Share

Chapter 28

"O." May inabot siya sa aking cute na paper bag. Plain white.

"A-Ano 'to?" nagtataka namang tanong ko.

"Buksan mo na lang."

"Okay."

Pero inilapag ko lang iyon sa table ko at hindi pinakialaman. Mamaya na lang siguro.

Naroon na kami ngayon sa office niya at kararating lang namin. Sinundo niya ako ulit. Agang-aga inaantok ako.

Umakyat na siya ulit sa taas. Ganoon naman lagi. Susunduin niya ako nang maaga tapos tsaka pa lang siya mag-aayos pagdating namin sa office. Bababa siya minsan alas-nueve na. Kaya tuloy may panahon akong umidlip. Wala naman akong ginagawa sa office niya maliban kung may bilin o utos siya. Pero hangga't wala siya, wala rin akong ginagawa.

Padukwang na ako sa mesa ko nang tumunog ang telepono sa tabi ko. Medyo kinabahan pa nga ako dahil first time may tumawag doon na ako ang sasagot. Usually kasi si Francisco talaga ang kumakausap sa caller, at kung dati naman ay si Carlo dahil connected iyon sa table niya sa labas. Hindi ko nga alam kung ano'ng purpose ng teleponon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status