GULAT at pagkamangha ang bumalot sa sistema ni Pamela ng makaharap niya si Varun.
Hindi niya aakalain na makikita niya ito, oo matagal na niyang hinahanap ang lalaki sa mga nakalipas na taon.Mabuti nalang at nasabi ng ate Camella niya na umuwi na ng Bansa ang binata. Labis-labis ang kasiyahan at pagkasabik ang namayani sa puso niya ng maconfirm niya mismo na narito na nga ito ng Pilipinas. Heto nga't nasa harapan na niya ito mismo.At katulad ng inaasahan niya, napakaguwapo pa rin nito. Sa dami ng mga naggagwapuhang adonis na nakilala niya'y isa ito sa mga lalaki na habang nagkakaedad lalong gumagwapo. Kaya magpahanggang ngayon, wala pa siyang nagiging nobyo. Nakikipagdate din naman siya, pero hanggang doon lamang siya.Sa mga lumipas na taon bagamat walang araw na lagi siyang nahihirapan sa pakikisama sa Daddy niya'y pinatili niyang focus at hindi siya tinatablan sa mga ginawang pagpapahirap nito saNAPADILAT siya ng mata nang maramdaman niya ang pagkabasa sa kaniyang mukha ng malamig na tubig upang maging dahilan ng pagkakabalikwas niya at mapaubo siya ng ilang beses. Ramdam niya ang isang pares ng mga mata mula sa kaniyang kinahihigaang sementadong lapag ng kulungan. Madilim sa kaniyang kinaroroonan kaya hindi niya maaninag nang husto ang mukha ng taong nakatunghay sa kaniya. Ang huling naalala niya'y pinagtulungan siyang bugbugin ng mga kasama niya sa kulungan. Marahan niyang inilibot sa kabuuan ng silid ang kaniyang mga mata na patuloy pa rin sa pag-adjust sa madilim na kinaroroonan. Mula sa kinasasadlakan, naaninag niya ang isang bombilya na nakabitin sa ere, kung saan may lamesa na nakatapat mula roon. May mga na
ISANG nahihiyang ngiti ang ipinaskil ni Pamela nang tuluyan ngang mapagbuksan siya ni Camella ng pinto. Nakita niya ang lantarang pagsimangot ng Ate niya sa kaniya. Bagama't nahihiya ay pinakapal na lang niya ang mukha. Wala kasi siyang ibang mapupuntahan.Sa totoo lang, daig pa nila ang daga sa kahirapan. Tumawag kaninang pauwi siya ang bangko at sisimulan na raw ang pagkuha ng mga gamit sa kanilang mansyon. Maski ang hacienda nila'y tuluyan nang inilit ng pinagkakautangan ng ama niya. Lalong nadagdagan ang bigat na nadarama niya sa dibdib nang mapag-alaman niyang inilipat na ng ibang kulungan ang Daddy Crisanto niya.Sa ibang araw na lang niya dadalawin ang ama kapag nagkaoras siya. Sa ngayon ay kailangan niyang maghanap ng mapapasukang trabaho. Sa totoo lang, parang alanganin siyang makapasok sa kumpaniya ni Varun. Paano ba naman kasi, siya ang naging dahilan kung bakit ito naipakulong dati. Kung nagpigil na
AGAD binawi ni Varun ang pansin kay Pamela. Dinampot niya ang telepono na patuloy lamang sa pagtunog. "Hello? Yes, Mrs. Francia. Yeah I know, hayaan mo at ako ang kakausap kay Mang Hector. Yes, thank you," sagot ng binata sa kausap nito sa telepono.Dahil sa mga naringgan niyang mga pangungusap sa binata'y bigla siyang napaisip."Maari ka nang lumabas ng aking opisina, Ms. Juan. Puntahan mo si Mrs. Francia dahil ituturo niya sa'yo ang mga dapat mong gawin bilang secretary ko,” paliwanag ng binata sa kaniya."Okay, Sir," tugon ng dalaga rito.Pipihitin na sana ni Pamela ang seradura ng pinto nang muli niyang lingunin si Varun. Nanatili pa rin namang abala ito sa ginagawa sa work desk nito."Ahm, Sir, maaari ka bang makausap? A-about the scene this morning sa matandang guwardiya. Alam mo kasi. . ." biglang saad niya upang tuluyang ma
INIWANAN ng masamang tingin ni Varun ang lalaking kausap ni Pamela. Pauwi na siya galing sa bar kung saan lagi siyang pumupunta kapag gusto niyang makalimot. Ang sabi ng kaibigan niyang si Manny at may-ari rin ng bar na may bagong pasok na babaeng tiyak nitong matitipuhan niya. Ngunit sa pagkadismaya niya, naburo lang ang babaeng ipina-table sa kaniya. Patapos na siya sa pag-inom nang mapansin niyang kung saan-saan na humahaplos ang malilikot na kamay ng babae. Willing itong magpa-take out at maikama nang walang bayad ngunit tinanggihan niya lang ito. Binigyan na lamang niya ng malaking tip ang babae bago siya tuluyang umalis.Heto nga siya at kasalukuyang nagdadrive sa kaniyang minamanehong kotse. Katabi niya si Pamela. Kahit nakainom ay kaya pa niyang mag-drive. Hindi pa naman siya nadidisgrasya sa daan kahit kailan. Nang nag-red light ay tinapunan niya saglit ang dalaga mula sa kinauupuan nito. Nakita niyang himbing na himbing na
"I-I'm sorry," tanging nasabi lamang ni Pamela. Dahan-dahan siyang naglakad at hinawakan ang mga kamay ni Haime. Sa pagkagulat ni Pamela at Varun, biglang tumunog nang pagkalakas-lakas ang makinang nagbibigay buhay kay Haime. Biglang nabitiwan ng dalaga ang kamay nito dahil tuluyang nanginig ang katawan nito. Tuluyang naestatwa si Pamela at hindi niya alam ang gagawin."Anong nangyari?" tanong ni Samantha. Nagmadali na siyang kumuha ng mga gamit sa katabing lamesa ng kama ni Haime."Excuse me, puwedeng lumabas ka na?!" marahas na anas ni Samantha.Napaatras pa si Pamela dahil tinabig siya nito. Agad siyang tumalikod, habang sapo pa rin niya ang bibig. Patuloy lamang siya sa mabigat na pagtangis. Ewan niya pero labis-labis ang pag-aalalang nararamdaman niya kay Haime. Mayamaya'y naramdaman ni Pamela ang pagdantay ng kamay ni Varun sa braso niya."Halika na muna sa labas,
MANAKA-NAKANG sumusulyap sa relong suot niya si Varun. Kanina pa sila naghihintay ng kasama niya. Mukha inindian na sila ng imi-meet nito. Halos nakakalahati na niya ang iniinom na brandy."Hindi pa ba tayo uuwi Elios? Mukhang hindi ka na sisiputin ng mga iyon," walang-gana niyang sabi sa kasama.Actually, kanina niya lamang nalaman na may pamangkin si Haime. Kahit matagal niyang kasama at halos pamilya na ang turing sa kaniya ni Haime ay madami pa rin pala siyang hindi nalalaman dito. Kauuwi lang ng mga ito galing America. Ang kuwento nito sa kaniya ay doon na sila tumira at nag-aral magmula ng mawala ang Mom ng mga ito. Mukhang madali niyang makakasundo ang mga ito. Isa lang ang natitiyak niyang mahihirapan siya. Magkamukhang-magkamukha kasi ang dalawa."Tumahimik ka nga, Kuya Varun, kaloka naman kasi si Art! Lagi na lang ako ang ipinapasubo kapag may mga ganito,
NAGDIDILIM ang isip niya, tila'y gusto niyang pumatay ng tao sa mga sandaling iyon. Hindi na siya natutuwa sa mga nangyayari, napakahabang taon na rin ng ipinaghintay niya. Kung hindi lang sila umalis ng bansa ay noon pa niya napasakamay si Pamela. Agad siyang kumuha ng baso at sinalinan iyon ng alak na nasa mini bar ng kanilang mansyon. Kailangan niyang uminom ng alak para ma-relax at makapag-isip siya ng mga susunod niyang hakbang. Nasa kaligitnaan na siya ng pag-inom ng dumating ang Ate niya. Nakita pa niyang ngiting-ngiti itong pumasok, ngunit biglang napawi ang maluwang na ngiti sa labi nito pagkakita sa kaniya. "Hoy, Nathaniel, mag-usap nga tayo. May binabalak ka na naman bang masama kay Pamela?! Kung meron man, puwes itigil mo 'yan kung hindi ako mismo ang magsasabi kay Dad na ipabalik ka sa London," mariing banta ni Andrea sa kaniya. Hindi niya ito sinagot, bagkus tuloy
HALOS ilang buwan na rin ang lumilipas, hindi niya aakalain na sa mga Buwan na nagdaan ay hindi siya pinayagan ng binata na makalapit dito. Nais niyang magdamdam dito ng sobra ngunit hindi niya ginawa. Marahil ay may sarili itong dahilan. Masakit sa kanya na ganoon nalang siya kadaling isantabi ng binata. Akala niya ay totoo ang nararamdaman nito sa kanya. Halos ipaglaban pa niya ang binata sa Ate Camella niya ng malaman nga nito na magnobyo na sila. Kahapon muli na naman siyang sinugod ng Ate niya sa cafeteria. Nalaman nitong sa condominium siya ni Andrea nakikitira pansamantala. Galit na galit ang Ate niya dahil sa ilang beses na niyang kinontra ang mga gustong ipagawa nito sa kanya:ANG PAKASALAN SI NATHANIEL. Kahit kailan ay hindi niya ito susundin, kung sana maaari lang niyang sabihin ang lahat dito ay ginawa na niya. Pero mu