Share

Chapter 6 (Part 1)

Samantha

Kinabukasan ay nagkatipon-tipon na naman kaming magkakaibigan kasama ang mga asawa't anak ng mga ito sa burol. Kung saan madalas naming tambayan noong mga bata pa kami.

Nagbaon kaming mga lulutuin na pagkain at doon na namin naisipan magluto. Nagvolunteer naman ang mga asawa ng mga kaibigan ko na ang mga ito na magluluto. Ang mga tsikiting naman ng mga ito, as usual, ang iingay na naglalaro ng habulan at taguan.

Maghapon kaming nagkuwentuhan at sinariwa sa aming mga alaala ang nakaraan sa burol na iyon. May malaking puno din doon malapit sa kubo na hanggang ngayon ay naroroon pa, pati na ang pinag-ukitan namin noon ng mga pangalan ng mga crush namin sa skwelahan. I smirked at the memory.

"Kumusta na kaya si Jeffrey? Dati patay na patay ka pa 'don Veron. Nakaukit pa kaya 'yong pangalan no'n sa puso mo este sa puno?" Kantyaw kong tanong dito.

Nakita kong lumingon sa gawi namin ang boyfriend nitong si Mark. Siguro narinig ang sinabi ko na ikinapula naman ng pisngi ng kaibigan ko.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status