Domino's Point Of ViewDark. Gloomy. Eerie. Kung i-ddescribe ko ang silid na kinaroroonan ko ang salitang iyan ang makapagbibigay hustisya sa itsura ng silid na ito. I'm dreaming–no, a nightmare... again. Ang memorya ng silid na kung saan ako namalagi noong mga oras na nagpapagaling pa ako dahil sa trauma na nakuha ko mula sa misyon ko kasama ang lalaking itinuring ko na bestfriend ko, pero kalaban pala. My foster mother... hindi n'ya ako binisita sa mga araw, linggo, buwan at taon na nagdaan. And I know for sure, na iyon ay dahil s'ya ang pinaka-unang tao na na-disappoint sa'kin. She thought she trained me well and tamed me well to be the beast that she wanted me to be. She thought I am her greates creation, a creation that she will be proud of her creation and not her daughter. Pero hindi, dahil tao lang din ako. Kahit ano pa'ng gawin n'ya sa 'kin, ay tao lang din ako't may emosyon at nararamdaman din. I can't be the beast or the robot that she wanted me to be.I hate her....
Domino's Point Of ViewHindi ko alam kung ilang oras ang tulog ko nang magising ako dahil sa malalakas na tunog na nanggagaling sa pinto ng apartment ko. Hindi soundproof ang kwarto, kaya naman rinig ko ang mga nangyayari sa labas. For pete's sake, alas dos na ng madaling araw!Agad akong tumayo, naging alerto habang dahan-dahan na binuksan ang pinto ng kwarto. Maingat at walang tunog ay paglakad na ginawa ko palapit sa salas at pinto ng apartment. Inilibot ko pa ang paningin ko para maghanap ng mga bagay na pwede kong gamitin kung sakali man na kalaban ang nasa labas ng pinto. Pero sigurado akong walang magandang maidudulot ang nasa labas ng pinto na ito. Wala naman kasing ibang pwedeng mangbulabog sa 'kin ng ganitong oras. Malalakas ang mga katok sa pinto, pero wala naman akong marinig na boses o iba pang ingay na nagmumula sa taong nasa likod nito. I sighed when I realized something. Base sa patuloy na pagkatok na ginagawa nito, mukhang walang plano ang taong nasa likod ng pinto
Domino's Point Of ViewLumaki ang gatla sa noo ko dahil sa eksenang nasa harap ko. "Bakit andito ka pa rin? Talagang paborito mo kong pikunin, eh 'no?" sabi ko habang masama ang tingin na ipinupukol sa kan'ya. Nakakainis lang, handa na sana akong iwasan s'ya ngayong araw pero 'eto s'ya ngayon at nasa harap ko. Hindi ko nga alam kung bakit ako kinakabahan—ang bilis kasi ng tibok ng puso ko, at isa pa ay bigla-bigla nalang nag-fflashback sa utak ko ang ginawa namin kagabi! Rinig ko ang mahina n'yang pagtawa bago s'ya lumapit sa lagayan ng pinggan. "You only have eggs in your refrigerator, kaya omelet lang ang nailuto ko—mas marami pa ang chuckie na nasa loob–pfft." sabi n'ya habang naglalagay ng mga plato sa lamesa. Hindi ko talaga alam kung matutuwa ba ako o maiinis lalo na't tinatawanan n'ya ako! I groaned. "Ang aga-aga namb-bwisit ka, sir—kanina ka pa ha!" iritado sabi ko atsaka pumasok sa banyo dahil may bigla akong naalala.Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa salamin.
Domino's Point Of ViewNapakamot nalang ako sa ulo ko nang makarating ako sa school. Nasaraduhan na naman ako ng gate! At kasalanan 'yon ng letseng kapitbahay ko.Kung hindi ba naman istorbo sa madaling araw at umaga, siguradong maayos ang naging takbo ng araw ko umaga pa lang. Malalim na hininga ang pinakawalan ko atsaka sinipa ang batong na nasa tapat ng paa ko. "Nakakainis." mahinang bulong ko atsaka nagsimula ng maglakad palayo sa saradong gate ng school. Mainit ang sinag ng araw na tumatama sa mukha at balat ko, pero hindi ko na alintana 'yon dahil wala naman akong magagawa. Sa halip ay hinubad ko nalang ang vest ko at ginamit iyon para gawing silungan laban sa sinag ng araw. Napabuntong-hininga na naman ako. Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada habang nagiisip kung ano ang gagawin ko ngayong araw. Hindi pa rin kasi ako nakatanggap ng tawag mula kay Xyria simula ng araw na 'yon. Sigurado rin naman ako na wala na silang sa lugar na 'yon dahil 'yon ang sinabi nila
Domino's Point Of ViewSa tanang buhay ko, ngayon ko palang naranasan na ma-bwisit ng sobra sa isang tao. 'Yong tipong gusto ko na s'yang tirisin ng buhay! "Oh my..." rinig kong sabi ni Dalius na kasalukuyang nakatayo sa likod ni Vhon. Habang si Vhon naman ay nakatingin pa rin sa 'kin. I rolled my eyes at him before glancing at Perseus. "Ikaw! Labas na agad! Talagang binubwisit mo 'ko." Tumawa lang naman ito bago sinunod ang gusto ko. Nanatili akong tahimik atsaka ini-lock na ang pinto ng apartment ko. Nakatayo pa rin si Vhon sa harap ko pero sinadya kong hindi s'ya pansin ang nagsimula ng humakbang palayo sana sa kan'ya. Pero naka-dalawang hakbang palang ako ay hinatak n'ya na ang pulsuhan ko atsaka nakipagtitigan sa 'kin. Narinig ko pa ang pagsipol ni Dalius at Perseus ba kasalukuyan at pareho nasa likod namin. Sinamaan ko lang sila ng tingin bago ko lakas loob na sinalubong naman ang tingin ng lalaking may hawak sa 'kin. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko." mariing sabi n'y
Domino's Point Of View Nakatunganga lang ako habang nakikinig sa klase. Mas maaga na akong nagising kaya naman hindi na rin ako na-late. Baka maghinala na sa 'kin si Vhon kung sakaling mas atupagin ko na naman ang iba pang mga bagay kaysa sa 'pagaaral' na dapat ay inuuna ng mga 'estudyante' na katulad ko. Bagot na napabuntong hininga ako habang pasimpleng tinitignan ang sinasabi nilang babae na naglista ng pangalan ko sa mga lalahok sa taekwondo para sa Frolics. Kahit nakatalikod ito ay ramdam ko pa rin ang ka-demonyohan nitong taglay. Matalim na titig ang binibigay ko sa kan'ya, yung tipong mararamdaman n'ya talaga. "Domi... paano na yan? Marunong ka bang mag taekwondo?" rinig kong tanong ni Cel na kasalukuyang nasa tabi ko. Agad ko namang ibinaling ang atensyon ko sa kan'ya. Bakas ang pagaalala sa mukha n'ya kaya naman nginitian ko s'ya. "'Wag kang magalala, pwede ko namang takasan ang bagay na 'yon. At isa pa, marunong ako sa sport na 'yan—it's not like I'll die with a match
Domino's Point Of ViewHindi ako mapakali sa apat pang oras na nasa loob ako ng classroom at nakikinig sa klase ng teacher na hindi ko na naman kilala. But he's teaching us gen math—na obviously ay alam ko na. It's been four hours mula nang magsimula ang afternoon class, at thirty minutes pa bago matapos! It's already four thirty p.m.! At alas sinco ang usapan namin ni Xy. Siguradong mapipikon na naman sa 'kin ang babaeng 'yon kapag nahuli na naman ako sa oras na pinagusapan. "D-domi, ayos ka lang? Masakit ba dibdib mong napaso kanina?" mahinang tanong ni Cel sa 'kin. Akmang iiling na ako para tumanggi nang makaisip ako ng paraan.Hinawakan ko ang dibdib atsaka umakto na nasasaktan. "O-oo eh, gusto ko na sanang umuwi at magpahinga. Matagal pa bang matapos 'to?" kunwari ay nahihirapang huminga na sabi ko. Nataranta naman si Cel habang nakatingin sa 'kin, kinuha n'ya pa ang water bottle n'ya atsaka ibinigay 'yon sa 'kin. Lihim akong napangiti nang bigla s'yang tumayo. "Yes, Ms. Go
Domino's Point Of ViewMabigat ang atmosphere sa pagitan naming tatlo. Normal lang ito sa tuwing ang pinaguusapan namin ay tungkol sa mga misyon. We're trained to take our mission seriously and finish it without a fail. Ang bagay na hindi ko alam kung nagagawa ko ba ngayon sa misyon ko na konektado kay Vhon Xandreus Darwish. Naguguluhan pa rin ako sa mga nararamdaman ko sa tuwing malapit s'ya. I was anxious and it's because I am aware that he's an enemy. I am anxious because of the wierd feeling that I felt whenever he's near or does something silly. Nag-angat ako ng tingin kay Maia. Something's not right about her. Mas naging tahimik s'ya kumpara sa huling beses na nagkita kami. "Maia." tawag pansin ko sa atensyon n'ya, but to my surprise ay hindi s'ya tumingin sa 'kin. Nag-katinginan na rin kami ni Xy dahil sa pagtataka sa inaakto n'ya. Tumikhim ako. "Maia!" muli kong tawag sa pangalan n'ya na ngayon ay may kalakasan na. Literal na nagulat s'ya dahil sa may kalakasang pagtaw