Share

Chapter 7.1

Lambingin

"H, HERE is your clothes! Tangina, bakit kasi kailangang sa ukay-ukay ko pa kailangang bilhin ang mga 'yan?!" reklamo ni Magnus habang may mga hawak na supot. "Fuck, I can feel the germs lurking on my soft and creamy skin!"

Helion smirked hearing his rants. "Stop blabbering like you're a gay. Hindi naman nakakamatay 'yung utos ko sa 'yo. And it's your fault from the very start. Kung hindi kasi janitor ang naging trabaho ko, hindi ko kakailanganin ang mga 'yan ngayon. "

 Kanina ay inutusan niyang bumili si Magnus sa ukay-ukay ng mga damit niya. Of course, kailangan niya ng mga makalumang damit para mas maging epektibo ang pagpapanggap niyang janitor at makita lagi si Nari sa eskwelahan nito. And it was easy for him to get that job because he was one of the shareholder of the scool.

 Pero sikreto lang 'yon. Magnus pulled some strings for him to got in pero ang gago, nang aasar talaga dahil janitor talaga ang trabahong ibinigay sa kaniya! 

Magnus discarded harshly the clothes on the sofa while Helion is enjoying watching him getting frustrated. Ah, what a good sight.

"H, ang sabi mo, kahit anong trabaho! Iyon lang ang available nung mga panahong 'yon!" he explained.

Helion shrugged not minding his glare. "Wala na. Tapos na, eh."

"Tss. You know that I love you, H. I'll do everything to please you-"

"Shut up! You're gross!" nandidiring sigaw ni Helion kay Magnus at ibinato ang isang damit sa pagmumukha nito. Pakiramdam niya ay nanindig ang balahibo niya sa narinig. It was always his line whenever they're in an argument, lalo na kapag nanatalo ito. 

Magnus chuckled at his reaction before getting serious. "Ah, oo nga pala. May nakalimutan akong sabihin kagabi."

"What is that?"

"'Yung huling pinagawa mong imbestigahan ko."

Helion became serious. Ang huli niyang pinaimbistigahan rito ay ang nangyari kay Nari sa CR ng school. It was really strange. Wala siyang makitang bakas ng pangyayaring iyon nang makita si Nari. It was painful to him seeing her at that state, crying helplessly. Napunta siya doon dahil sa pakiramdam niyang nasa kapahamakan si Nari. He heard her voice pleading kaya hindi na siya nag aksaya pang puntahan ito kaagad, not minding that it's a girls comfort room. Mabuti na lang at wala ng ibang tao doon nang pumasok siya.

"So, what is it?" he asked.

"After what happened, I went there at night and yeah, it was really strange. Sobrang linis at wala akong makitang bakas. Kung kagaya natin ang may gawa no'n para takutin siya, dapat kahit footprints pero wala. The scent is just normal, walang pinagbago. But I have a feeling.."

"Don't tell me it's..." Hindi maituloy ni Helion ang nabuong realisasyon sa isipan. "But that is impossible!"

"H, I think it's a... rouge. Sila lamang ang tanging makakagawa ng gano'n ng walang naiiwang bakas." tila nanghihinang saad ni Magnus.

Natigalgal si Helion sa narinig, hindi makapaniwala. No! That is really impossible! How can a rouge do that kung nakasara na matagal na panahon na ang nakakalipas ang lagusan ng mundo nila?!

MAINIT ang panahon ngayon at sobrang nakakapaso ang sikat ng araw dahil tanghaling tapat. Nakangiting naglalakad si Nari habang kasama ang dalawang kaibigan. Hindi nag iimikan ang dalawa pero mas okay na iyon kaysa namang nagbabangayan sila.

And about yesterday when she visited Lester, hindi na niya masyadong isinaisip pa ang sinabi nito. It's better that way. Kaysa namang mastress pa siya kakaisip. Aakto na lang siya na parang hindi nangyari ang tagpong iyon.

"Uh, saan tayo kakain?" pagbubukas ng usapan ni Nari nang marating nila ang bukana ng canteen. Napatigil sila kasi mula sa bukana ay natanaw nila ang punuang mga lamesa. Wala ng bakante.

"McDo tayo."

Sabay na napatingin si Nari at Scarlette kay Lester. Nari bit her lower lip. Paano 'yan, eh, nagtitipid siya?

"Libre ko," muling dagdag pa ni Lester na hindi makatingin sa kanila pareho at kakamot kamot lamang sa likod ng ulo.

"Himala at nanlibre ka. May atraso ka, 'no?" sarkastikong tanong ni Scarlette ng nakakaloko pero may halong ngisi naman na parang nang aasar.

Nari chuckled. Mukhang balik na naman sa dati ang dalawa.

"Tss. Ayaw mo ba?" bagot na saad ni Lester bago sumimangot. "Kung ayaw mo, ayos lang. Si Nari na lang ang ililibre ko-"

"Sino ba may sabing ayaw ko ng libre?! Wala naman ah!"

"Ebarg, ang yaman mo pero ikaw pa 'tong malakas loob na magpalibre," naiiling na lang na wika nito. "Tara na nga!" 

Umakbay si Lester sa kanila ni Scarlette bago sila tumalikod paalis sa canteen.

Pero bago 'yon, she glanced back inside the canteen again and she was caught off guard when she saw a pair of piercing eyes looking darkly at her, as if he was not pleased on what he just saw.

Bumaba pa ang paningin nito sa nakaakbay na braso sa kaniya bago umigting ang kaniyang panga.

Kinabahan siya sa paraan ng pagtitig ni Leon sa kaniya.

"KANINA ka pa parang hindi mapakali, Nari. Ayos ka lang ba?" 

Sumulyap si Nari kay Lester bago sumubo ng kwek kwek na binili nito. Mabilis ang pagnguya na tila gutom na gutom. Well, she can't blame him. Pawis na pawis rin ito dahil sa pakikipaglaro ng basketball kanina. Nauna kasi ang dismissal nila kaysa kina Nari. At ngayon naman ay si Scarlette na lang ang hinihintay nila.

"Oo, ayos lang naman ako. Bakit?" patay malisyang sabi ni Nari bago nag iwas ng tingin. 

The truth is she's bothered. Nang makita niya ang masamang tingin ni Leon kanina ay para bang sobrang laki ng naging kasalanan niya rito. 

"Kanina ka pa palinga-linga, eh. Are you looking for someone?"

Kinagat niya ang pang ibabang labi. Kanina pa kasi talaga siya sumusulyap sa paligid. Nasa may malapit sila ng main gate kung saan madaming nagtitinda ng pagkain kaya halos magkanda haba na ang leeg niya kakatingin sa kung saan saan makita lang si Leon. 

But looks like he was hiding or avoiding her. Hindi pa niya ito nakikita.

Nasaan na ang sinasabi nitong he would follow her no matter where she go?

Gusto na lang niyang kaltukan ang sarili sa naisip. "Lester.." she called his name.

"Nari, sabi ng hindi ako mabubusog dito. Samahan mo na lang kasi akong kumain sa pansitan!" ungot nito bigla na parang bata.

Napangiwi na lang siya. Kanina kasi ay todo pilit siyang magpansit sa labas kaso ayaw ni Nari dahil masyadong mabigat sa tiyan. Hindi naman niya kagaya si Lester na malakas talaga kumain pero mabuti na lang at hindi ito tumataba.

"Kain ka na do'n. Hintayin kita dito."

"Tss, ano 'yon, kakain ako habang iiwan kita rito? Libre ko naman. Sige na, Nari!"

"Ayaw ko talaga, Lester. Hintayin na lang natin si Scarlette, baka gusto no'n."

"'Yung babaeng 'yon? Huwag na lang!"

Hilaw na ngumiti na lang si Nari sa narinig. Hanggang sa hindi na siya nakatiis. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status