Share

Chapter 65: The truth has been told

NAGISING si Mikael sa pamilyar na amoy, amoy na nalanghap niya rati. Unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata at hindi na siya nagulat ng bumulaga sa kanya ang puting kisame.

"Narito uli ako..." mahinang reklamo niya at nilibot ang mga mata sa paligid at napadako ang kanyang paningin sa babaeng napadapa sa kama, nakaupo ito sa gilid ng kama at ang ulo ay nakadapa sa gilid niya. Hawak-hawak rin nito ang kamay niya na tila ba takot itong mawala siya.

Hindi niya maiwasang mapangiti sapagkat nakadama siya ng ligaya dahil si Mari kaagad ang sumalubong sa kanya. Dahan-dahan siyang umupo, tama lang para huwag magising ang babaeng nakahawak sa kamay niya. Inangat niya ang kaliwang kamay para abutin ang ulo ng dalaga upang haplusin. Gusto niya lang masiguro kung talagang hindi siya nananaginip lang, kung talaga bang kasama niya ang babae sa mga sandaling iyon.

"So, you're awake."

Napa-angat siya ng tingin nang marinig niya ang seryosong boses ni Cyrex. Sasabihin niya sana ang kaibigang h
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status