Share

Diez y nueve

Domino's Point Of View

Nakatunganga lang ako habang nakikinig sa klase.

Mas maaga na akong nagising kaya naman hindi na rin ako na-late. Baka maghinala na sa 'kin si Vhon kung sakaling mas atupagin ko na naman ang iba pang mga bagay kaysa sa 'pagaaral' na dapat ay inuuna ng mga 'estudyante' na katulad ko.

Bagot na napabuntong hininga ako habang pasimpleng tinitignan ang sinasabi nilang babae na naglista ng pangalan ko sa mga lalahok sa taekwondo para sa Frolics.

Kahit nakatalikod ito ay ramdam ko pa rin ang ka-demonyohan nitong taglay.

Matalim na titig ang binibigay ko sa kan'ya, yung tipong mararamdaman n'ya talaga.

"Domi... paano na yan? Marunong ka bang mag taekwondo?" rinig kong tanong ni Cel na kasalukuyang nasa tabi ko.

Agad ko namang ibinaling ang atensyon ko sa kan'ya. Bakas ang pagaalala sa mukha n'ya kaya naman nginitian ko s'ya.

"'Wag kang magalala, pwede ko namang takasan ang bagay na 'yon. At isa pa, marunong ako sa sport na 'yan—it's not like I'll die with a match
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status