Share

CHAPTER 2

Hindi ako nakapag focus sa trabaho ko buong araw. Pagkatapos ng nangyari, tumakbo si Hira sa labas na sinundan naman ni Rius. I saw a ring on their fingers, my god what the hell is going on?

"Hoy!" Napapitlag ako sa gulat ng sigawan ako ni Sany na anak ng kumpare ni papa. "Kanina ka pa tulala dyan, ang dami mong pagkakamali kanina sa order. Kilala mo ba yung mag asawa na yun, binanggit nila pangalan mo eh." Nanlaki ang mga mata ko at napatayo.

"Mag asawa?"

"Oo, Kapatid ni sir Alius si sir Rius kaya kilala namin sila." Sabi nito at sinenyasan akong lumapit.

"Palaging may babaeng dala yang si Sir Rius dito, palagi rin syang sinusundan ni Mam Hira dito kaya palaging huli si Sir, pero yang si Sir naku! todo deny, kesyo business partners lang daw pero ang sweet sweet nya sa mga babae nya." Kwento ni Sany sa akin.

Mag asawa? Alam kong crush noon ni Hira si Rius pero.... oh my god! Don't overthink Zertyl hindi mo alam ang nangyare. Hindi mo alam. Inagaw ba nya si Rius?

"Mama are you okay?" Napatingin ako kay Aera na umakyat sa kandungan ko at umupo. Hinawakan nito ang mukha ko at pinaharap sa kanya.

"Im fine anak, did you enjoy your class today?" Tanong ko.

"You don't look okay mama but i wont ask na. My teacher said na pwede na daw po ako sa grade one kasi Im smart." Nakangiting sabi nito kaya kinurot ko ito sa pisngi.

"Magfa-five ka palang anak, di ka pa pwede sa grade one. Next month na pala birthday mo. Anong gusto ni Aera?" Nakangiting tanong ko.

"Toys! A lot of toys mama!"

"Sige sa unang sweldo ni mama bibili tayo ng maraming toys, laruan lahat hindi na tayo bibili ng pagkain." Biro ko na ikinahagikhik nito.

DALAWANG linggo na ang nakalipas simula ng makita ko sina Hira At Rius. Plano kong mag resign sana kaya lang mahirap maghanap ng trabaho sa manila lalo na pag walang tinapusan. Wala akong kaalam alam na si Alius pala yung may ari ng restaurant, buti na lang hindi ito dumadalaw rito.

"Good morning Sir!" Napalingon ako ng marinig ang bati ng lahat sa lalaking dumating.

"What the hell! Kakasabi ko lang eh." Bulong ko ng makita si Alius na pumasok ng restaurant. Agad akong tumalikod at lumayo sa kanila.

"Zertyl pinapatawag ka ni sir." Sabi ni Sany na ikinatingin ng lahat sa akin.

"B-bakit daw?" Mahina kong tanong kay Sany.

"Aba malay ko, puntahan mo na para malaman mo." Napakagat ako ng labi at dahan dahang umalis. Nakita ko pa bulungan ng kasamahan ko bago ako umalis.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok.

"Come in."

"S-sir......pinapatawag nyu daw p-po ako." Kinakabahan kong sabi.

"God it's really you!" Napaatras ako ng lumapit ito at yakapin ako.

"S-sir." Alanganin kong sambit sa pangalan nito. Kumalas ito sa yakap at ngumisi.

"Come on were friends don't call me Sir, just call me Alius." Nakangising savi nito.

"Rius mention that you're working here. So i went here to confirm it." Sabi nito at tumalikod. Sinenyasan ako nitong umupo sa harap ng table nya.

"Why working here Zertyl when you can get a stable job in a big companies?" Nakakunit noo nitong tanong.

"Mataas naman yung sweldo dito, but if you don't want me he—"

"What the fvck! That's not what i mean, okay?"

I can't understand him. I mean lahat sila. Kinakausap nila ako na para bang matalik nila akong kaibigan na bigla na lang nawala. Nakalimutan na ba nila ang ginawa nila noon?

"I didn't finish college." Straight kong sabi na nagpawaang ng nga labi nito.

"Are you fvcking kidding me? Hira said na nagtransfer ka ng school. Karic was about to......" hindi nito tinapos ang sinabi nito, biglang nag ring ang phone nito.

"Sh!t" mura nito at nagmamadaling lumabas ng opisina nya.

"Anong pinag usapan nyu ni sir dai?" Tanong ni Sany, habang papauwi kami.

"About work." Walang ganang sagot ko.

"About work!? Simula ng makapagtrabaho ako dai ni minsan hindi dinalaw ni sir yung restaurant nya para magtanong tungkol sa trabaho namin."

"Ah basta! Mauuna na ako." Sabi ko at sumakay na ng jeep.

"Mama pagkain!?" Napatigil ako sa paghuhubad ng sapatos at napatampal ng noo.

"Baby gabi na, wala nang open na fastfood." Pagdadahilan ko.

Kumunot ang noo nito at namewang. "Why are you lying mama? Some fastfood are 24hours open right?" Malditang tanong nito.

"I dont know baby wala akong nakita eh." Pagsisinungaling ko.

"Hmp!" Tumakbo ito papasok ng room ni papa. Pagod na humilata ako sa sofa at tumititig sa kawalan.

"Anak." Napabangon ako at nakitang naghuhugas ng kamay si papa mula sa kusina.

"Day off mo bukas diba? Pwede bang maextend yan, wag ka na lang magday off sa susunod."

"May day off bang nae-extend pa?" Natatawa kong sabi.

"Magabsent ka na lang muna, mabait naman yang boss diba. Kailangan kasi naming mag stay-in ng tatlong araw." Umupo ito sa kaharap ng sofa at niligpit ang mga papel ni Aera.

"Tatawagan ko mamaya si miss Alina pero sa tingin ko okay lang naman sa kanya." Kaya lang pag uusapan naman ako ng mga katrabaho ko.... hayss!

"Hindi ka raw nakabili ng pagkain?" Tanong ni papa at tumingin sa kwarto nito.

"Nakalimutan ko at saka kailangan rin nating magtipid muna pa, malayo pa yung sweldo ko, kakasimula ko pa lang at saka nag iipon rin ako para sa birthday ni Aera." Stress kong sabi.

"Isa lang tanong ko eh ang dami mong sinabi." Rinig kong bulong ni papa.

"O sige na masyado ng gabi, matulog na tayo." Sabi ni papa at nanglock ng pinto at bintana.

Hinanda ko yung mga kakailanganin ni papa para sa stay in nya bago matulog. Pagdating ng alas tres ng umaga ay nagising na ako para tulungan si papa. Maarte si papa ayaw nyang gumamit ng gamit ng iba, lalo na yung mga kutsara at baso kaya kahit tatlong araw lang binaonan ko lahat sya ng gamit na kailangan nya. Gulat na gulat yung kasamahan nito ng makita ang bag na dala ni papa.

"Pre di tayo pupunta ng beach ah!" Natawa ako sa sinabi ni Mang Ardon. Malinis si papa sa katawan kaya marami syang dalang damit. Nagpaalam na ako kay papa at saka umakyat ulit sa kwarto.

Hindi na ako natulog ulit at hinintay na lang na lumabas yung araw para ihatid sa paaralan si Aera. Ginamit ko yung laptop ni papa para mag aral at magbasa tungkol sa kurso ko. Kapag may pagkakataon gusto kong mag aral ulit.

"Mama wait mo na lang ako, wala ka namang trabaho eh." Sabi ni Aera ng ihatid ko ito sa room nito. Tumango ako kaya ngumiti ito malapad at binigyan ako ng flying kiss.

Nasa labas ako ng room at pinapanood lang si Aera kung paano ito magparticipate sa mga activities nila. Napangiti ako dahil napakabibo nito.

"Hi!" Gulat na napaatras ako may biglang tumabi sa akin.

"Rigon." Nakangiting pakilala nito sa akin. Alanganin kong tinanggap ang kamay nito pero di ko binigay ang pangalan ko.

"Hinihintay mo yung kapatid mo?" Napataas ako ng kilay sa sinabi nito.

"No, she 's my daughter." Sabi ko ikinawala ng ngiti nito.

"You're too young to be a mother, i guess you don't have a husband." Hindi ako nakasagot.

"Hah! So i'm right. Lahat naman ng kakabaihan nabubuntis ng maaga na walang asawa so it's okay. Pwede ka namang maghanap ng mas matanda ng konti." Nakangising sabi nito at kinandatan ako. Para akong kinilabutan at umalis sa tabi nito.

"By the way this is my number. Ako yung nagspo-sponsor ng feeding dito. I have a restaurant, if you have some time you can eat there for free, you can bring your daughter too." Hindi ako sumagot at awkward na nginitian lang ito.

Hindi ko alam kung paano ako nakasurvive sa lalaking iyon hanggat sa uwian na ni Aera. Hindi sya umalis sa tabi ko at pinagmayabang nya sa akin yung pera nya at mga kotse nya.

"Oh is she your daughter? So lovely..." napatingin ang anak ko rito at saka nagtatakang tumingin sa akin.

"You're so pretty you know that?" Nakangiting puri nito kay Aera.

"Thank you po lolo!" Napakagat ako ng labi para pigilan yung ngiti ko. Napaubo naman yung ale na nasa tabi lang namin.

"Im not a lolo, you can call me papa rigon if you want." Lihim akong napangiwi at agad na nag excuse para maakalis na kami.

"He is the same age as lolo right? Hmp! Feeling....." umirap ito sa hangin at nagpakarga sa akin.

"Mama let's eat!" Excited nitong sabi ng makalabas kami ng paaralan.

"You're always thinking about food that's why you're always hungry pero hindi ka naman masyadong tumataba but you're cute anyway." Sabi ko at kinurot ang pisngi nito. Humahikhik ito naglalambing na yumakap sa leeg ko.

"I have fast metabolism, I guess...."

"Wow! Fast metabolism." Natatawa kong sabi. Tumango ako, since day off ko naman, magbo-bonding na lang kami ng anak ko.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ko habang nag aabang ng jeep.

"Gusto ko pong maglibot muna ng mall before kumain mama. Can we do that?"

"I wanna come back here kapag birthday ko na mama, maraming toys!" Kumikislap ang mga mata nito habang nakatingin sa mga laruan. Nawala yung ngiti ko habang nakatingin sa anak ko. Kung may pera lang ako anak. Ibibili kita ng maraming laruan hanggat magsawa ka.

Mas lalo akong nalungkot ng hilahin ako nito sa loob ng damit pambata. Tuwang tuwa ito habang sinusukat ang mga damit. Tumatalon talon ito habang tumatakbo sa mga nakahilerang magagandang dress. Pinigilan kong wag mapaiyak habang pinapanood ang anak ko.

"Anak, hindi ka pa ba gutom? Come on let's eat na...." hindi ako pinansin nito at busy na naman ito sa kakatingin ng mga sapatos sa kabilang store.

"Mama their shoes here is so so so pretty. Wala naman ganito doon sa atin." Curious nitong tanong. "Look kumikinang sya mama! Real diamond po ba sila?" Walang tigil ito sa kakatanong habang tumitingin.

"Mama look, kapag nag grade one po ako pwede po bang ganyan bag ko? Ganyan po yung bag ni Jalin ngayon may gulong din." Nakangusong sabi nito.

Ilang oras pa bago kami nakakain sa paborito nitong Kfc.

"Baby here." Sinubuan ko ito ng ice cream for dessert pero malayo ang tingin nito sa likod ko. Napalingon ako at nakita ang pamilya sa likod lang table namin.

Napabuntong hininga ako at binitawan ang ice cream na hawak ko. Tumingin ako sa anak ko at nakitang bumalik na ito sa pagkain.

"Mama ano po yung kinakain ng DADDY nila. It looks delicious po" napakagat ako ng labi at pinigilang tumulo ang luha ko. Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti.

"Gutom ka pa ba anak? You still want to eat?" Tanong ko dahil marami naman na itong nakain. Tumingin ito sa akin at tumitig.

"Can I have that mama?" Mahinang tanong nito.

In the end tinake out na lang namin dahil kakainin na lang daw nya pagkauwi namin.

Madilim na ng makauwi kami ni Aera, at dahil siguro sa pagod agad itong nakatulog. Hindi na nakapaglinis ng katawan at nakapagtoothbrush.

Kinabukasan tumawag si papa, kinakamusta si Aera. Hindi ito sanay na ilang araw na wala sa tabi namin kaya maya't maya ang tawag nito.

"Mama punta ulit tayo ng mall after ng class ko ah!" Napabuntong hininga ako at tumango. Noon hanggang sa kapit bahay lang ito ngayon paboritong tambayan na ang mall.

"Oh my god." Nakairap kong sabi ng makita yung lalaki kahapon.

"Hi! Good morning." Malapad pa sa dagat ang ngiti nito habang binibigay ang chocolates.

"Mama don't likes sweet." Nakangusong sabi ni Aera habang nakakunot ng noo. Nawala ang ngiti nung lalaki.

"Oh.. ahm.. i'm sorry i didn't know. Here flowers." Nagulat ako ng biglang nagtakip ng bibig ang anak ko na parang nagulat.

"No! Ilayo nyu po! Mama's allergic with flowers." Nataranta yung lalaki at naitapon ang bulaklak sa malayo. Lihim akong napangiti kahit na nagsisingungaling lamang si Aera.

"Oh god.... I'm really sorry. I don't know." Napahilamos ito ng mukha na para bang nastress ito. "How about this baby..." nakangiting pinakita nito ang malaking doll sa anak ko.

"Excuse me sir. Papasok na ho yung anak ko." Sabi ko at hinila na papuntang room si Aera. Nakita kong nakanguso ito habang nakahawak sa kamay ko.

"Anak babalikan ka ni mama pagkatapos ng class mo. Behave ka okay?" Tumango ito tumakbo papasok ng room. Nakita kong hinihintay ako nung lalaki kaya sa iba ako dumaan.

Tumawag si Sany kaninang umaga at kailangan daw nila ng waitress kahit sa umaga lang dahil yung dalawang gumimik kagabi umabsent.

Lumiwanag yung mukha ni Miss Alina ng makita ako. Dali dali ako nitong pinagpalot para makatulong agad ako.

"Naku girl! Buti na lang dumating ka, naku lagot talaga ang dalawang yun kay Miss Alina." Stress na sabi ni Sany at pagod na umupo sa tabi ko. "Nagkataon pa talaga na halos day off ng iba." Dagdag nito at napailing.

"It's okay, may trabaho naman talaga ako ngayon kahapon pa yung day off ko eh." Sagot ko.

"Anong okay? Eh walang kasama yung anak mo."

"Okay lang talaga kapag umaga wag lang sa hapon kasi gabi na yung out, hindi ko masusundo anak ko."

"Zertyl!" Agad akong napatayo dahil ready na yung ise-serve ko.

Nakangiting naglakad ako sa table pero agad ring nawala ng makita kong sino yung kasama ng lalaki. Napahinto ako at agad na tumalikod. Binundol ng kaba yung dibdib ko.

Relax Zertyl. Bakit ka nga ba naman kakabahan? Wala ka namang atraso o kasalanan. Just act normal. Yes! Yes! Act normal. Huminga ako ng malalim at nagalakad doon sa table.

Nakangiting nilapag ko yung order nila sa table, pero nagulat ako ng hawakan nung lalaki yung kamay ko kaya nabitawan ko yung wine.

"Oh my god! Im sorry Im sorry...." nagpapanic kong sabi at kinuha lahat ng tissue para punasan yung natapon na wine.

"No, no it's okay." Napatigil ako ng magsalita ito at hawakan ang kamay ko. Kinuha nito ang tissue sa kamay ko at tinapon iyon at tumawag ng janitress.

"Oh no, sir Karic!" Napakagat ako ng labi at umatras ng konti. Mabait si Miss Alina sa kahit na sino kaya kinabahan ako ng tingnan ako nito ng masama. Todo asikaso ito kay Karic.

Napalingon ako ng hilahin ako ni Sany sa gilid. "Lagot ka girl. Alam mo bang napakasungit nyang si Sir Karic. Yung dating waitress na natapunan sya ng kape nasisante at hindi na nakahanap ng trabaho." Namutla ako at di alam ang gagawin.

"H-hindi naman sya n-natapunan d-diba?" Kinakabahan kong sabi at napatingin sa pwesto nila, pero agad ring napaiwas ng tingin ng makitang nakatingin ito sa akin.

"Magpalit ka na ng damit girl, Malapit na rin naman matapos shift mo." Bulong ni Sany. Tumango ako at agad na umalis.

God.... why is he looking at me like that?

"Zertyl." Napapitlag ako ng marinig ang boses ni Miss alina sa labas. Dali daling nagbihis ako at lumbas ng dressing room.

"Next time please becareful. Buti na lang hindi nagalit si sir Karic ngayon which is weird. Sir Karic said na hindi mo naman daw kasalanan." Sabi ni Miss Alina at tinaasan ako ng kilay. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa at saka ito tumalikod.

"Kay bago bago ang dami nang eksena." Rinig kong bulongan nina Rikay.

"Nakita ko namang sya yung humawak sa kamay nung ka meeting ni sir eh. Inunuuna pa kasi yung kalandian kesa sa trabaho nya. Naku! Dapat pinapaalis na yan dito." Napakuyom ako ng kamao at pinigilan ang sarili na wag sumabat.

"Hay naku girl! Pumuti lang yung mata mo hindi mangyayari yan. Alam nyu naman yung nangyare sa office ni Sir Alius diba?" Sabi ni Kasan at saka sila nagtawanan.

"Hindi naman sya kagandahan! Mukha lang naman syang cheap na manika na gustong idisplay sa mga mamahaling mall!" Agad akong tumalikod at pinigilang tumulo ang mga luha ko.

Dire-diretso akong lumabas ng restaurant ay hindi na pinansin si Sany na tinawag ako.

"Hey!" Napatigil ako ng may humablot ng kamay ko. "Hi! Im Ren, Im sorry sa nangyare kanina. Kinausap ko naman si Alina na kasalanan ko yung nangyare. A thank you kiss would do." Para akong natameme sa huling sinabi nito.

"By the way this is my number. I will apologize in advance kapag di ko agad nasagot yung tawag o text mo. You know I have so many business to take care. But you can come at my condo anytime." Nakangiting sabi nito at may binigay ulit na card sa akin. Napaawang ang mga labi ko at di alam ang sasabihin. Like what the hell!

Napaatras ako ng yakapin ako nito, hindi agad ako nakareact.

"What are you doing?" Napakalas ng yakap yung lalaki at nilingon si Karic. Hindi ko alam pero parang umirap ito at inis na tiningnan si Karic.

"After you reject my proposal, you don't have any business with me Mr. Williams." Nanlaki ang mga mata ko ng lumapit si Karic sa akin at akbyan ako.

"You're talking to my girlfriend, Mr Amson." Malamig na sagot ni Karic. Hindi ako nakagalaw at napabalik balik lang ang tingin ko sa kanila.

"You know what will happen to your business if you still don't want to walk your ass out of here." Sumama ang timpla ng mukha nito at pinanlisikan ng mata si Karic bago umalis.

"Let's go!" Malamig nitong sabi at hinila ako papasok ng kotse nya.

Hindi ako nakareact at parang bato na nakaupo sa tabi ni Karic.

"G-girlfriend?" Nauutal kong tanong.

"Why Zertyl? Did we break up?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status