Share

Chapter 13

"Sigurado ka bang 'di ka papasok sa last class?"

Nagliligpit ako ng nga gamit ko nang marinig ko si Alise. Tumango lang ako sa kanya dahil may excuse letter naman ako galing kay ma'am Gardose. Sabay kaming pupunta sa CCAM para maabutan ang presentation ni Jandrice. 

"First time na aabsent ka ah. May quiz bukas ha. Wag mong kalimutan," dagdag niya pa. 

"Alise, dapat nandoon ako para mapanood ko ang performance ni Jandrice. At tsaka wala rin namang gagawin sa next class. Pina-excuse na rin ako ni ma'am Gardose. 'Di ko makakalimutan ang quiz bukas. Don't worry." 

Nang natapos kong ligpitin ang gamit ko, nagpaalam na ako sa kanya. Absent si Ely at Jay ngayon kaya si Alise ang kasama ko buong araw. 'Di ko alam kung bakit wala ang dalawa.

Kumaway si ma'am Gardose nang makita niya ako papalabas ng gate. Sasabay ako sa kanya para 'di na raw ako gumastos. Ngumiti ako at binilisan ang lakad ko papunta sa kanya. 

"Blooming tayo ngayon ah," nakangising sabi niya. 

Namula ako dahil do'n. Parang may ibang meaning kasi ang pagkakasabi niya. Ismael's family are very kind kaso ang weird nila minsan. Parang lahat ng sinasabi ay may ibang meaning eh. Ewan ko nga rin dahil simula noong nakaraan, parang always ako masaya. Excited ako always pumasok lalo na kung hapon. Siguro dahil nakikita ko si Ismael. 

"Curious talaga ako paano humantong sa panliligaw itong si Ismael. Akala ko nga si Zy ang liligawan niya pero tadhana nga naman, sa estudyante ko pala nahulog," nakangiting sabi niya habang nagmamaneho. 

Nawala bigla ang saya ko nang marinig ko iyon. Zy? si Chytzy ba? So, close talaga sila at kilala na rin ito ng buong pamilya niya. 

"Close po ba talaga sina Ismael at Chytzy?" tanong ko sa kanya. 

"Sobra. Sabay namatay ang parents ni Zy at mommy ni Ismael sa isang car accident noong papauwi sila galing sa isang business meeting 3 years ago," napatingin ako bigla sa kanya. Wala na ang mommy ni Ismael? 

"Simula bata ay magkasama na sila. Always protective si Ismael kay Zy. Parang kapatid na rin kasi ang turing niya rito. Magmula rin nang mamatay ang parents ni Zy, si Ismael na ang nagsilbing tagabantay niya," dagdag pa niya. 

Alam kong naiinis ako kay Chytzy minsan dahil na rin sa pagtatrato niya sakin pero 'di ko maiwasang maawa sa sinapit niya. Wala na siyang magulang. Iniisip ko na ako, 'di ko kaya na wala sina mom at dad. Kamusta kaya siya dahil namumuhay siyang walang parents for 3 years?

'Di na ako umimik pa dahil sobrang dami ang tumatakbo sa isip ko. 'Di ko nga namalayang nandito na kami sa CCAM.

Mabilis kaming lumabas ng sasakyan ni ma'am at dumiretso na sa Auditorium. Sobrang dami ng tao lalo na ang mga estudyante. First time kong pumunta dito nang mas maaga kaya nanibago ako. Madaming nakasunod ng tingin sa amin ni ma'am. Dahil na rin siguro naka uniform pa ako ng SEU at si ma'am ay naka-shirt din ng SEU. Known rival kasi ng CCAM ang SEU kaya ganito. 

Wala sigurong pasok ang lahat kaya nagkalat ang mga estudyante sa paligid. Para akong nasa field ng ospital dahil puro nakaputi ang mga estudyante.

Nang malapit na kami sa audi ay namataan ko sina Ismael at Chytzy na nag-uusap. Tumawa pa si Ismael habang nakasimangot naman si Chytzy.

They look good together.

'Di ko maiwasang makaramdam ng selos. Ako pa mismo ang nananakit sa sarili ko. Nang nakita na nila kami ay pinilit kong ngumiti. 

"Titaaaa!"

Tumakbo pa si Chytzy papalapit kay Ma'am at bumeso. Yumakap lang din si Ismael kay ma'am at lumapit sa akin pagkatapos. 

"Mabuti naman at nagkita na tayo ulit Zy," nakangiting sabi ni ma'am kay Chytzy. 

"Kaya nga tita, sa susunod po bibisitahin ka namin ni Mael sa inyo," nakangiting turan pa nito. 

"Pasok na tayo. Mag-uumpisa na," sabi ni Ismael na nakaputol sa pag-uusap ng dalawa.

Tumango naman silang dalawa at sabay kaming apat pumasok sa auditorium.Nalula ako sa taong nasa loob. Punong-puno ito at sobrang ingay na. 

Hinila ako ni Ismael papunta sa ibang direksyon kaya tinawag siya ni Chytzy. 

"Mael, sa'n kayo pupunta? Doon ang upuan natin," sabay turo pa niya ng bakanteng upuan sa kabilang direksyon. 

"Samahan mo na si tita. Hinahanap ni Jandrice si Kara," simpleng sagot lang ni Ismael. Tumingin naman sa akin si Chytzy at umirap. 

Talagang 'di niya ko gusto. Nagmumukha na ba akong kontrabida sa love story nila? Kasalanan ko bang ako ang niligawan? 

Kung kanina naaawa pa ako sa kanya, ngayon wala na. Inis na inis na ko. 

"Are you okay?" tanong ni Ismael sa akin habang papunta kami sa backstage kung nasaan si Jandrice. 

"Oo naman," plastic kong sagot sa kanya. 

"Hayaan mo na si Chytzy. Gano'n lang talaga 'yon," pagtatanggol pa niya sa babae niya. 

Umirap ako ulit at di na siya pinansin hanggang sa makarating na kami sa kinaroroonan ni Jandrice. 

"Ate! Kinakabahan ako," nakayakap na sabi sa akin ni Jandrice. 

"Ano ka ba. Ang galing mo kaya sumayaw. Just enjoy, okay?" nakangiti kong sabi sa kanya at niyakap na rin siya pabalik. 

Nang kumalas na siya ay nagpaalam na kami ni Ismael sa kanila ni Tita Cindy at pumunta na sa kinaroroonan nina Ma'am Gardose at Chytzy. Naabutan namin silang nagtatawanan habang nakukwentuhan. 

Sa tabi ako ni Chytzy pinaupo ni Ismael para daw makapag-usap pa kami. As if naman magkakasundo kami ng babaeng 'to. 

"Alam mo tita, nagbago na si Mael. 'Di na niya ako hinahatid," nakasimangot si Chytzy habang nagkukwento kay ma'am.

'Di ka niya hinahatid kasi ako 'yong inuuna. Hmp. 

"May nililigawan ang kaibigan mo kaya intindihin mo na lang," natatawang sagot sa kanya ni ma'am.

Muntik na akong maubo sa sinabi niya. Tiningnan ko si Ismael sa tabi ko pero nakatuon lang sa harap ang paningin niya. 'Di naman siya nakikinig sa usapan ng tita niya at ni Chytzy. 

Nagulat pa ako nang maabutan niya akong nakatingin sa kanya. 

"Bakit ganyan ka makatingin? Na miss mo 'ko?" panunukso pa niya. 

Inirapan ko na lang dahil iba naman ang iniisip ko, hindi gano'n.

"Asa," sagot ko pa at binaling na sa ibang direksiyon ang tingin ko.

Narinig ko pa ang mahina niyang tawa pero di ko na pinansin. 

May mga naunang mag perform at halos lahat ay magagaling. Almost 30 minutes na rin kaming nakaupo dito. Singing category pa lang kaya mamaya pa si Jandrice. Inaantok tuloy ako.

Napatingin ako kina ma'am at Chytzy sa kaliwa ko. Nagbubulungan silang nag-uusap siguro dahil sobrang ingay na ng paligid. Napalingon naman ako sa pwesto ni Ismael at napangiti na lang nang maabutan ko siyang tulog. Sobrang peaceful niya tingnan. Parang walang problema. 

Bakit mas lalo ata siyang gumagwapo ngayon?

Naiwaksi lahat ng mga pinag-iisip ko nang magising siya. Naabutan na naman niya akong nakatingin sa kanya kaya mabilis siyang ngumisi. 

"Miss mo talaga ako eh," natatawa niyang sabi. 

"Labas muna tayo. Gusto kong kumain ng ice-cream, matagal pa naman si Jandrice," pag-iiba ko na lang ng usapan. 

"Okay," sagot niya habang nakangiti at tumayo na agad. 

Hindi man lang kami nagpaalam kina ma'am. Hinila lang niya ako agad. 

Medyo malayo ang Auditorium sa canteen kaya natagalan kami. Pagkarating ay dumiretso agad ako sa Ice-cream corner. Sumunod naman siya agad. 

"Cookies and cream, dalawa," mabilis na sabi ni Ismael sa nagtitinda at nagbayad agad. 

Kita mo na. Siya na lang palagi ang nagbabayad kaya napasimangot ako. 

"Ikaw pala yan ijo," sabi ng tindero. Pati ba naman siya, famous katulad ng kapatid niya?

"Opo," natatawang sagot ni Ismael. 

Ibinigay naman agad ni manong ang binili niya sa amin at napatingin pa ito sa akin.

"Girlfriend mo ba 'to? Ngayon ko lang nakita ah?" nakangiting tanong ni manong. Sasagot na sana ako pero nauna na siya. 

"Hindi pa po. Nililigawan pa lang. Ang tagal niya 'ko sagutin manong," natatawag sambit niya. 

Sumimangot ulit ako at naunang umalis. Iniwan ko siya habang tumatawa. 

"Lagot ka ijo, nagalit," natatawang sabi pa ni manong na rinig na rinig ko pa. Sinadyang lakasan eh. 

"Hey." habol sa akin ni Ismael. 

'Di ko pa rin siya pinansin. Nagmamadali ba siya? Edi sana sinagot ko na siya kaagad. Pero syempre joke lang. 

"Galit ka ba?" nakasunod pa rin siya sa akin. 

Diretso lang ang lakad ko at di ko pa rin siya pinansin. 

"Ate! Bat ka nandito?"

Napatingin ako sa tumawag sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Sheneth. Bakit ba nakalimutan kong dito siya nag-aaral? 

"Hi, baby Sheneth," pang-aasar ko pa sa kanya at hindi sinagot ang tanong niya. 

Sumimangot siya nang marinig ang baby dahil ayaw niyang bini-baby siya. Natawa tuloy ako. 

"Oh, kuya Mael. Bakit ka nandito?" takang tanong ni Sheneth sa taong nasa likod ko. 

Napalingon din tuloy ako sa kanya. 

"Ah, sinamahan ko lang siya," turo niya sa 'kin habang nakahawak sa batok niya. Nahihiya pa 'to? 

"Magkakilala kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa. 

"Ate naman. Bakit 'di ko makikila 'yong senior namin sa Archery?" 

Napalingon ulit ako kay Ismael at tinaasan ko pa ng kilay. Aba, senior ni Sheneth sa Archery?

"Hindi ko alam na magkakilala pala kayo ate. I smell something fishy," natatawang panunukso ni Sheneth. 

Tiningnan ko siya ng masama kaya napatigil siya. 

"Alis na ko ate. Manonood ako ng game sa field. Bye kuya, enjoy!" 

Tumakbo pa siya papalayo sa amin habang kumakaway. Napailing na lang ako.

Small world. 

Naglakad na ko ulit at hinayaan si Ismael. 

"Galit ka ba sakin?" ulit pa niya nang maabutan niya ako. 

"Hindi," tipid kong sagod sa kanya. 

"Sorry na, 'dii naman ako nagmamadali eh," pagpapaliwanag pa niya. 

Actually nabasa ko na ang lahat ng letters na ibinigay niya sa akin noong Valentine's day. 'Yong laman ng last card ay tanong if pwede niya na akong maging girlfriend. Muntik pa nga akong sumigaw no'n dahil sa kung anong nararamdaman ko. 

"Okay na nga, ang kulit mo," suway ko pa sa kanya. 

"Ngiti ka muna," parang bata niyang sabi. 

Tumigil ako sa paglalakad at isinawalang bahala na ang ice-cream na hawak ko. Unti-unti na ring natutunaw. Ngumiti ako na ng pilit para tumigil na siya.

"Iyong totoong smile!" reklamo pa niya. 

"Ayaw ko nga. Okay na nga kasi." 

Iniwan ko siya ulit sa pwesto niya. 'Di na rin naman niya ako kinulit hanggang sa makabalik na kami sa pwesto namin. Inubos muna namin ang ice cream sa labas dahil bawal ang pagkain sa loob. 

"San kayo galing?" masungit na tanong ni Chytzy sa akin pagkaupo ko pa lang. 

"Sa lugar kung sa'n wala ka," pambabara ko pa sa kanya. 

Mas tumalim ang tingin niya sakin dahil sa sinagot ko. Siya ang may kasalanan. Inuunahan niya ako sa pagsusungit niya. 

"Ladies and gentlemen, let's proceed to the next category." 

Napatingin na kaming lahat sa harap dahil mag-uumpisa na ang dance category. Ngayon ko lang na realize na contest pala talaga 'to. 'Di na rin nakahirit pa si Chytzy dahil 'di na ko nakatingin sa kanya. 

Matapos ang naunang nag perform ay naghiyawan na ang lahat. Kumunot ang noo ko dahil parang artista ang lalabas. 

"Next in line is Jandrice Aicell Gomez." 

Mas lalong napahiyaw ang lahat. Grabe pati si Jandrice, sikat? May lahi ba silang pang-artista?

Lumabas na si Jandrice habang nakangiti. Hinanap niya ang pwesto namin. Nginitian ko siya para mawala ang konting kaba sa kanya. 

Nag-umpisa siyang gumalaw at halos humanga ang lahat sa kanya. Talagang magaling si Jandrice kaya gano'n. Halos mabingi ako sa hiyawan ng lahat nang matapos ang performance ni Jandrice. 

Tinakpan ni Ismael ang dalawang tenga ko gamit ang dalawa niyang palad. Napatingin tuloy si Chytzy sa amin. Umirap siya sa akin kaya umirap din ako pabalik. Ang sarap dukutin ng mga mata niya. Inggit ka te? 

Inalis din ni Ismael ang mga kamay niya nang 'di na masyado nakakabingi. 'Di na namin pinanood ang iba. Umalis kami ulit sa pwesto namin and this time ay kasama na si Ma'am at Chytzy. Pinuntahan na namin si Jandrice sa backstage.

Tumakbo naman si Jandrice papunta sa akin at yumakap ulit. Ngumiti lang ako kay Tita Cindy na nakangiti rin sa akin. Niyakap ko pabalik si Jandrice. 

"Ang galing mo kanina. 'Di mo man lang sinabi na sikat ka pala," pagbibiro ko pa sa kanya. 

Kumalas siya sa yakap namin at sumimangot. Napatawa na rin tuloy ang iba. 

"Pero ate thank you!" sigaw niya. 

"You're welcome Jandrice," nakangiti kong sagot sa kanya. 

Napalingon ako kina ma'am Gardose at Tita Cindy na nag-uusap na. Si Ismael at Chytzy naman ay nasa likod ko pa rin. 

"Congrats Aicell!" nakangiting sabi ni Chytzy kay Jandrice. 

"Huwag mo nga akong tawagin sa second name ko, ate Zy." inirapan pa ito ni Jandrice pero tumawa lang siya. 

Walang sinabi si Ismael pero ginulo niya lang ulit ang buhok ni Jandrice.

"Kuya naman eh." 

Nagpapadyak pa si Jandrice na umalis sa pwesto namin at inayos ang nagulo niyang buhok. 

'Di na rin kami nagtagal doon. Nagpasalamat na rin sina ma'am at tita Cindy sa akin. Nagpaalam na ako sa kanila na mauuna na ako para makauwi ako ng maaga, may quiz pa ako bukas. Nag -offer pa sila na ihatid ako pero sinabi ni Ismael na siya na ang bahala sa akin. 

Nanunuksong tumingin lang sina ma'am sa sinabi niya. Present pa naman silang lahat noong surprise ni Ismael kaya paniguradong alam na nila kung anong meron saamin. 

As usual, nakasimangot lang si Chytzy. Inggit na naman. May dumating na babae at inaya siya papunta sa kung saan. Umirap pa ulit siya sa akin bago umalis. 

Tahimik lang si Ismael habang nagmamaneho. Wala kaming imikan simula pa kanina. Dala niya ngayon ang kotse niya kaya mas napadali ang pag-uwi ko. 

Nang malapit na kami sa bahay ay inihinto niya muna ang kotse. Napatingin ako sa kanya at nagtaka dahil 'di niya ako dineretso sa bahay. 

"Sorry ulit kanina," seryosong sabi niya. 

Bakit pa always bumubilis ang tibok ng puso ko kapag ganito siya?

Napabuntong hininga na lang ako dahil wala naman siyang kasalanan. Ako lang 'tong affected masyado. 

"Okay na, Ismael." nginitian ko siya. 'Yong totoong ngiti na, kaya napangiti rin siya. 

"Ah, tungkol pala sa tanong k-" 'di ko na siya pinatapos dahil alam ko na ang sasabihin niya. 

Lumabas ako ng kotse niya kahit na 'di pa 'to nasa harap ng bahay. Tatakbo na lang ako pagkatapos nito. Tama ba tong gagawin ko? 

"What are you doing?" nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. 'Di ko muna sinarado ang pinto dahil may sasabihin pa ako. 

"At tungkol sa tanong mo do'n sa card na binigay mo..." 

Napakamot ako sa ulo ko ng mahina. Ganito pala ang feeling kapag sasagot ka ng manliligaw. 

"Ha? 'Yong sa let--"

'Di ko na ulit siya pinatapos.

"Oo ang sagot ko do'n."

Mabilis kong isinara ang pinto ng kotse niya at tumakbo papuntang bahay dahil sa sobrang hiya. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status