Share

Chapter 22

Nanatili ako sa loob ng hotel habang hindi ko pa alam ang susunod kong gagawin. Gusto ko ng makita at makausap si Keir, pero kapag naaalala ko–si Florence ang pumapasok sa utak ko. Na baka ang nararamdaman ni Keir sa akin ay bunga lang ng wala siyang maalala sa dati niyang buhay.

Paano kung maalala na niya? Maiiwan akong mag-isa, maiiwan akong nagmamahal sa taong iba naman talaga ang mahal.

Damn! Sana pala talaga una pa lang umiwas na ako para hindi na ganito ang nangyari.

Wala na akong ingay na narinig sa loob ng office ni Florence, malamang bumalik na sila sa mga trabaho nila. Pero si Valeria at Florence kaya? Andito kaya sila ngayon sa loob? Anong ginagawa nila?

Dahan-dahan akong humawak sa doorknob at nagtangka na ikutin ito, para sana buksan pero hindi ko maitulak. Nag-aalangan at natatakot ako sa maari kong makita.

Napalunok ako at binitawan ito kasabay ng pagkawala ko ng malalim na paghinga.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status