My heart's crumbling like crazy. Halos takbuhin ko na ang pagitan ko at ng kuwarto ni Tres sa mismong pagkababa ko sa elevator. Ni hindi ko naalala na buntis pa pala ako and that I'm bring our child. I was too excited and anxious enough to see him. Kung hindi ako pinigilan ni Dion, baka posibleng nadulas ako o madapa. "Kalma, Kriesh. You're still pregnant. You have to be careful." Paalala niya. "Okay, breath in, breath out. Relax." Sinunod ko ang instructions niya. Huminga ako ng malalim at kumalma. "Good." Bubuksan na sana namin ang pintuan, nang may maunang bumukas noon. Bumungad sa'min si Chance. Parang natataranta dahil na multo ng sino man. "Oh, Chance? Bakit ka lumabas?" Agap ni Dion. "H-ha?" Nangunot pareho ang noo namin sa kaniya. "U-Uhh, hindi kayo pwede p-pumasok." Nauutal pa itoat hindi ko malaman kung bakit siya nagkakaganito. "Bakit hindi pwede? Kailangan ko makita ang asawa ko, Chance." Kalmado pa naman ako, bahagya pa nga akong natawa dahil iniisip ko nag p-prank s
It's been a month since I walked out on that hospital room of his. Hindi na ako bumalik doon. Malaki ang tampo ko sa nangyari. Hindi ko maaatim na ituring niya ulit ako ng gano'n. Especially now, that my due is nearing. I'm now sitting here in the sofa at living area. Watching some Disney Princess. I've been into fairy tales and Barbie's as well. Hilig ko ito ng bata ako, at dahil babae ang anak ko, I want to spoil her with such amazing cartoons. Narinig kong may kotseng gumarahe, siguro sila ate na 'yon. Nagpaalam kasi sila na mag mall, ipapasyal ang mga bata. At dahil hindi pwede sa'kin ang masyadong magpagod, nagpaiwan na lang ako dito sa bahay. Nandito naman ang mga katulong. Tumayo ako at nagpunta sa entrada ng bahay para salubongin sila, nang iba ang sumalubong sa'kin. Nangunot ang noo ko. Hulaan niyo kung sino. "You're here too?" Bungad niya, umaarko ang kilay. Napameywang ako, "Why wouldn't I? Iyo ba 'tong bahay?" Napamaang siya. Kitang-kita sa kaniya na naasar siya sa
Lumipas ang mga araw. Iniiwasan ko si Tres. Because he only reminds me of his conversation with Lian. And I don't wanna hurt myself just for that. Hintayin nilang matapos ako manganak. Babawiin ko ang akin. Sa ngayon, lie low muna. Mahal ko si Tres, pero sa ngayon, mas mahal ko ang anak namin. I can't risk her, baka mapano siya. Ayokong mag-isip ng masama, kaya iniiwasan ko lahat ng posibleng maging dahilan no'n. Hindi na rin ako magugulat kung makita ko dito si Lian. Dahil asawa ko mismo ang humingi na magkita sila. Tingnan niyo, kung wala lang siyang amnesia, sinipa ko na ito palabas ng earth planet. "Kriesha, what do you want for New year's Eve?" Bukas ng gabi na kasi ang New Year's Eve and everyone here in the house ay abala sa paggawa ng mga desserts. Hindi naman mapano ang mga 'yon, dahil e freezer naman. The earlier gawin, the better. "Okay lang ako sa kahit ano, ate. Basta matamis." Sabi ko. Pinuntahan pa niya talaga ako dito sa sala para tanungin. "Mukhang mahilig rin s
"Happy New Year, everyone!" Lian's voice echoed the whole ground floor of the house. And everyone who was with me got silent and has stopped doing their things to see who just came. Ramdam ko ang pagdako ng kanilang mga tingin sa'kin. Alam ko kung ano ang mga hatid ng mga tingin nilang iyon, pero wala lang akong lakas na tingnan sila pabalik dahil kahit ako ay nahihiya sa mismong paglatad ng pagloloko sa'kin ng asawa ko. He took his mistress here, hindi man lang nag-isip. Wala yatang common sense. Ang lawak ng ngiti ni Lian. Pero nang dumako sa'kin, tila nangasim at unti-unting naglaho sa mukha niya. She even arched her brow at me, saka napadausdos ng tingin sa malaki kong tiyan. She smirked and it didn't escape my sight. "What are you implying for, Tres?" I looked at my husband na ngayo'y nakatayo sa gilid ng higad niya. Walang salita ang lumabas sa bibig niya. Napabuntong hininga. I'm trying not to calm down as much as possible, dahil baka mapaanak ako dito ng wala sa tamang o
Pagkarating nila mismo sa hospital, Kriesha was transferred quickly to the wheeled bed and was directly admitted to the operating room. She was unconscious and Tres was running beside the nurses who pushed the wheeled bed in. "Sorry, Sir. But you're not allowed to come in." nang makarating sa harapan ng OR, hinarangan siya ng isa at pinagbawalan na makapasok. Ang kaba niya, halos hindi na masukat. Litong-lito siya at kung bakit nakaramdam siya ng takot. Gayo'ng hindi niya naman kilala si Kriesha ng husto. The only thing he knows is she's his wife. But he can't remember her. Wala siyang reference para maipaglaban ang relasyon niya dito, at ang alam niyang mahal niya ay si Lian lang. Wala ng iba. Pero bakit ganito? He's feeling anxious. Natataranta at nakadama ng takot? He shouldn't be like this, right? "Please, do everything you can just to save her." pahabol niyang saad sa nurse. "We will, Sir. Rest assured that your wife will be safe." anito at tumakbo na papasok. At habang unt
Everything felt so surreal. Parang ang tagal ng ikot ng mundo para sa kanila. Waiting for five days felt so long, especially for Tres who only wishes to see his wife conscious again. Sabi ng doktor, ilang araw lang itong magpapahinga. Bakit parang natagalan ata ang ilang araw at mag isang linggo na pero hindi pa rin ito nagigising. Para siyang timang at oras-oras niya tsini-check ang paghinga at pulso ng kaniyang asawa. Maging mga kaibigan niya ay naiiling na lamang sa kaniya at mukhang wala pa talagang tiwala sa monitor na naka monitor sa bawat heart beat at pulso ng asawa. Hindi maingay si Tres. He's waiting silently. He kept his rants and questions to himself. Such as... 'I didn't know that waiting felt so impatient. Kailan ka ba magigising?''Ganito din ba ang nararamdaman mo dati while I was in coma?''They told me that you visit me at the hospital everyday. Cleaning me, talking to me and spend time to look at me. I honestly don't know how to react when you managed to do it a
Matapos ang kaganapan na nangyari no'ng araw, nag desisyong gumising na si Kriesha. Kung kailan hindi siya makikita ng asawa na gising. She rose off of her hospital bed and carefully tracked the place where the crib is situated. Hirap pa rin siya, kahit na nakakapagpahinga siya ng ilang araw mula sa pagkakapanganak. She was unconscious during the whole process, kaya't hindi pa niya nagagawang masilayan ang kaniyang unica hija. She's holding the pole where her IV drip is hanging along the way. Happiness fulfills her heart the moment she sees her baby. Sleeping safe and sound. "Anak..." finally, they met. Sa siyam na buwan na dala niya ito sa kaniyang loob, palagi siyang excited for both of them to meet. Umuklo siya palapit dito at maingat na pinakiramdaman ang malambot nitong balat at pisngi. Naiiyak siya dahil nahahawakan niya na ito. Nag-uumapaw ang kaniyang saya dahil dito, naging isa na siyang ganap na ina. Kung saan, malaya na niyang matatawag ang sarili na isang ina. Habang
Buo na ang loob ni Kriesha. Now that she finally give birth. Kaya niya ng lumaban at makipag-sabayan sa mga taong nag tangkang mang-agaw ng pag-aari niya. She smiled at her husband. Makikita sa mukha ni Tres ang pagkalito. Sino ba naman kasi ang hindi malilito, kung kanina lang ay sinabi sa kaniya ng asawa na ayus lang na may iba siyang mahal at no'ng nakaraan ay parang pinamimigay na kay Lian dahil si Lian ng mahal niya. Pero ngayon, bigla na lang itong naging witty and mapaglaro. Biglang ayaw na nitong mamigay at hindi siya parayain. "Hindi ako namimigay, Tres. Asawa kita, at ikaw ang namilit sa'kin na pakasalan ka. Hindi kita hahayaang basta mo na lang akong e dispose matapos ng lahat ng nangyari, lalong-lalo na may anak na tayo. So, go on. Mahalin mo siya, pero hindi ka makakawala sa pagkakatali mo sa'kin." she winked for the second time and gave him another peck kiss on his lips. Mabilis lang 'yon, kaya hindi siya nakapag-react agad. Dinala ni Kriesha ang kanilang anak sa ka