Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig. Siya ang may-ari ng coffee shop na ito? Well hindi basta-bastang coffee shop ito dahil sa sinabi ni Marie.Napabuntong hininga ako at sumandal sa kinauupuan habang hinahayaan siyang magkwento ng magkwento.Nang maubos namin ang inorder ay saka na kami lumabas ng coffee shop. Naglibot-libot kami sa loob ng mall. "Doon tayo," aya ko at hinila siya papasok sa loob ng bookstore. "Yara naman, ayaw ko dito. Alam mo namang allergy ako sa libro diba?" naiiritang sabi nito habang tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kanya."Anong allergy? Sira! Ang sabihin mo ay ayaw mo lang talaga sa libro dahil tamad kang magbasa, tama?" tinaasan ko ito ng isang kilay habang nakahalukipkip."Oo na, ikaw na lang mag-isang bumili ng libro mo sa labas muna ako may pupuntahan lang akong store. Kita na lang tayo, bye!" anito at biglang tumakbo palabas ng bookstore animong nakikipag-karerahan.Dahil iniwan na niya ako ay itinuon ko na ang atensyon sa pagtitingin ng mga lib
"Kumusta?" bungad ko kay Via, isa siya sa naging kaibigan ko dito sa coffee shop kagaya ko ay kailangan rin niyang magtrabaho para sa anak niya, ako naman ay para sa aming dalawa ng mama ko."Maayos naman, dalian mo na nandiyan na si manager." anito, mabilis akong napatingin sa likuran ko at doon ko nakita ang manager namin na papalapit na. Nagpanggap akong hindi siya nakita at naglakad papuntang locker para sa mga trabahador ng shop.Nagpalit ako ng uniform at pagkatapos ay lumabas na ng silid. Nagsimula na ako sa pagtra-trabaho. Nakangiti kong ginagawa ang kape, masarap sa pakiramdam tuwing nakakagawa ako ng kape at maiabot ito sa bawat costumer na umo-orderNakangiti kong iniabot ang kape sa isang costumer. "Enjoy your coffee Ma'am." Nang magsara ang shop kami rin ang nag-linis at pagkatapos no'n ay doon lang kami makaka-uwi. Palaging ganito ang routine ko, pagkatapos sa eskwela ay diretso kaagad dito sa coffee shop, minsan nga lang ay napapagalitan ako ng manager dahil madalas ay
"Ma-masakit." reklamo ko, mas lalong tumalim ang mga mata nito dahil sa sinabi ko bago binitawan ang palapulsohan ko. Sapo ko ang pulsuhan kong madiin niyang hinawakan dahil sa sobrang sakit, iyon pa naman ang kanang kamay ko.Ang sama niya!"Again. Why am I here?" tanong ulit niya at inilibot ang tingin sa kabuoan ng kwarto ko."Nakita kasi kita kagabi ng walang malay sa daan, pinilit kitang gisingin Mister pero hindi kita magising." kahit kinakabahan ay nagawa ko paring mag-salita at magpaliwanag."Where's my car?" tanong nito.Mabilis naman akong umiling. "Wala akong kotse na nakita Mister." nakayukong sagot ko."Where's my phone?" tanong ulit nito, bakas ang iritasyon sa mukha niya. "Wala rin akong nakita Mister." sagot ko."Darn it!" malakas at galit niyang sigaw na nagpa-iktad sa akin."Bakit hindi mo na lang ako pinabayaan doon sa kalsada? Ninakaw mo ba ang mga gamit ko at sinasabi mo lang na wala kang nakita?" galit na galit ang boses na tanong nito at mahigpit akong hinawaka
"Hanggang dito na lang Mister." wika ko ng makarating kami sa paradahan. "Ano nga pa lang pangalan mo?" "I'm Hunther." walang buhay na boses niyang sagot. "Ito lang ba ang sasakyang mayroon dito? Wala bang kotse or van?"Natawa ako sa tanong niya. "May nakita ka bang nakaparadang kotse o van?" sarkastiko kong tanong sa kaniya."Tss." anito. "Okay, hanggang dito na lang Mister Hunther. Nawa'y hindi na tayo magkitang muli." wika ko, bago sumakay sa isang tricycle na papa-alis na. "I hope so." tugon niya bago tuluyang maka-alis ang tricycle na kinaruruonan ko....Nang makarating ang tricycle sa university ay bumaba na ako at nagbayad ng pamasahe. Habang naglalakad papuntang classroom ay nakasabayan ko si Marie."Hey girl!" masiglang bati nito sa akin, tinanguan ko lang ito hindi kagaya ng dati na babatiin ko rin pabalik kapag binati niya ako. "May problema ba?" tanong niya."Wala naman." matamlay kong sagot."Wait, what's this? Bakit may pasa ka?" naghihistrikal niyang sabi sa akin a
Kinaumagahan ay hindi gaanong maganda ang pakiramdam ko, mainit rin ang ibinubuga ng hininga ko. Sinipat ko ang noo at leeg ko at doon ko napagtantong mainit pala ako."Aish! Bakit ako nilalagnat?" mahina at medyo naiinis kong bulong. Bumukas ang pinto ng kwarto ko at bumungad si mama na may dala-dala ang mangkok na may lamang lugar at tubig at isang piraso ng biogesic. "Hindi ka papasok sa school, at mas lalong hindi ka papasok sa trabaho." mautoridad na sabi ni mama."Ma." nagmamakaawa kong sabi, hindi pwedi marami akong lesson na mamimiss at mababawasan ang sahod ko sa coffee shop."Huwag matigas ang ulo mo Yara. Nilalagnat ka." galit na sabi ni mama."Paano mo po nalaman?" tanong ko."Pinuntahan kita kanina at napansin kong may mali kaya sinipat sipat kita at doon ko nalamang mainit ka. Masyado mong pinapagod ang sarili mo, magpahinga ka naman." Natahimik na lang ako sa sinabi ni mama. Ito ang nag-pakain sa akin at nag-painom na rin ng gamot. Sinabi rin niyang matulog ulit ako a
Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa kaniya. Tama ako ng pagkakarinig hindi ba?"May saltik ka ba sa utak?" wala sa sariling naibulalas ko.Nandilim ang mukha nito. "I'm serious woman, you will marry me as soon as possible and you need to agree with it." Bumuntong hininga ako ng makabawi na sa pagkagulat. "Paano kung hindi ako agree?" "You need to agree." matigas at mariin niyang sabi na para bang wala akong choice kundi ang omu-o.Umiling ako. Kahit anong mangyari, hindi ako papayag. "Hindi ako magpapakasal sa'yo. Tapos ang usapan. Kung kaya mo lang ako sinundo dahil doon ay maaari mo na akong ibaba ngayon din." Saglit kaming nagkatitigan, nagsusukatan ng tingin at walang may gustong umiwas at bawiin ang tinginan sa isa't isa. Ito ang unang umiwas ng tingin, bago binuhay muli ang makina ng sasakyan."Hoy, ano ba?! Ang sabi ko ay bababa na lang ako." Pagpapalatak ko rito habang magkasalubong ang parehong kilay, ngunit hindi ito sumagot nanatili pa rin itong nakatingin ng seryos