Share

Chapter 6 (Part 2)

"No'ng mga bata pa kami ni Fernan napagkasunduan na namin na ipapakasal ang anak namin pagdating ng panahon kung sakaling magkaanak siya ng babae at sa'kin naman ay lalaki. No'ng nakaraang linggo, nang dumating sila dito, napag-usapan ulit namin 'yong tungkol doon ng magkita kami."

Ngumiwi ako. "E, hindi naman po lalaki ang anak n'yo Itay. Tsaka bakit n'yo po ipipilit na ipakasal kami, e, hindi naman namin gusto ang isa't-isa? Tsaka isa pa po bunso ako. Dapat si Ate muna ikasal bago ako."

"Lalaki 'yong mga anak n'ya, babae naman 'yong akin. Tsaka walang anak na babae si Fernan at Isme. Gusto nila isa sa anak ko maging manugang nila. Total nandito ka naman na at gusto ka nila para sa anak nila, kaya napagpasyahan ko na ikaw na lang ipakasal. At isa pa naniniwala sila na mapapatino mo ang barumbado nilang bunsong anak. Nakita nila dati na kaya mong makipagsagutan kay Miguel. Sumasakit ang ulo ng mag-asawang 'yong do'n. Kung sino-sinong babae ang bigla na lang sumusulpot sa mansyon."

Duh?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status