Share

CHAPTER 31

      NAUWI sa tahimik na tanghalian ang muling pagkikita ni Ethan at Rex. Muling natagpuan ni Luke ang sarili na napapagitnaan. Ngayon, mas lalo niyang kinaiinisan ang dalawa. Masyadong guilty si Ethan, si Rex naman ay nagpapakamanhid! The latter won't even glance on his friend.

Patapos na ang klase subalit ang problema ng dalawa ay nagsisimula pa lamang. Gusto pang dumagdag ng mga ito sa cramming na kanilang ginagawa.

Ibinaba ni Luke ang kubyertos na kaniyang hawak. "Rex, puwede ba tayong mag-usap?"

 Malawak ang ngiti ni Rex habang tumatayo. Umasim ang ekspresyon ni Ethan pero nauna pa itong umalis. "Dito na kayo mag-usap. Alis na ako."

Bagsak ang balikat na umalis ang kaibigan ni Luke. Sinundan niya ito ng tingin bago nag-umpisang magsalita. "Gusto ka niya, gusto mo siya—para sa'n pa ba 'to, ha, Rex?"

"I want him to grow, Luke." Hindi man lang kumurap ang lalaki. Tinipon nito ang mga gamit na plato sa harapan at inilaga

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status