Share

Trip to Heaven
Trip to Heaven
Author: ALIENRAIN_18

Prologue

"Peyn, manatili ka sa tabi ko, please?" parang bata na wika ni Throng. He's lying in a hospital bed.

"Throng, babalik naman ako, e. Kukuha lang ako ng exam ang overreacting mo mas'yado." Natawa s'ya at saka kinuha ang kamay ko at hinalikan.

"Joke lang naman baka kasi pagkatapos mong kumuha ng exam hindi ka na babalik." Napangiwi ako. Bakit naman hindi ako babalik, aber? Siraulo talaga, e.

"So, good luck for your exam, babe! Aja Aja Hwaiting!" dagdag niya pa.

"Yeah. Thank you. I'll be back later, bye!" 

I left him with a smile on both faces but when I get back, nawala ang mga 'yon. Because everything has changed.

Kung dati ay nasa maayos pa s'yang kalagayan, ngayon ay hindi na. Halos hindi mo na s'ya makilala pa dahil sa balat nitong nag-iba na.

"You're back. I miss you," hinang-hina n'yang wika. I didn't answer. Instead, I hold his hand then give him a smack kiss on his lips.

"I'm Throng but I'm in Peyn, why is that?" Nakangiti niyang sambit na may mapaklang tono. "Weird, hindi ba? I named Throng because they say that I'm strong but no," umiling-iling pa s'ya. "Yes, mahilig akong mang-trip pero hindi ibig sabihin no'n ay malakas na ako. I'm not strong like you, Peyn." He added.

Ngumiti ako. "Maybe, I'm the Peyn of your life, Throng." 

Dahan-dahan s'yang bumaling sa akin. "But, you're my strength. Ikaw ang kalakasan ko kaya gusto kong manatili ka lang sa tabi ko sa oras na mawala na ako,  hmm?" Nahampas ko siya. Kung ano-ano sinasabi, tss!

Hindi ko alam pero ako 'yung nahihirapan  sa kalagayan niya. Ako 'yung nasasaktan sa sakit n'yang araw-araw niyang kinakaharap. Many years passed, he still alive and suffering with his disease. Hindi pa din s'ya gumagaling hanggang  ngayon. How I wish that staying by his side ay mababawasan ang hirap at sakit na dala-dala n'ya?

"Peyn, Throng is awake!" Sa hindi inaasahang phone call at balita ay nabuhay bigla ang dugo ko at mas binilisan pa ang pagsasagot.

Mabilis akong tumakbo pababa ng hagdan hanggang sa makalabas ako ng gate na habol ang paghinga ko, pero para akong mas lalong mauubusan ng hangin sa nakita ko.

"Peyn!" masayang tawag ng lalaking nasa kabilang kalsada ngayon na kinakaway-kaway pa ang mga kamay nito.

"Throng!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status