AGAD binawi ni Varun ang pansin kay Pamela. Dinampot niya ang telepono na patuloy lamang sa pagtunog. "Hello? Yes, Mrs. Francia. Yeah I know, hayaan mo at ako ang kakausap kay Mang Hector. Yes, thank you," sagot ng binata sa kausap nito sa telepono.
Dahil sa mga naringgan niyang mga pangungusap sa binata'y bigla siyang napaisip.
"Maari ka nang lumabas ng aking opisina, Ms. Juan. Puntahan mo si Mrs. Francia dahil ituturo niya sa'yo ang mga dapat mong gawin bilang secretary ko,” paliwanag ng binata sa kaniya.
"Okay, Sir," tugon ng dalaga rito.
Pipihitin na sana ni Pamela ang seradura ng pinto nang muli niyang lingunin si Varun. Nanatili pa rin namang abala ito sa ginagawa sa work desk nito.
"Ahm, Sir, maaari ka bang makausap? A-about the scene this morning sa matandang guwardiya. Alam mo kasi. . ." biglang saad niya upang tuluyang ma
INIWANAN ng masamang tingin ni Varun ang lalaking kausap ni Pamela. Pauwi na siya galing sa bar kung saan lagi siyang pumupunta kapag gusto niyang makalimot. Ang sabi ng kaibigan niyang si Manny at may-ari rin ng bar na may bagong pasok na babaeng tiyak nitong matitipuhan niya. Ngunit sa pagkadismaya niya, naburo lang ang babaeng ipina-table sa kaniya. Patapos na siya sa pag-inom nang mapansin niyang kung saan-saan na humahaplos ang malilikot na kamay ng babae. Willing itong magpa-take out at maikama nang walang bayad ngunit tinanggihan niya lang ito. Binigyan na lamang niya ng malaking tip ang babae bago siya tuluyang umalis.Heto nga siya at kasalukuyang nagdadrive sa kaniyang minamanehong kotse. Katabi niya si Pamela. Kahit nakainom ay kaya pa niyang mag-drive. Hindi pa naman siya nadidisgrasya sa daan kahit kailan. Nang nag-red light ay tinapunan niya saglit ang dalaga mula sa kinauupuan nito. Nakita niyang himbing na himbing na
"I-I'm sorry," tanging nasabi lamang ni Pamela. Dahan-dahan siyang naglakad at hinawakan ang mga kamay ni Haime. Sa pagkagulat ni Pamela at Varun, biglang tumunog nang pagkalakas-lakas ang makinang nagbibigay buhay kay Haime. Biglang nabitiwan ng dalaga ang kamay nito dahil tuluyang nanginig ang katawan nito. Tuluyang naestatwa si Pamela at hindi niya alam ang gagawin."Anong nangyari?" tanong ni Samantha. Nagmadali na siyang kumuha ng mga gamit sa katabing lamesa ng kama ni Haime."Excuse me, puwedeng lumabas ka na?!" marahas na anas ni Samantha.Napaatras pa si Pamela dahil tinabig siya nito. Agad siyang tumalikod, habang sapo pa rin niya ang bibig. Patuloy lamang siya sa mabigat na pagtangis. Ewan niya pero labis-labis ang pag-aalalang nararamdaman niya kay Haime. Mayamaya'y naramdaman ni Pamela ang pagdantay ng kamay ni Varun sa braso niya."Halika na muna sa labas,
MANAKA-NAKANG sumusulyap sa relong suot niya si Varun. Kanina pa sila naghihintay ng kasama niya. Mukha inindian na sila ng imi-meet nito. Halos nakakalahati na niya ang iniinom na brandy."Hindi pa ba tayo uuwi Elios? Mukhang hindi ka na sisiputin ng mga iyon," walang-gana niyang sabi sa kasama.Actually, kanina niya lamang nalaman na may pamangkin si Haime. Kahit matagal niyang kasama at halos pamilya na ang turing sa kaniya ni Haime ay madami pa rin pala siyang hindi nalalaman dito. Kauuwi lang ng mga ito galing America. Ang kuwento nito sa kaniya ay doon na sila tumira at nag-aral magmula ng mawala ang Mom ng mga ito. Mukhang madali niyang makakasundo ang mga ito. Isa lang ang natitiyak niyang mahihirapan siya. Magkamukhang-magkamukha kasi ang dalawa."Tumahimik ka nga, Kuya Varun, kaloka naman kasi si Art! Lagi na lang ako ang ipinapasubo kapag may mga ganito,
NAGDIDILIM ang isip niya, tila'y gusto niyang pumatay ng tao sa mga sandaling iyon. Hindi na siya natutuwa sa mga nangyayari, napakahabang taon na rin ng ipinaghintay niya. Kung hindi lang sila umalis ng bansa ay noon pa niya napasakamay si Pamela. Agad siyang kumuha ng baso at sinalinan iyon ng alak na nasa mini bar ng kanilang mansyon. Kailangan niyang uminom ng alak para ma-relax at makapag-isip siya ng mga susunod niyang hakbang. Nasa kaligitnaan na siya ng pag-inom ng dumating ang Ate niya. Nakita pa niyang ngiting-ngiti itong pumasok, ngunit biglang napawi ang maluwang na ngiti sa labi nito pagkakita sa kaniya. "Hoy, Nathaniel, mag-usap nga tayo. May binabalak ka na naman bang masama kay Pamela?! Kung meron man, puwes itigil mo 'yan kung hindi ako mismo ang magsasabi kay Dad na ipabalik ka sa London," mariing banta ni Andrea sa kaniya. Hindi niya ito sinagot, bagkus tuloy
HALOS ilang buwan na rin ang lumilipas, hindi niya aakalain na sa mga Buwan na nagdaan ay hindi siya pinayagan ng binata na makalapit dito. Nais niyang magdamdam dito ng sobra ngunit hindi niya ginawa. Marahil ay may sarili itong dahilan. Masakit sa kanya na ganoon nalang siya kadaling isantabi ng binata. Akala niya ay totoo ang nararamdaman nito sa kanya. Halos ipaglaban pa niya ang binata sa Ate Camella niya ng malaman nga nito na magnobyo na sila. Kahapon muli na naman siyang sinugod ng Ate niya sa cafeteria. Nalaman nitong sa condominium siya ni Andrea nakikitira pansamantala. Galit na galit ang Ate niya dahil sa ilang beses na niyang kinontra ang mga gustong ipagawa nito sa kanya:ANG PAKASALAN SI NATHANIEL. Kahit kailan ay hindi niya ito susundin, kung sana maaari lang niyang sabihin ang lahat dito ay ginawa na niya. Pero mu
ISANG mabining halik sa noo ang ibinigay ni Varun kay Pamela. His very glad really na siya ang kauna-unahang lalaki sa buhay ng dalaga. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayap sa dalaga. Nakatulog ito matapos ang namagitan sa kanila. Hinayaan niya munang magpahinga ito, tiyak niyang napagod niya ito sa nangyari sa kanila. Agad siyang tumayo, hindi siya nag-abalang magdamit, naglakad siya papunta sa mini ref na nasa kanyang opisina. Agad siyang kumuha ng bottled water at binuksan iyon, halos masaid ang laman niyon pagkatapos na dire-diretsong uminom. Muli ay bumaling ang pansin niya mula sa natutulog na dalaga. Ang payapang mukha nito habang tulog ay nagbibigay payapa sa kanya, ang namumulang labi nito na nangangako ng laksa-laksang ligaya... Nakaside view ito paharap sa kanya kaya kitang-kita ng binata ang malulusog na dib-dib ng dalaga. Bigla ang panunuyo ng lalamu
PILIT na nilalabanan ni Pamela ang nerbiyos ng makita niya ang napakaraming tao. Halos naroon sa party na isinagawa ng Papa niya ngayong gabi ang iba’t ibang klase ng tao sa lipunan. May mangilan-ngilan na mga Senador at Kongresista. Mga may sinasabi at kilalang tao sa lipunan ang pangunahing mga bisita nila sa gabing iyon. Hindi aakalain ni Pamela na ganoon kataniyag na tao ang Ama niya. Mayamaya’y naramdaman niya ang marahan paghapit ni Varun sa kaniyang beywang. Marahan siyang napapikit nang bigyan siya ni Varun ng maiksing halik sa noo. “You’re so beautiful tonight, my loves. . .” may halong kislap ng pagmamahal ang nabanaag ng dalaga kay Varun. “Same as you my handsome husband to be. . .” masiglang sagot niya rito. Pinisil lamang ni Varun ang tungki ng ilong ng dalaga. Mayamaya’y narinig na nila ang pag-uumpisa ng party. Sayawan, tugtugan at mangilan-ngilan pagkukumpulan
KATULAD ng pangkaraniwan pamilya ay namuhay sina Varun at Pamela ng matiwasay. Magkagayunman ay hindi nawawala ang minsan pagkakaroon nila ng hindi pagkakaunawaan. Pero dahil sa nanatiling nakikinig ang bawat isa sa kanila ay nalalagpasan naman nila iyon.AGAD na binuhat ni Varun si Pamela papunta sa suits nilang mag-asawa sa Skylofts at MGM Hotels."Ano ba Varun! Ibaba mo nga ako, nakakahiya sa mga tao!"natatawang ani ni Pamela na tinapik pa ang matikas na dibdib ng asawa.Pagkakababa pa lang kasi nila sa inarkilang sasakiyan ni Varun ay hindi na siya hinayaan ng asawa na maglakad papasok sa hotel. Bagkos ay binuhat siya nito agad-agad. Na tila sila bagong kasal."Bakit mo iisipin ang ibang tao Loves, we're here in Las Vegas para magpakasaya. Hindi para pakialaman ng ibang tao, okay? Miss where's the key of our room?"Baling ni Varun sa lady receptionist. Ngiting-ngiti ito sa kanila na tila kinikilig sa ka-sweetan nila."Oh! sorry sir,