Share

Chapter 30 (Part 2)

May isang luhang umalpas sa mga mata ko ang kaagad kong pinalis at pinagkakalas ang kanyang braso. Ngunit hinigpitan n'ya pa lalo ang pagyakap sa akin. Ayaw n'ya akong pakawalan.

Hindi ako tumigil. "W-Wayne hindi na ako makahinga." mahinang sabi ko sa kanya.

Naramdaman kong dahan-dahan lumuwag ang mga brasong nakapulupot sa akin. Kaagad akong lumayo sa kanya at nakangiting hinarap s'ya.

"Kararating mo lang ba? Kumain ka na?" tanong ko sa kanya habang panay iwas sa mapanuring mga mata n'yang nakatitig sa akin. "Wait lang at maghahain..."

"Sam..." tawag n'ya sa akin sabay abot sa kamay ko at hinatak ako palapit sa kanya.

Hindi ako makaalpas sa mahigpit n'yang hawak sa kamay ko. Kaagad n'yang hinawakan ang baba ko saka itinaas paharap sa kanya para magtama ang paningin namin. Umiwas ako pero binaling n'ya muli ang mukha ko.

I smiled at him.

He heaved out a deep sighs. "Umiyak ka ba?" nag-aalalang tanong n'ya sa akin.

Hindi ko maipaliwanag ang nakikita ko sa kanyang mga matang nakatunghay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status