Share

Chapter 2: Sa Guidance

Peyn's Point of View

"Sir, papasukin n'yo na ako." Pagpupumilit ko sa guard. Mali-late talaga ako nang tuluyan kung 'di niya ako papasukin. Flag ceremony na rin.

"Miss, 'yong ID mo kasi ipakita mo na." Natampal ko na lang ang mukha ko sa kalutangan kaya pala ayaw akong papasukin!

"Ito na, Sir. Tabi!"

Nagmamadali akong pumunta sa linya. Wews!

Natapos ang flag ceremony at kung ano-anong pinagsasabi  sa stage ay wala akong naintindihan kahit isa hanggang sa bumalik sa room.

"Peyn, sabog ka na naman." Salubong sa akin ng kaklase kong malapit sa pinto nakaupo na si Eddie. Ngumiti lang ako at nagtuloy sa paglalakad hanggang sa upuan ko.

Nagtanong pa si Dani kung may sagot na daw ako sa assignment namin sa unang subject pero, tanging iling lang ang sinagot ko sa kan'ya.

Hanggang nagsimula ang klase at natapos ay sabog pa din ako dahil bukod sa late ay kulang ang tulog ko. Ang tagal kong makatulog kagabi  kahit na wala naman akong iniisip o pinagkakaabalahang iba para manatiling gising ang kaluluwa.

"Dani, halika samahan mo 'ko." Anyaya ko sa kaibigan ko.

"Bakit bibili ka? Libre!" tuwang-tuwa niyang sagot at agad na inayos ang pinagkakaabalahan niya.

"Sira! Wala akong pera."

"Walang bago, psh!"

Umismid ako. S'ya 'yong marami na ang ipon ayaw manglibre at sa akin pa gusto. Tsk!

Dadalhin ko siya sa Library. Alam kong magugustuhan n'ya do'n dahil parehas kaming mahilig matulog, hindi ang magbasa.

"Ano 'to?" Napakunot ang noo ko sa tanong n'ya.

"Library,"  walang gana kong sagot.

"T*nga!" mura niya sa akin sabay batok. "Alam ko! Ibig kong sabihin mayro'n pa lang ganito dito."

"Kaya nga nandito tayo, e."

Palibhasa nahuli ng pasok kaya hindi n'ya alam ito. Nitong nakaraan ko lang din 'to nalaman kasi bagong tayo.

"Owcakes!" masigla pa sa akin niyang tugon. Alam kong matutulog na naman ito.

Nagpatuloy kami sa pagpasok at nakita ko naman si Emman  na nagma-mop.

"Oi, wassup?" tawag pansin ko rito.

"Hi, wassdown!" nakangiti namang balik nito na halatang nang-aasar.

"Sira!" Sabay batok ko sa kan'ya.

Dumaing pa ito pero hinayaan ko na lang. Pinagpatuloy n'ya ang kan'yang ginagawa samantalang kami ni Dani ay umupo na sa p'westo ko palagi.

"Matagal na kayong magkakilala no'n?" biglang tanong ni Dani.

"Hm-hm," umiling-iling ako sa kan'ya. "Nitong nakaraan lang no'ng nakita ko ang library na 'to. Ang ingay nga e tulad mo."  Pagkuk'wento ko.

"Oi, may hangganan ang kaingayan ko 'no!"

"Pft! Okay, teka ipapakilala kita. Emman, halika muna dito saglit," mahinang tawag ko. Nangunot naman ang noo nito at luminga-linga pa sa mga estud'yanteng  tahimik na nag-aaral. Nag-sign s'ya sa kamay nito bilang pagpapatahimik sa akin habang naglalakad  papunta sa gawi namin.

Arte nito, hindi naman naistorbo e.

"Bakit?"

"Si Dani, kaibigan ko. Dani, si Emman taga-bantay ng library na 'to tagakabilang building." Pakilala ko.

"Hi/ Hello," sabay pa nilang bati sa isa't isa.

"Kaklase mo si kuya Delix? Delix Lee full name," tanong ni Dani. Oo nga, magkaklase ba sila?

"Yeah. Kapatid mo?"

"Malamang!" singit ko. Tinawanan naman niya ako dahil sa biglaang singit ko.

Matapos ang pagpapakilalang 'yon at k'wentuhan saglit ay nagpatuloy na siya sa kan'yang ginagawa  at natulog naman kami ni Dani. Nagulat na lang ako na may kumukulbit sa akin.

Ano ba naman 'to!

"Ugh, bakit?" tanong ko. Nakapikit pa ang mata at uminat saka humikab.

"Ano 'yo--- ay kamote!" bulalas ko. Nakakagulat naman s'ya. Pa'no ba naman lapit na lapit mas'yado ang mukha. Baka maamoy hininga ko.

"Ate Peyn, pinapatawag po kayo ni ma'am Bella sa guidance."

Huh? Ano na naman ang ginawa ko?

"B-bakit daw?"

"Napag-utusan lang po ako, Ate. Sige po may klase pa po ako."

"Okay. Thank you!"

Tumango naman lang siya at dali-dali nang lumabas ng library. Binalingan ko ang kaharap kong tulog pa.

"Oi, gising! Dani, may langaw na sa bunganga----"

"Nasa'n? Nasa'n?" Hindi magkaintindihan s'yang kumilos na akala mo ay may kalaban sa harap.

"Pft. Kalma ka lang. Ako lang 'to, 'yong ginising ka sa gitna ng paghihilik mo." Pigil ang pagtawa ko habang sinasambit 'yan.

Masama naman itong tumingin sa akin at inayos ang sarili. Tumayo naman ako para pumunta na kay ma'am Bella.

"Dani, umuna kana sa room pinapapunta lang ako ni ma'am  Bella sa kan'ya. Ipagpaalam mo ako sa sunod nating guro 'ah?"

"Sige, ingat. Tulungan kita magbunot ng damo." pang-aasar pa n'ya habang tumatawa.

Kailan mo pa ako tinulungang ugag ka? Tsk!

"Ge." masama ang loob kong pamamaalam.

Kainis naman! Ano ba kasi ang nagawa ko at pinatawag n'ya ako? Mamaya pa naman ang klase niya sa amin, ah? Bakit ngayon mukhang bibigyan n'ya na ako ng parusa? Pambihira!

Busangot ang mukha ko habang tinutungo ang daan papuntang guidance. Binati pa ako ng isa sa kakila ko kanina pero hindi ko siya pinansin dahil tunog nang-aasar ito.

"Pasok ka, Ms. Peyn." bungad agad sa akin ni sir Rafa. Naglingunan naman ang ibang guro na naroon.

"Good morning po," bati ko sabay yuko.

"Si Teacher Bella ba ang nagpatawag sa iyo?" Sir Rafa asked.

"Yes po."

"I see. Umupo ka muna d'yan umalis lang siya saglit."

Tumango lang ako at umupo sa isa sa mga couch doon.

Nagulat pa ako ng may gumalaw sa tabi ko. Narinig ko namang matunog na nagngitian ang ilan sa mga maestra at maestro. Nilingon ko sila at pilit na ngumiti.

"Mauuna na ako, Ms. Peyn may klase pa ako.  Hintayin mo na lang si Teacher Bella and --- pft!" natatawa s'ya na bumaling sa tabing couch ko. "Be quite. I gotta go!" natatawa  pa din s'yang umalis sa harap ko. Napangiwi naman ako dahil sa ako na lang  ang natira dito bukod sa tao yatang natutulog  sa kabilang couch. Hinayaan ko na lang at kinuha ang cellphone. Malapit ng matapos ang  klase namin at kay ma'am Bella ng klase ang sunod, hanggang ngayon wala pa rin siya. Niloloko lang 'ata ako ng batang 'yon e.

Pero, bakit alam nila sir Rafa?

Nakakaihi naman ang maghintay! Tumayo ako at naghanap ng banyo. Nasaan ba ang banyo  dito? Hasyt! Sa paulit-ulit kong dinadala dito hindi ko alam kung nasaan ang banyo nila dito.

Nang mahanap ko at makaihi ay nanalamin na rin ako. Nagulat ako ng gulo ang buhok ko kaya siguro pinagtatawanan ako kanina, tsk!

"Ang tagal na--- ay kamote!" hiyaw ko sa gulat. Napahawak pa ako sa dibdib ko. Kahit wala ako no'n.

"'Wag ka ngang sumigaw d'yan tsk!" antok na asik ng lalaki. Napangiwi ako at tinalikuran siya.

"Hooooo--- mpf!"

Nagulat ako ng bigla n'ya akong hilahin at takpan ang bibig ko sabay isinandal sa pader at kinulong sa mga bisig niya. Nangunot ang noo ko sa ginawa ng lalaking ito.

"Shh. 'Wag kang mag-iingay."

Pa'no ako mag-iingay ay nakatikip ang bibig ko sa mga kamay mo? Tss.

Nakarinig kami ng yapak at pag-uusap. Kaya naman ay mas lalo siyang sumiksik papalapit sa akin para matakpan ako, ano ba ang ginagawa n'ya!? Hindi na ako makahinga!

Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko at inalis 'yon.

"Shh." sabay sinyas pa nitong pagpapatahimik. Tumango na lang ako bilang pag sang-ayon sa kan'ya.

He looks familiar.

"I decided  na dito na siya papasukin. Hindi pa naman huli 'di ba? Baka dito tumino s'ya at makahanap  ng bagong kaibigan." rinig kong sambit ng boses ng isang lalaki.

"Bukas o sa susunod ipapaalam natin 'yan." rinig ko namang boses ni Principal Jung. "Magiging maayos dito ang anak mo 'wag kang mag-alala. Ako 'to ang namamahala sa paaralang papasukan ng apo ko." natatawa pang dugtong nang Principal.

Bakit mukhang seryoso ang pinag-uusapan at sinong apo naman 'yon? Wala naman kaming nababalitaan na may anak at apo ang matandang 'yon.

"Thank you, Dad. Wait, where is he?" boses no'ng anak n'ya raw.

"Nandito lang s'ya kanina--- oh Teacher Bella,"

Nanlaki ang mata ko sa narinig, nand'yan na si Ma'am! Napatingin naman ako sa lalaking nasa harap ko na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Napalunok ako, bakit biglang bumanas? Naka-aircon naman dito, ah.

"T-teka, p'wede b-bang u-umipod ka." sabi ko dito na nauutal pa, sh*t! Hindi pa rin s'ya kumikibo kaya naman ay tinapik-tapik ko na ang mukha nito.

"Hey, can you move a little? Kung hindi sisipain na kita." May diing sabi ko. Aba! Kanina pa sinasabihan hindi man lang natinag.

"Ha?" Hakdog!

"Sabi ko umipod ka, bakit mo ba ako kinukulong? Nasisiraan ka na ba ng bait? Tumabi ka nga!" singhal ko kan'ya saka lumabas.

"Kainis! Ang laki 'ata ng saltik ng--- ay kamote! Ma'am Bel--- Good morning po," natataranta kong bati sa kanila. Nawala sa isip kong nandito pala ang mga ito kaya ako napalabas doon dahil bigla akong binanas sa lalaking 'yon! Wews!

"Ms. Peyn, kanina ka pa ba dito? Anong ginagawa mo doon? Sinong kausap mo?"

"E, 'yong lalaki po ka---," Naputol ang sasabihin ko ng may tinawag si Principal sa likuran ko. At saka nagpabalik-balik ang tingin sa aming dalawa. Nangunot naman ang noo ko.

"Principal, ano pong mayro'n?" tanong ko. Napatigil kasi ang paningin niya sa akin.

"Wala naman," sagot niya. Bumaling naman siya kay ma'am Bella. "Teacher Bella, you may talk her. And you, tayo ang mag-usap sundan niyo akong dalawa." Tukoy niya sa lalaking kausap niya kanina at do'n sa lalaking kumulong sa akin.

Napabaling naman ako sa nakangiwing si ma'am Bella.

"What's that reaction ma'am?" tanong ko.

"Nothing, here! Mawawala ako ng tatlong araw can you teach your classmate 'bout this? I'll e-mail to you  the more information later. I just have something to do in our family, it is okay with you?"

Napanganga ako sa sinabi niya. Ano't sa akin pa? Hindi naman ako ang president ng klase, pero bakit--- tss!

"Ms. Peyn, walang away-away muna tayo ngayon," natatawa pang dagdag niya. Maging ako ay napangiti din kaya kahit na gulat ay tinanggap ko 'yong folder. "Thank you. At saka 'yong lalaki kanina he's transferee here pero next monday pa yata ang pasok no'n at nandito na ako that day."

Wala naman akong pakialam.

"Owcakes po,"

"And... the boy earlier bagay kayo."

"Alien po ako, Ma'am." Pambabara ko kaniya saka siya tinalikuran.

Umiiling-iling akong naglalakad pabalik sa room. Mukha akong tanga sa ginagawa ko at wala akong pakialam do'n dahil  grabeng kahihiyan 'yong kanina! Akalain mo apo pala ng Principal ang hinay*pak  na 'yon tapos nasigaw-sigawan ko!

Aguilar, sa guidance pa talaga 'ah? Tibay!

Tinampal ko na lang ang mukha ko bago pumasok sa room at  laking gulat ko na may teacher pa palang nagtuturo doon.

Isang kahihiyan na naman! Ayoko na maging sabog!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status