na ang nakalipas simula no'ng nakasabayan namin ang tatlong magkaibigan sa supermarket. Naisipan kasi namin na subukan ang ganoong uri kahit na mayayaman kami. Nagsimba din kasi kami kaya, dumaan na rin kami sa supermarket. At ngayon, araw ng miyerkules p.e subject namin kaya heto kami at magpapalit na ng pam-p.e na damit.
Pakiramdam ko ngayon ay ako 'yong principal... I mean ang Lolo ko. Pinagmamasdan ko kasi lahat ng mga estudyante na lakad dito, lakad doon ang ginagaw
Throng's Point of ViewMabilis dumaan ang maghapon at ngayon na 'yong oras na susunduin niya ako. Hindi na nga ako nagdala ng sasakyan dahil do'n.Nandito lang ako sa labas hinihintay siya. Marami na ring mga tulad kong estudyante ang lumalabas at umuuwi na sa kani-kanilang bahay. Mag-pa 5pm na rin ng hapon at wala pa rin siya. Ti-next ko siya kung nasaan na siya pero hindi naman nagrereply. Tinawagan ko na rin siya pero hindi rin sumasagot. 'Yong totoo, gusto ba talaga niya akong makita? Nakakainis din maghintay!Alas singko sakto ng hapon ng tumingin akong muli sa relo ko at wala pa rin siya. Mukhang wala na nga yatang mga estudyante dito at ako na lang 'yong natira at ang mga guro. Umuwi na rin kasi ang dalawang ugok kasi darating daw ang mga magulang ni Steve sabay-sabay daw silang magdidinner. Tapos itong si Blessy may kaunting party daw sa kanila kasi bagong dating daw ang pinsan niya. Kaya pinauna ko na sila dahil sinabi ko na ngayon kami magkikita
THRONG POV."Good evening, Tita," bati ko sa mommy ni Blessy na siyang sumalubong sa amin. Ang daming tao akala ko ba kaunti lang? Sira talaga ang isang 'to. Hinayaan ko na lang dahil nag-uusap sila ng kanyang mommy at hinahanap naman ng mga mata ko ang dalawa kong kapatid baka kasi lasing na saka sasabay ako sa kanila kasi wala akong dalang sasakyan. "Sige, Mom, ipapakilala ko lang si Throng sa kanila," rinig kong paaalam niya kay Tita. Naglakad kami papunta sa likod ng bahay nila kung saan may mga taong nag-iinuman. Siguro mga kaibigan ng pinsan niya. "Uy, Blessy, nandito na pala kayo. Hi, Steve and..." Napatigil naman siya pagdating sa akin. Mukhang nagulat siya nang makita ako. Kumunot naman ang noo ko, hindi naman ako multo para katakutan
PEYN'S POV.Ilang linggo ng hindi pumapasok sa School si Throng at ako ang napapagalitan ng guro namin? Gago lang 'di ba? E, kesyo daw ako 'yong nag-aassist no'ng mga araw na nahuli siya sa klase. 'Di ko alam kung ilang beses na akong nakakapagmura sa isip ko. Oo, ako ang nag-aassist sa kanya before pero hindi ko obligasyong alamin kung anong nangyayari sa buhay ng tayong iyon. Nakakainis talaga si ma'am Bella kung wala lang akong respeto sasagot sagutin ko iyon, e.Kung wala lang ako sa stage ng pagbabago nasa guidance na naman ako."Oi, kayong dalawa nasaan ang gunggong niyong kaibigan?" pasigaw kong tanong kina Steveat Blessy na kumakain ng lunch dito sa canteen. Nakakainis tuloy lalo nang makaramdam ako ng gutom. Naalala ko kape lang 'yong i
PEYN'S POV.Bumalik sa pagpasok si Throng na feeling close sa akin. Tsk! Nakahinga ako ng maluwag dahil parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang wala ng tanong nang tanong sa akin. Sino ba naman ang matutuwa no'n 'di ba? Tanong dito, tanong doon?"Hello, kups! Namiss kita," bungad sa akin ni Emman. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakapunta dito dahil busy na kami ni Dani."Hi, namiss din kita. Makikitulog ulit ako dito, ah?" Paalam ko. Wala ako sa mood ngayon para makigpag-usap sa kanya kahit na gusto ko. Napansin kong nalungkot ang mukha niya.Sorry, Emman sa loob loob ko."Okay, mukhang wala kang pahinga. Gigisingin na lang kita." Hindi ako sumagot at naglakad na lang papunta do'n sa pwesto namin palagi. Ilang oras lang ang tulog ko kaya ganito ako. Idagdag mo pa ang sakit ng ulo ko. Hayst!Naglagay ako ng heads
"Peyn, manatili ka sa tabi ko, please?" parang bata na wika ni Throng. He's lying in a hospital bed."Throng, babalik naman ako, e. Kukuha lang ako ng exam ang overreacting mo mas'yado." Natawa s'ya at saka kinuha ang kamay ko at hinalikan."Joke lang naman baka kasi pagkatapos mong kumuha ng exam hindi ka na babalik." Napangiwi ako. Bakit naman hindi ako babalik, aber? Siraulo talaga, e."So, good luck for your exam, babe! Aja Aja Hwaiting!" dagdag niya pa."Yeah. Thank you. I'll be back later, bye!"I left him with a smile on both faces but when I get back, nawala ang mga 'yon. Because everything has changed.Kung dati ay nasa maayos pa s'yang kalagayan, ngayon ay hindi na. Halos hindi mo na s'ya makilala pa dahil sa balat nitong nag-iba na."You're back. I miss you," hinang-hina n'yang wika. I didn't answer. Instead
Peyn's Point of View"Ma, aalis na ho ako." Paalam ko kay mama na nagwawalis sa likod ng bahay. Gawain 'yon ni Mama tuwing umaga dahil hukod sa simple lang ang bahay namin ay masiyadong malawak din ang bakuran namin.Hindi kami mahirap hindi rin mayaman, sakto lang para mabuhay at makakain sa araw-araw. Malapit lang din naman kami sa paaralang pinapasukan ko, kaya hindi na ako nanghihingi pa ng pera. Walking distance pero palagi pa rin akong late. Hindi naman ako mabagal kumilos, tsk!Hindi ka estud'yante kung 'di ka nali-late."Good morning, Ma'am." Singit ko sa discussion'g nagsisimula na. Late na naman kasi ako ng five minutes. Hay!
Peyn's Point of View"Sir, papasukin n'yo na ako." Pagpupumilit ko sa guard. Mali-late talaga ako nang tuluyan kung 'di niya ako papasukin. Flag ceremony na rin."Miss, 'yong ID mo kasi ipakita mo na." Natampal ko na lang ang mukha ko sa kalutangan kaya pala ayaw akong papasukin!"Ito na, Sir. Tabi!" Nagmamadali akong pumunta sa linya. Wews!Natapos ang flag ceremony at kung ano-anong pinagsasabi sa stage ay wala akong naintindihan kahit isa hanggang sa bumalik sa room."Peyn, sabog ka na naman." Salubong sa akin ng kaklase kong malapit sa pinto nakaupo
Throng's Point of ViewAfter ng pag-uusap namin kanina nila Lolo and Dad ay umuwi na ako dahil sa inis. Bakit ba kasi nila ako pinipilit na pumasok sa mismong paaralan namin? Ayoko! Hindi ko kasama ang mga kaibigan ko at siya. I want to be with her."Bregs, free ka ngayon?" tanong ko sa kabilang linya. Alam kong may klase sila ngayon nagbabakasakali lang naman ako."Yeah. May klase ako. Later bregs, puntahan ka namin d'yan.""No, 'wag na. Nagtanong lang ako."Kahit na alam kong may klase sila ay nadismaya pa rin ako.