Share

Chapter 7.2

Hilaw na ngumiti na lang si Nari sa narinig. Hanggang sa hindi na siya nakatiis. 

"Lester, may babalikan lang ako saglit sa loob.." pagpapaalam niya sa kaibigan.

"Huh? Ano naman 'yon?" takang tanong ni Lester na nakakunot ang noo.

"M-May... uh, nakalimutan ako ipasa sa kaklase ko sa inorganic chem.," rason niya.

"S-Sige. Bilisan mo na lang at baka patapos na klase nila Scarlette. You know that that girl doesn't like waiting."

Tumango lang si Nari bago iniwan si Lester doon. Bumuntong hininga na lang siya. Now, where is Leon? Palinga linga siya habang tinatahak ang daan papuntang canteen. Doon naman kasi niya huling nakita ang lalaki kaya baka nandoon ulit siya dahil siguradong may nagmemeryenda doong mga estudyante ngayon. He would clean the place again.

Her palm is sweating for unknown reason. Patakbo siyang nakarating doon at humihingal na kumuha ng suporta sa pader sa bukana niyon. But to her dismay, he isn't there.

Umalis rin siya kaagad at napunta sa CAS Building na malapit lang naman pero wala talaga dahil may mga klase pa ang karamihan. Wala pang naglilinis doon. 

Halos malibot na niya ang lahat hanggang sa napunta na siya sa likod ng school. And her knees almost shake when he saw him there puffing a cigarette while leaning at the tree trunk.

Ang pagbuga nito ng usok ay tila napaka senswal kahit hindi naman sa paningin ni Nari.

Napalunok tuloy si Nari sa naisip.

"Leon..." she called his name. But he didn't bother to look back to her as if he didn't heard anything. Pero sigurado naman si Nari na malakas ang boses niya upang sapat lamang na marinig niya. He was still standing like a model on the tree trunk. "Bakit ka naninigarilyo?" Hindi na siya nakatiis pa at tinanong iyon.

Actually, ayaw na ayaw niya talaga sa lalaking naninigarilyo. Masakit sa ilong ang amoy at minsan inuubo siya na parang hinihika. Lester is smoking too but he always make sure that he's away from them, lalo pa at maarte talaga sa amoy si Scarlette. Nagchechewing gum or candy siya pagkatapos at alcohol and perfume na rin para siguradong walang bakas pagkatapos nito. 

She heard somewhere na minsan naninigarilyo ang ilang tao dahil sa stress at magulo ang utak. Posible kayang may gumugulo sa utak ni Leon ngayon?

"So what if I'm smoking? Wala ka namang pakialam sa 'kin," mapait na sabi nito.

Suminghap si Nari sa narinig. At anong walang pakialam? May pakialam siya kay Leon! Dahil kung wala, hindi naman siya mag aabalang hanapin ito ngayon. And she can't help it. There's something inside her that is yearning for his attention. At ang masaklap ay gusto niyang sa kaniya lang ang atensyon na 'yon kahit hindi naman dapat.

Oh, God. Is she being possessive?! This is not her.

Tumikhim na lang siya upang pagtakpan ang ibinubulong ng sariling isip.

 "T-That's not true.." she almost whispered. Nag iinit ang kaniyang pisngi dahil sa nasabi. "May pakialam ako sa 'yo, Leon..."

He scoffed. "Really? Then why the fuck are you like that towards that guy. Oh, right. He's your friend," he said then laughed sarcastically.

Nagulat si Nari sa tono ng boses nito. Hindi na siya muling nakaimik pa dahil kinakain na ng kaba ang sistema niya. She saw him move and dropped the cigarette on the ground. Tinapakan ni Leon iyon pagkatapos at nadurog iyon sa lupa.

"Ba't ka ba nagagalit riyan?" Nari asked softly and pouted like a kid. Napayuko na lang siya dahil ayaw niyang salubungin ang nag aalab na mata nito. Idagdag pa ang umiigting na panga na animo'y masusugatan siya kapag hinawakan niya iyon.

She saw his foot took a step forward towards her direction and was stunned on the next thing he do. He pinned her to the wall and cage her with his strong and veiny arms.

Nanlaki ang mga mata ni Nari at hindi maampat ang pagbilis lalo ng tibok ng kaniyang puso. Hindi niya kinakaya masyado ang sobrang lapit ng distansya nila. She could smell his minty breath mixed with the scent of the cigarette he was puffing awhile ago. And the heck, kasasabi niya lang sa isip na ayaw niya sa lalaking naninigarilyo pero ito siya, naaakit na sa amoy na iyon ni Leon.

"Yesterday, I saw you getting out from that boy's unit. And awhile ago..." he said almost gritting his teeth. "Nakaakbay siya sa iyo na para bang siya ang nagmamay ari sa iyo, Narisha Blaire."

Sa bawat pagdiin ng pagbitaw nito ng salita ay nagbibigay ng kilabot sa kaniya. Kinilabutan si Nari bigla. 

As an instinct, she placed her both hand on his chest to give enough space for the both of them. But she pouted when he didn't even move a bit. Ang tigas ng dibdib nito. 

Pero, hindi iyon ang nakapukaw ng pansin ni Nari. His heart... wala siyang makapang tibok niyon. Or maybe he wasn't affected by her touch at all? Kagaya na lang sa kaniya, presensya pa lang nito ay otomatiko na ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso. 

Napatawa na lang siya ng mapakla sa isip. Siguro siya lang naman ang affected sa presensya nito. 

"Eyes on me.."

Napapitlag siya sa boses ni Leon. Nakatitig pala siya sa dibdib nito at hindi na niya halos napansin ang huling sinabi nito.

"Kaibigan ko si Lester. Normal na lang iyon sa 'min--"

"And that's not normal to me. I don't like him being touchy to you," pagpuputol nito sa sinasabi niya. "And please... stop pouting like that if you don't want me to do something you'll regret in the end.." paos na dagdag nito habang ang mga mata ay nakadirekta sa labi ni Nari na nakanguso nga.

"Bakit? Anong masama ba ang ngumuso ng ganito?" inosenteng tanong pabalik ni Nari.

Napapikit bigla ng mariin si Leon at tumingala. "Damn fucking shit.." malutong na pagmumura nito bago muling magmulat at tumitig ulit sa kaniya. "Teka, may kasalanan ka pa sa 'kin. I'm so mad right now. The image of you getting closed like that to that boy keeps on playing on my mind."

"A-Ano bang gagawin ko para mawala na 'yang inis mo?"

Leon suddenly lean his head on Nari's shoulder. Nahigit ni Nari ang hininga dahil doon. Ramdam niya ang pagpaypay ng mainit na hininga ni Leon lalo na sa bandang leeg niya. And she bit her lower lip when he felt his lips raining tiny kisses on his neck before speaking.

"Galit na galit ako, Nari. Do something to ease my anger. Lambingin mo ako, Nari. Lambingin mo ako hanggang sa mawala ang galit ko..." he whispered and groaned like a wounded animal.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status