Share

Chapter 31 (Part 1)

Samantha

Ano ba! Magsitigil nga muna kayo d'yan sa loob at baka may biglang sumakay. 'Di na kayo maubos-ubos.

Makailang ulit akong malalim na bumuntong-hininga habang pinapahid ang mga luhang panay ang patak sa aking mga mata.

Pagdating ko ng ground floor ay nando'n na kaagad ang kotse ni Sheeva, nag-aantay.

Bakit parang ang bilis naman nila?

Nagtataka ko pang tanong sa aking sarili. Binilisan ko na ang paglalakad. Nginitian ko si Kuya Guard ng batiin n'ya ako at pinagbuksan ng glass door.

Pagkalabas ko, lumapit ako kaagad sa kanila at pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok ako sa back seat ng kotse ni Sheeva.

Nakakunot-noo'ng isa-isa ko silang tiningnan pagkaupo ko doon. Pawang mga nakangiti sa akin at hindi ko makita ang pag-aalala sa kanilang mukha.

Katabi ko sa back seat sina Criezel at Bea. Sa driver seat naman nakaupo si Sheeva at katabi si Rose.

Kaagad pinaandar ni Sheeva ang kotse at nilisan ang lugar.

Nasa kasagsagan na kami ng byahe ay hindi ko pa rin alam kung saan kami pupunta.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status