Share

Kabanata 16.1

Hindi umimik si Aidan. Mawawalan ng kwenta ang ginawa niya kapag sinagot niya ang tanong ni Monique. Alam niyang matagal ng laman ng isipan ni Monique ang itinanong niya ngayon kay Aidan pero hindi alam ni Aidan kung paano yun sasagutin.

Mukha namang maayos na silang dalawa hindi ba? Mukha namang maayos na si Monique at nakalimutan na ang nakaraan kaya para saan pa para sagutin niya ang tanong ni Monique? Alam niyang masasaktan niya na naman si Monique kapag hindi niya ito sinagot pero ito ang kailangan.

“Kuya, ito na po ang kabayo niyo.” agaw atensyong saad ni Berth dala-dala ang kabayo na pinapakain ni Aidan kahapon. Napakatangkad nito at talagang napakagandang kabayo. Inilapit na ni Berth ang kabayo kay Aidan kaya tuluyan niya ng hindi nasagot ang tanong ni Monique.

Napabuntong hininga na lang si Monique at naipilig niya na lang ang ulo niya.

“You want to ride?” baling ni Aidan kay Monique. Tiningnan naman ni Monique ang kabayo at hindi niya alam kung paano ba siya makakaaakyat ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status