PANAY salin ng mamahalin Gilbey’s wine sa wine glass si Pamela ng mga sandaling iyon. Ilang araw ng nasa ganoon siyang sitwasyon, hindi na niya malaman kung anong araw o oras siya kailan siya nag-umpisang uminom. Basta naalala lang niya, magmula ng makarating sila sa kabilang side ng bundok kung saan naroon si Amanda Veron kasama ang yaya nito at ni Johann ay dali-dali na rin siyang nag-ayang bumaba na ng bundok.
Kahit ang totoo sa kabila ng magandang makikita roon na tila humahalik ang langit sa kanila ay hindi iyon napigilan ang urge niyang umuwi na sa mansyon nila rito sa San Salvation.
Grabeng pang-aaway pa ang ginawa ni Pamela kay Varun ipinilit niyang kontakin nito si Captain Jack ang piloto sa pagmamay-ari nitong chopper na papuntahin at sundin sila roon para mabilis silang makauwing mag-ina. Atat siyang makalayo sa paningin ng ex husband niya!
“So you’re here the great fabulous Pamela Villaruel!”Bati
AFTER TWO YEARS NAGMADALI sa pagpanhik ng hagdan si Varun, kahahatid lamang nito kay Amanda Veron sa hipag niya. Agad na siyang dumiretso sa banyo upang maligo. Marami siyang aasikasuhin para sa ikasampung anibersaryo nila ni Pamela bilang mag-asawa. Mabuti na lamang at nakakunchaba ni Varun si Andrea na tulungan siya sa gagawin niyang surprise party para sa asawa. Patapos na siya sa paliligo nang biglang nawalan ng kuryenti. “Damn it! Ngayon pa talaga!” mura ni Varun. Agad na nitong hinablot sa sampayan ang tuwalya niya. Palabas na siya nang biglang may maapakan siya mula sa sahig na siyang dahilan ng pagkadulas nito at pagdidilim ng lahat sa kaniya. UNTI-UNTING iminulat ni Varun ang mga mata. Unang tumambad sa paningin niya ang maamong mukha ni Pamela, habang katabi nito si Amanda Veron. Nasa mukha ng dalawa ang labis na pag-aalala. “Daddy! How are you? Are you okay
MATAMAN na nakatanaw mula sa labas si Varun, kung saan tanaw na tanaw niya ang lawak ng siyudad. Kita niya ang mga nagkukumpulan at nagliliitang sasakiyan mula sa ibaba na paroo't parito.Mga nagtatayugang building na kalapit din ng konkreto na kanyang kinaroroonan. Kasalukuyan siyang nasa ikadalawampu't limang palapag ng kumpanyang pag-aari niya mismo.Sa mga nakalipas na araw ay naging busy siya sa mga business meeting, proposal niya sa iba't-ibang panig ng Bansa.Ngayon lang siya nakapagmuni-muni.Nasa kasarapan na siya sa pagmamasid ng may isang katok ang umagaw sa kanyang atensyon.Hindi na niya pinagkaabalahang usisain kung sino ito, dahil nakatitiyak niyang si Mrs. Francia lang naman na kanyang personal secretary ang inaasahan niya sa mga oras na iyon.Nakatitiyak niyang bit-bit na nito ang mga ipinaasikaso niyang dokumento."Come in,"bigkas niya. Lumukob ang baritonon
MALAKAS ang buhos ng ulan sa mga sandaling iyon, habang mabibilis ang mga hakbang nila ng kasama niya pauwi.Naabutan na sila ng malakas na ulan, halos takbuhin na nila ang tarangkahan ng malaking mansyon na pag-aari nina Camella.Malakas ang ginawang pagsara ni Camella ng makapal at malaking pinto na yari sa pinakinis na narra. Ang desinyo nito'y tila sa mga nagkaunang bahay noong mga panahon pa na sinakop ang Pilipinas ng Bansang Espanya. Kung saan may mangilan-ngilan na mga katutubong Filipina ang nakapag-asawa ng mga dayuhan sa nasabing bansa.Madidinig ang malakas na halakhak ng dalawa sa kabuun ng maranghiyang sala ng mga Juan. Hindi na nila napansin ang pagsunod ng isang pares ng mata patungkol sa kanila."Mabuti at nakalusot tayo kay Mang Pedring, tiyak kong isusumbong na naman ako niyon kay Daddy! Sipsip kasi masyado!"Tuloy-tuloy na sabi ni Camella, habang naglalabas ito ng sigarilyo sa kabinet at mga can beer na nasa
MABILIS na pinasadaan ni Varun Sebastian ang harapan ng main building na pag-aari niya mismo.Agad niyang miniobra ang dalang kotse sa exclusive parking lot na para sa kanya lamang. Matapos niyang maiparada ang sasakiyan ay agad na niyang binunot ang susi sa keyhole ng kanyang kotse.Bitbit ang attache case ay tuluyan na niyang pinindot ang lock button para sa kanyang kotse.Marahan niyang isinilid sa bulsa ang kaliwang kamay. Mabibilis ang mga hakbang niya papasok sa loob ng establisyemento, agad ang pagtango ng security guard sa kanya ng makita siya ang papasok sa glass door.Nakakitaan niya ng kaba ang itsura ng matandang kawani matapos niyang tanguan ito. Mapapansin ang pangingilag nito sa kanya na hindi bago sa kanya, sanay na siya sa mga ganitong iniakto ng mga kawani ng kumpanya niya na mas malaking pabor sa kanya.Nag-uumpisa pa lamang ang business niya'y naroroon na ito. Kapansin-pansin ang
AGAD nabaling ang pansin ni Varun sa pinto ng elevator nang kusang bumukas iyon.Isinilid na niya ang kanyang aparato,matapos siyang makipag-usap sa taong inatasan niyang mag-imbestiga.Ilang hakbang ang ginawa pa bago tuluyang sapitin ng paa niya ang bukana ng kanyang private office. Napabaling siya sa wall clock na nasa gilidang bahagi ng hallway, alas-siyete pa lang naman. Kahit kailan ay 'di pa siya naatraso sa oras ng pagpasok.Bagama't siya ang boss ay hindi iyon invalid reason na hindi siya pumasok sa takdang-oras.Ini-implement niya iyon na kahit na sino ay hindi magiging eksempsyon sa mga panuntunan niya sa kaniyang establisyemento. Kahit na sino... kahit na siya.May karampatang parusa ang magiging pasaway sa kanyang kumpanya.Pagkatapos niyang iswipe ang kanyang ID card at ilagay ang kanyang thumbnail para sa finger print at i-scan ang kanyang mga mata ay tuluyan na siyang nakapasok sa loob.
NAPASULYAP si Varun ng makarinig siya ng marahang katok mula sa pintuan.Isang pamilyar na mukha ang sumungaw roon, kalakip niyon ang nakapaskil na sedaktibong ngiti.Walang patumanging naglakad ito papasok sa kanyang opisina, hindi alintana ang pagsunod ng kanyang sekretarya rito."Sorry Sir, sinabi kong may kasalukuyan kayong kinakausap dito sa loob ng opisina pero pinagpilitan pa rin po niyang pumasok."agad na eksplika nito."It's okay Mrs. Francia."maiksi naman niyang tugon dito."Sige mauna na ako pre, may dadaanan pa ako. I'll call you later kapag may bagong update ulit."makahulugang saad nito, maiksi lamang sinulyapan ng binatang detective ang babae.Nagpalitan lamang ng ngiti ang dalawa.Matapos maisarado ni Gabriel ang pinto ay agad ng naupo sa upuan ito.Isang matipid na ngiti ang iginawad ni Varun sa labi."Ano na naman bang kailangan mo Camella, hind
GULAT at pagkamangha ang bumalot sa sistema ni Pamela ng makaharap niya si Varun.Hindi niya aakalain na makikita niya ito, oo matagal na niyang hinahanap ang lalaki sa mga nakalipas na taon.Mabuti nalang at nasabi ng ate Camella niya na umuwi na ng Bansa ang binata.Labis-labis ang kasiyahan at pagkasabik ang namayani sa puso niya ng maconfirm niya mismo na narito na nga ito ng Pilipinas. Heto nga't nasa harapan na niya ito mismo.At katulad ng inaasahan niya, napakaguwapo pa rin nito. Sa dami ng mga naggagwapuhang adonis na nakilala niya'y isa ito sa mga lalaki na habang nagkakaedad lalong gumagwapo. Kaya magpahanggang ngayon, wala pa siyang nagiging nobyo. Nakikipagdate din naman siya, pero hanggang doon lamang siya.Sa mga lumipas na taon bagamat walang araw na lagi siyang nahihirapan sa pakikisama sa Daddy niya'y pinatili niyang focus at hindi siya tinatablan sa mga ginawang pagpapahirap nito sa
NAPADILAT siya ng mata nang maramdaman niya ang pagkabasa sa kaniyang mukha ng malamig na tubig upang maging dahilan ng pagkakabalikwas niya at mapaubo siya ng ilang beses. Ramdam niya ang isang pares ng mga mata mula sa kaniyang kinahihigaang sementadong lapag ng kulungan. Madilim sa kaniyang kinaroroonan kaya hindi niya maaninag nang husto ang mukha ng taong nakatunghay sa kaniya. Ang huling naalala niya'y pinagtulungan siyang bugbugin ng mga kasama niya sa kulungan. Marahan niyang inilibot sa kabuuan ng silid ang kaniyang mga mata na patuloy pa rin sa pag-adjust sa madilim na kinaroroonan. Mula sa kinasasadlakan, naaninag niya ang isang bombilya na nakabitin sa ere, kung saan may lamesa na nakatapat mula roon. May mga na