Share

Chapter 1: Unang Banggaan

Peyn's Point of View

"Ma, aalis na ho ako." Paalam ko kay mama na nagwawalis sa likod ng bahay. Gawain 'yon ni Mama tuwing umaga dahil hukod sa simple lang ang bahay namin ay masiyadong malawak din ang bakuran namin.

Hindi kami mahirap hindi rin mayaman, sakto lang para mabuhay at makakain sa araw-araw. Malapit lang din naman kami sa paaralang pinapasukan ko, kaya hindi na ako nanghihingi pa ng pera. Walking distance pero palagi pa rin akong late. Hindi naman ako mabagal kumilos, tsk!

Hindi ka estud'yante kung 'di ka nali-late.

"Good morning, Ma'am." Singit ko sa discussion'g nagsisimula na. Late na naman kasi ako ng five minutes. Hay!

"Late ka na naman, Ms. Aguilar!" Galit na singhal ni Ma'am sa 'kin. Nagtinginan naman ang mga kaklase ko na akala mo ay isa akong sikat na artista na pumasok sa room nila.

"I know. At least pumasok pa ako kaysa mag-absent 'di po ba?" Mahinahon kong wika. Para akong 'di makabasag pinggan sa sobrang kahinhinan kong magsalita.

Karumi ka self!

Hindi kasi ako ganito noon pero ngayon? Hindi ko maipaliwanag dahil na din siguro sa mas'yado na akong maraming nagawang parusa galing sa kan'ya, dahil baka wala na s'yang maipapagawang parusa  sa akin, kaya kailangan kong maging dalagang pilipina. Jusko!

"Ikaw talagang bata ka! Sige, maupo ka na. Sa susunod na ma-late ka na naman may parusa ka ulit."

Napangiwi ako. "Hindi ba s'ya nauubusan ng ipapagawa sa 'kin? Tsk!" bulong ko.

"Ano 'yon?" Napaiktad ako sa biglaang asik n'ya. Lakas naman ng pandinig nito?

"Wala po," sagot ko na lamang at naglakad ako papunta sa upuan ko. "You may continue the discussion, Ma'am." dagdag ko pa at taas noo'ng umupo.

Sinigawan niya pa ako pero hindi ko na siya pinansin pa. Inaantok ako kaso hindi ako makatulog dahil sa maya't maya n'yang pagtingin sa akin.

"Okay, get one fourth sheet of paper!" Natauhan ako ng marinig ang salitang 'yon. Quiz na naman!? Ano naman kaya  ang isasagot ko nito? Bumaling ako sa katabi kong nagsusulat na ng pangalan n'ya.

"Oi, pahingi akong one fourth," sabi ko. "Salamat, napaka--- ay kamote!" Nagulat ako nang nasa harap ko na s'ya ngayon.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Ms. Aguilar?"

Iniayos ko ang upo ko at saka taas noong sumagot. "Nanghihingi po ng one fourth."

Umismid naman siya. "Wala ka bang one fourth, kaya ka nanghihingi ka na lang?" tanong niya.

Tingin siguro niya may papel ako kaya hindi ako nanghihingi?! Psh.

"Mayroon po, kaya nga ako nanghihingi, e." sarcastic kong wika. Lumingon aki sa buong room at nagtatawanan naman ang mga kaklase ko. Unang araw pa lang mainit na  ang ulo ni Ma'am sa akin, walang araw na hindi kami nagkakasagutan. Tsk!

Dahil siguro sa inis ay umalis siya sa harapan ko. She's Bella Fortus our teacher in Araling Panlipunan subject.

"Okay, number one! Anong factor ang nakakaakit na dahilan ng mga pandarayuhan?" Unang tanong niya na ipananlamig ng katawan ko.

Hala ano 'yan? Napag- aralan na ba namin 'yan?

"Number two! Anong factor na ang dahilan ay pag-alis sa sariling bansa upang sa iba mandarayuhan?"

Omaygad!

"Ma'am, teka lang! Ang bilis n'yo naman po." reklamo ko. Nasa pangalan pa lang ako e 'tapos siya number two na?

"Faster! Wala na tayong oras magbe-break time na."

"Okay na po."

Pagkatapos ng quiz ay balik na ulit sa dating gawi. Pupunta sa library para matulog, hindi para magbasa.

Tinutulog ko ang break time at ang gutom ko.

"Oi, Peyn sinong hinahanap mo?" Bungad na tanong ng lalaking nasa harap ko.

Napangiwi ako. "Sino? Alam mo namang upuan lang ang hinahanap ko dito."

He's Emman Smith, sa araw-araw kong pumupunta dito ay nakilala ko na s'ya. Nasa kabilang building ang room niya.

"Naku, mukhang wal---,"

"Ayon--- aray!" daing ko ng may bumunggo sa akin mula likuran. Muntikan pa akong mapasubsob at kung 'di lang ako nakahawak sa braso ni Emman sungasob na ako.

Dahan-dahan naman akong lumingon paharap para makita ang pagmumukha ng bumangga sa akin.

Hindi ako pader para banggain niya!

"Oi, tumingin ka nga sa dinadaan mo!" Inis na singhal ko dito.

Pinagkunutan n'ya lang ako ng noo at tinaasan ng kilay. Taray ha!?

Paano maririnig, e may headphone, tsk!

Okay. Listen to your music! Gah!

"What?" Kunot noo n'yang tanong matapos tanggalin ang headphone nito.

Ngayon ka pa nagtanong 'gayong tatalikuran na kita?

"Whatdog!" Asar ko. Kainit s'ya ng dugo ah!

Gutom na nga ako plus antok pa, psh. Anong gustong mangyari ng lalaking 'to?

Bago ba s'ya dito?

"Whatdog? What is that? Kasamahan ng hotdog?" Gulong-gulo n'yang tanong. Napamaang na lang ako sa kahinaan ng pag-iintindi niya!

"Eh? Ehklog. Alam mo ikaw, kebago-bago mo pa naman 'ata gan'yan ka na. Try to look around naman para hindi ka makakabangga ng tao."

"Nabangga ba kita? I'm sorry akala ko kasi pader kaya hindi na ako nag-abala pang umilag."

"What the f*ck!" Napalingon ako sa sabay-sabay na nagreak. Nakatingin na sa amin ang kaninang mga estudyante'ng nagbabasa lang at tahimik na nagkuk'wentuhan. Gano'n na ba talaga katawag atensyon ang eksenang ito?

Ngumisi s'ya at saka umalis na doon. Iniwan akong nakatulala at iniisip ang sinabi niya. Kung hindi lang ako kinulbit ni Emman ay hindi ako babalik sa katinuan.

"Nakaalis na s'ya 'di mo hahabulin para gumanti?" sabi n'ya pa. At dahil masunurin ako ay lumingon ako sa papalayong lalaki at saka mabilis na iniwan si Emman do'n at hinabol ang lalaki sabay sapok.

Ayoko ng gulo, gusto ko lang gumanti. Kaasar ang ngisi niya lalo na ang sinabi niya!

"What the---!" Sigaw niya habang hawak ang likod ng ulo nito.

"Gag* ka ba?" Seryoso kong tanong na may mga diin pa bawat pagbigkas. Napaatras s'ya na may naguguluhang expression.

"N-no. I'm not." utal n'yang sagot.

Umismid ako at saka tinapik ang balikat n'ya.

"Good," sabi ko at umalis sa harap niya.

Napangiti na lang ako sa ginawa ko at napaismid sa kawalan. 'Di na ako magtataka na may gagawin na naman akong parusa. Kasalan ko bang gumanti lang ako? Pasmado ang bibig ng lalaking 'yon!

Bumalik ako sa room ng late ulit ng tatlong minuto. Maayos naman ang discussion may naintindihan ako kahit papaano.

"Yey! Uwian na rin sa wakas!" sigaw ko at sinabayan ng pagpalakpak.

Ito ang paborito kong subject before and maybe still now. Joke!

"Uy, anong uwian na? Cleaners tayo 'day, kaya mamaya ka pa makaka-uwi, ah? Postponed mo muna 'yang pagsasaya mo." Singit ng kaibigan ko na no'ng isang araw lang nakapasok dahil natagalan sa pagbakasyon, psh! Panira talaga s'ya ng kaligayahan akala n'ya naman hindi s'ya tamad!

Wala akong nagawa kun'di ang maglinis.

"Tapos na," sambit ko.

"Hindi pa," sagot agad ng Leader namin.

"Ano?! Malinis na ah? Ano---,"

"Peyn, patapon naman nito, oh." Napalingon ako sa nag-utos.

"Bakit hindi ikaw---,"

"I told you we're not yet done. Go, itapon mo na 'yan." Napapikit na lang ako at kinuha ang trash can.

Kaasar ka! Leader ka pa naman 'tapos ikaw 'tong walang ginagawa!

Sinunod ko ang utos n'ya dahil ayoko ng gulo. Napagsabihan na ako kanina dahil sa ginawa ko doon sa lalaki. Hayst!

"Nandito pala ang Tobishi." bulong ko.

"Ehem! Excuse me... Patapon naman nito. Salamat," sabi ko sa isa sa mga member nito sabay abot ng trash can at binalik sa aking wala ng laman.

"Salamat."

Bumalik ako sa room at padabog na binalik ang trash can sa tamang laglagyan.

"Galit ka?"

"Oo."

Sarap mong kutusan may gana ka pang magtanong. Bagay kayo ng lalaki kanina, tss.

Kalma self, gutom lang 'yan.

"Ang tagal mo naman. Bilisan mo!" Inis na turan ng babaeng kanina pa akong hinihintay.

She's Dani Lee, kaibigan ko siya since grade eight. Parehas kami ng lugar, magkalapit lang din ang bahay namin. Not too far nor a near, just exact!

Dahil walking distance nga ang bahay namin sa paaralang ito p'wede namin lakarin pero sa nakikita ko sa kan'ya tinatamad siyang maglakad maging ako ay tinatamad din dahil gutom na ako.

"Lakad tayo." Nagulat ako sa sinabi. "What's that reaction?"

"Ah, wala. Nagtaka lang ako. Tara na," anyaya ko sa kan'ya.

"Psh!"

Alam kong may problema s'ya ayaw niya lang sabihin sa akin dahil hindi naman ako 'yong tipo na marunong at magaling magpayo pero handa akong makinig para gumaan ang pakiramdam nito. Ang kaso, pinili n'yang manahimik kaysa magk'wento. I understand her because I'm her best friend.

'Yon naman talaga ang ginagawa ng mga kaibigan 'di ba? Intindihin na lang kapag ayaw sa 'yong sabihin ang problema. Ang intindihin na lang kahit willing ka namang pakinggan ang mga sama at sakit ng loob n'ya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status