Share

Chapter 3: Decision

Throng's Point of View

After ng pag-uusap namin kanina nila Lolo and Dad ay umuwi na ako dahil sa inis. Bakit ba kasi nila ako pinipilit  na pumasok sa mismong paaralan namin? Ayoko! Hindi ko kasama ang mga kaibigan ko at siya. I want to be with her.

"Bregs, free ka ngayon?" tanong ko sa kabilang linya. Alam kong may klase sila ngayon nagbabakasakali lang naman ako.

"Yeah. May klase ako. Later bregs, puntahan ka namin d'yan."

"No, 'wag na. Nagtanong lang ako."

Kahit na alam kong may klase sila ay nadismaya pa rin ako.

"Drama bregs, ah. Basta! Pupunta kami d'yan after practice. Bye na, may exam pa ako."

"Bye."

Hinagis ko ang phone ko sa kama at saka humilata. Ang boring! Kumusta na kaya s'ya? Ilang araw pa lang ang nakalilipas miss ko na agad s'ya. Pero, bakit hindi man lang s'ya tumawag? Psh, babaeng 'yon talaga!

"Kuya! Kuya! Nand'yan  ka ba? Kuya!"

Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng pagtawag at katok ng kapatid ko. Ano ba naman s'ya? Grabe kung makakatok, akala mo naman may utang ako sa kan'ya!

Kakamot-kamot akong tumayo at naglakad papuntang pintuan para pagbuksan siya.

"Kuy---,"

"Ang ingay mo! Bakit ba?" Inis kong singhal sa kan'ya.

"Samahan mo 'ko, Kuya." Nangunot ang noo ko. Anong nakain nito? Wala ba s'yang pasok? Enrolled na naman siya. "Kuya, dali na! Wala kaming pasok e, don't ya' worry. Kaya halika na samahan mo na ako!" parang batang wika ni Hera.

"Ayoko! Pagod ako, gusto kong matulog na lang ng matulog."

"Ayaw pa kasi pumasok, tch!" bulong niya na dinig ko naman.

"Ayo---"

"Hep! Lahat na lang ayaw mo! Ano 'yon, siya lang ang hindi mo aayawan gano'n? Grabe ka Ku---"

"Oo na! Oo na! Ito na nga magbibihis na!"

Padabog kong sinara ang pinto para makapagbihis na. Rinig ko pa ang agik-ik niya pero hindi ko na lang pinansin. Mag sho-shopping lang naman ang isang 'yon at gawin lang akong taga-bitbit. At hindi nga ako nagkamali!

"Kuya, ito pa. Hold these for me may kukuhanin lang ako do'n. Hintayin mo na lang ako dito."

"Tsk!" singhal ko na lang.

Hinintay ko siya sa tabi tulad ng sinabi niya at sa isang oras at kalahati na paghihintay ko sa wakas ay dumating na din siya.

"Tagal mo!" inis na kong sambit sa kan'ya pagkadating sa harapan ko.

"I'm sorry, let's go!"

Tahimik kaming lumabas ng mall at uwi sa bahay.

"Bregs!" Nagulat ako ng may tumawag sa akin mula pinto. Sabi ko 'wag na, e. "Aren't you happy? Nandito na kami."

"Yeah. Thanks! Naabala ko pa kayo imbes na magreview na lang kayo," sabi ko pa. Nakakahiya tuloy sa kanila hindi naman mas'yadong importante 'tong bumabagabag sa isip ko.

"Oi, katamad kaya mag-aral ng mag-aral. Kaloka!"

"Tae mo, Palma! Bading ka talaga."

"Yay! Marumi ka nga sa g'wapong kong mukha, Sierra!"

Pagbabangayan pa nila kaya naman ay sinaway ko sila. Baka kung saan pa mapunta ang asaran nila. Hindi ako 'yong tipo na mabait kapag kaharap sila at masama naman kapag hindi sila ang kaharap. Nasapian lang talaga ako ngayon ng kabaitan.

"Bregs, ano bang nangyari? Mukhang pinag-sakluban ka ng langit, ah." natatawa pang sabi ni Blessy. Naglalakad kami papuntang garden para doon mag-usap.

"E, kasi si Dad at Lolo gusto nila akong papasukin sa paaralan namin, tsk! Ayoko nga." Maktol ko na parang bata pagkadating namin. Nadagukan naman ako ni Steve. Ang brutal nila!

"Siraulo ka ba? Bakit ayaw mo? Anong gusto mong mangyari sa buhay tambay na lang gano'n? Pumasok ka, bregs! Gusto mo ba, lumipat kami sa school niyo para sama-sama ulit tayong tatlo?" Napangiti ako sa tinuran niya. Kaya mahal ko ang mga ugok na 'to e, kasi mahal nila ako. Pft!

"Ayan na! Ngumingiti na," asar ni Blessy.

'Yon lang naman ang gusto ko, e. Ang samahan nila ako, hindi kasi ako sanay na wala sila o maging siya. Pero ngayong wala siya kakayanin ko kasi nandito sila.

"Thank you, bregs!"

"No problem."

Ilang sandali pa kaming nagkwentuhan at umalis na rin sila dahil may mga task pa silang hindi nagagawa.

I made my decision. Papasok na ako! Wala man o nand'yan sila. Papasok ako!

Peyn's Point of View

"Good afternoon, Students!" bati ni sir  Alajar  sa aming lahat. Bumati rin naman kami pabalik. 

Napuno ng ingay ang buong gymnasium dahil sa mayro'n daw itong ia-announce. Wala naman akong pakialam sa kung anong sasabihin nila.

"Kaya tayo nandito ngayon kasi may mga bisita tayong darating!"

Dahil sa idinugtong ni Sir ay napuno ng bulong-bulungan ang gym.

"Huh? Sino naman kaya?"

"Bakit parang biglaan naman 'ata."

"Baka may g'wapo tapos dito papasok yei! Sawa na ako sa pagmumukha ng mga school mates natin, e."

"Baka 'yong  may-ari ng paaralan? Hindi pa kasi nila sinasabi kung sino 'to."

"Hinihingi ulit namin ang inyong katahimikan! Maghintay lamang kayo at malalaman niyo din!"

Tumahimik naman ang lahat maging ang katabi kong si Dani ay tahimik lang din na nakikinig. Umalis ako sa p'westo dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan.

"Oi, saan ang punta mo?"

"Banyo lang," sagot ko. Tumango lang naman siya. Wala talaga akong balak samahan ng gagang 'yon, tss!

"Naku! Sorry, sorry, sorry, hindi ko sinasadya." Sa hindi inaasahan, pagliko ko ay may nakabanggaan akong isang nilalang. Tiningnan ko ito at mukhang maayos naman. Tss!

Wait! Parang namumukhaan ko siya. ah!Saan ko nga ba siya nakita? Ay ewan!

"Sorry too," sagot niya din at saka umalis na. Nagsimula ulit s'yang magkutingting sa cellphone niya, kaya nakakabangga, e!

Umiling-iling na lang ako at hindi na lang siya pinansin pa. Pinagpatuloy ko ang pagpuntang banyo. Paglabas ko nakita ko si Emman na hirap sa pagdadala ng pagkain.

"Hey there, Emman!" tawag pansin ko dito. "Need help?" dagdag ko at naglakad  papunta sa kan'ya. Hindi pa naman siya nakakasagot ay kinuha ko na ang ibang dala nito.

"Thank you."

"Saan ba 'to dadalhin sa mga bisita ba?"

"Yeah. P'wede ba?"

Tumango lang ako. Wala din naman kasi akong gagawin doon kung 'di ang manood lang sa mangyayari at makinig sa mga sasabihin.

Nandoon ang ibang Teachers at mga kakilala ng mga ito, maging ang principal din ay naroon at lalaking kau--- tama! Siya 'yong lalaki sa guidance at kaninang nakabanggaan ko! Maging noong nakaraan na nagpainit ng dugo ko! Malas yata school year ko ngayon.

"Alam mo ba kung bakit may biglaang announcement?" I asked Emman in a low voice. Pagkatapos naming ipamigay ang mga pagkain ay pumunta kami dito sa back stage.

"Ang alam ko dito na daw papasok 'yong anak ng may-ari nitong school," sagot niya. Tumango-tango na lang ako bilang pagsang-ayon.

Aalis na sana ako ng tawagin niya ako, ni Emman. Akala ko hindi niya ako mapapansin dahil busy ito sa panonood.

"Bakit?"

"Kakanta ako mamaya p'wede mo ba akong samahan?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Napitik ko na lamang ang noo niya dahilan ng pagreak nito.

"Ayoko!" matigas kong sabi. Matagal na akong hindi kumakanta. Matagal na panahon na.

"B-bakit?" nauutal pa niyang tanong.

"Ayoko lang. Matagal na akong hindi kumakanta, laos na ang boses ko, baka bumagyo lang kapag nagkataon." natatawa kong sagot.

Narinig ko na siyang  kumanta at hindi ko maitatangging maganda ang  boses niya. Malamig itong pakinggan na may pagkamalambot. Masarap sa tainga.

Sa pagkakaalam ko, kasali siya sa banda dito.

"Dali na. Nasanay akong may kasama kumanta kaya naman ay pumayag kanang samahan ako. Magaling ka rin namang kumata, e." Pagpupunilit pa nito. Gusto ko pero ayoko.

"Please... hindi para sa akin but for them." Sabay nguso sa mga guro at mag-aaral na tahimik na nakikinig.

Sasamahan ko ba s'ya o hindi? Grabe naman ang hirap!

"Please..."

"Okay! Final na, kakanta ulit ako."

I decided na bumalik ulit sa pagkahumaling sa musika. I decided na iparinig ulit sa kanila ang boses kong nagpapaulan ng luha gamit ang mga liriko mula sa labi ko.

Taray ko naman parang broken lang, e.

Pero nang dahil kasi sa pagkanta, ako na lagi ang pinapatawag kapag may program dito sa school noon kaya no'ng nagkasakit ako sinabi ko na bawal na akong kumanta pa saka ayokong may mga taong pinapanood ako. Simple lang ang dahilan ko para tumigil sa pagkanta noon pero ngayon, ibabalik ko na.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status