Share

Chapter 21

FREYA POV

Nakita ko nag-iimpake na ng mga damit si Luna, lumapit ako at tinapik ito, Gulat ito tumingin sa akin.

"Oh, bakit di ka pa nag-aayos? Ngayon ang alis natin diba?"

Kinamot ko ang loob ng tenga ko, "wala naman ako dadalhin damit eh, alangan namang suutin ko iyon damit ko may logo ng bandido?"

Saglit ito hindi umimik, wala naman talaga ako ibang damit maliban sa uniform ko dito sa school.

Napakamot ito sa ulo, "kung sabagay, di'ba hindi naman tayo agad-agad mag-eensayo pagdating natin sa mundo ng mga tao, kung gusto mo papahiramim muna kita ng mga damit ko tapos bili na lang tayo sa ukay-ukay ng mga damit na susuutin mo sa mundo ng mga tao."

Masayang segunda nito bago inabot sa akin ang isang yellow na polo shirt at isang asul na pants.

"I-ito ba ang sinusuot sa mundo ng mga tao?" Takang tanong ko,

Tumango si Luna, "oo, magpalit ka na doon, baka mamaya hinihintay na tayo ni Ms. Arriva,"

Pumunta ako ng CR para suotin ang damit nito, akalain mo halos magkasukat lang kami
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status